7. Remember

895 34 22
                                    

Daniella

Kung tuwang-tuwa akong ka-chat si Six, ganon naman ako kabadtrip sa isang nanggugulo sa'king may pa-mysterious effect pa at ayaw magpakilala. Siya nalang palagi ang dahilan kung bakit ako nababadtrip. Nakakabwesit nga eh.

"Alam mo ikaw? Kung wala ka lang magawa sa buhay mo, 'wag ako ang pagtrip-an mo!"

Kausap ko na naman ito sa cellphone. Sinasagot ko lang naman dahil sa pagbabakasakaling magpakilala ang kumag o kaya ay sabihin nito sa'kin kung sa'n niya nakuha ang number ko. When I am curious at something, hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman iyon. Kaya naman, ganito nalang ako sa bwesit na 'to. Sinasagot ko ang tawag niya kahit na nababadtrip ako sa kanya.

"You have always been like that. Calm down, babe." Sagot nitong nagpasama ng mukha ko sa pandidiri. Babe niya mukha niya!

"Eww. Wag mo akong matawag-tawag na babe! At anong sinasabi mo tungkol sa'kin ha?"

Ang gago, tumawa pa! May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakakaasar. Kapag ito talaga nakilala ko, bubugbogin ko 'to.

"What's funny, jerk?"

"You haven't changed." Aniya sa seryosong tono.

Ipapakulam ko 'tong lalaki na 'to. He is not going to tell me who he is! This, I'm sure. Parang balak lang niya yatang bwesitin ako. Wala siguro 'tong magawa sa buhay kaya nanggugulo siya ng buhay ng iba.

"Ba't ko pa nga ba sinagot ang tawag mo ha?" Inis na asik kong tinawanan na niya naman. "Bwesit ka talaga! Pasalamat ka hindi ako marunong mam-block ng contact dito sa phone!"

"No Dandan, you're just so caught up of the idea of me and my golden voice, you can't help answering my calls."

What the? Ang yabang! Ang kapal ng mukha! Mas makapal pa ang mukha niya sa mga kaibigan kong hambog e!

"Shut up!" Tawang-tawa na naman siya.

May saltik 'to sa utak. Malamang. At saka ba't kaya ganon? Nakakainis 'yong tawa niya. Sakit sa tenga. Mababadtrip kang lalo.

"Stop laughing! Walang nakakatawa. Alam mo, sana mahulog ka sa bintana, madulas sa hagdan, tamaan ng kidlat, mabitin sa ere— ugh, nakakainis ka naman eh!" Ako narin ang sumuko. Sa tingin ko kasi, kahit ano'ng pagsusungit ko sa kanya ay hindi naman siya matitinag. "Please, magpakilala ka lang. Promise, hindi ako magagalit." Mahinahong wika ko.

Nagtitimpi lang talaga ako. Ang totoo ay gustong-gusto ko ng sumabog sa inis. Nang hindi sumagot ang asungot, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Pero papatayin ko talaga ang sino mang hinayupak ang nagbigay sa'yo ng number ko. Alam mo, normally, I wouldn't have cared or answered any of your stupid calls pero kasi, ba't mo 'ko kilala? Alam mo pa pati nickname ko." Huminga ako ng malalim. "Magpakilala ka nalang kaysa ganitong binibwesit at sinisira mo ang araw ko."

"Daniella—"

"Alam mo, 'wag nalang pala. 'Wag ka ng tumawag ulit. Please lang!" Asar na sabi ko't binabaan na siya.

Days like that goes on. Hindi ko naman talaga ito pinapansin minsan. Honestly, most of the time, hindi ko siya pinapansin. Hindi ako nagre-reply sa text messages niya. O maging ang tawag niya ay hindi ko rin sinasagot. Pero magaling siya mang-inis eh. Napaisip nga akong siguro graduate siya ng Masters in Annoying the Human Race.

Isang araw, text na naman siya ng text. Dahil hindi ako nagreply, tumawag na naman siya. Nabwesit ako kaya nag-airplane mode nalang ako. Kaya lang, tumawag si ate Gabriella kay tatay at sinabing hindi raw ako ma-contact. Napilitan na naman akong i-off ang airplane mode. Pero laking gulat ko nalang, hindi na nanggulo ang asungot. Tuwang-tuwa nga ako e. Three hours siyang hindi na nanggugulo mula ng ibalik ko sa dating settings ang cellphone ko. Ang saya ko na dapat pero ang kumag, buhay pa pala.

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon