4. Tatay

898 38 16
                                    

Daniella

Nangako si kuya Uno na uuwi sila sa araw ng birthday ni ate kaya naexcite akong mag-December 3 na kahit na dalawang araw palang ang lumipas mula ng bumalik sila ni ate ng lungsod. Ang layo pa ng December 3. Tch.

"Thanks, tatay Pogi!" masayang sabi ko saka yumakap kay tatay para maglambing. Binigyan niya kasi ako ng ilang coins para ipang-load. Hindi kaya ako nakapag-internet sa mga nakaraang araw.

Six Palmer sent you a friend request.

Luh? Kapatid ba 'to ni kuya Uno? Chineck ko ang profile nito at nang makita ko ang picture nito ay napakunot ako ng noo. He looks familiar. Tila ba nakita ko na siya somewhere before.

Umiling ako. Siguro familiar lang siya dahil magkapatid sila ni kuya Uno. Halata din naman kasing magkapatid sila. The resemblance is quite obvious. At may nakita rin akong picture niya kasama si kuya Uno at iba pang mga lalaki na sa tingin ko ay mga kapatid niya. It's a family picture.

"Wow. Ang ganda ng mommy nila," 'di ko mapigilang ibigkas kapagkuwan ay natutop ko naman ang bibig ko nang dumako ang tingin ko sa daddy nila. Sobrang gwapo kahit makikita mong may katandaan na.

Kuya Uno is the younger version of his father. Mapapansin mo 'yon sa picture kasi magkatabi sila. Sa likuran naman nila ay ang lima pang mga lalaki na parang mga artista ang mga mukha sa kagwapuhan. Nandon rin si Six.

Sa kabilang side nga pala ng dad nila ay ang mommy nilang mala-dyosa ang ganda. Katabi nito ay...

"Parang nakita ko na 'to somewhere?" bulong-bulong ko habang nakatitig sa picture ng isa sa mga kapatid ni kuya Uno at pilit na inaalala kung saan ko nakita ang kapatid niyang 'yon.

Six: Psst.

Nagulat ako sa biglaang pagmessage ni Six. Sinara ko ang chatbox upang huwag itong reply-an at nagpatuloy sa pag-iisip kung saan ko nakita ang kapatid niyang katabi ng mommy niya sa picture. I really have seen him somewhere! Gayunpaman, hindi ako makapag-isip ng maayos dahil isang message na naman ang sinend sa'kin ni Six.

Six: Remember me?

Hindi ko ulit ito pinansin at laking gulat ko nalang nang magsend pa ito ng sunod-sunod na message. Napairap ako ngunit chineck ko parin 'yon.

Six: Yeah, right.

We only met in my dreams.

"Cheesy ng kumag," nakangiwing anas ko saka nag-offline para maiwasang mabwesit sa ka-cheesy-han ng kapatid ni kuya Uno.

Sira-ulo.

Sira-ulo? E, ba't ka nakangiti Daniella?

What the heck. Hindi ako nakangiti. Umiling ako saka inatupag na lamang ang mga gawaing bahay bago pa ako tuluyang mabaliw sa pakikipagtalo sa sarili kong utak.

Isang araw, habang naglalakad sa campus, isang unknown number ang tumawag sa'kin. Napakunot ako ng noo. Walang may alam ng number ko maliban kay ate, tatay at sa mga kaibigan ko sa school. Oh, si kuya Uno.

Ah, baka nga si kuya Uno 'to.

"Hello?" bungad ko nang sagutin ang tawag, sa pag-aakalang si Kuya Uno iyon.

"Daniella!" maririnig mong nakangisi ito sa tono ng kanyang boses.

"Excuse me? Sino 'to?" pagmamasungit ko nang mapagtantong hindi naman 'yon boses ni kuya. Pinakaayaw ko talaga 'yong tinatawagan ako ng mga taong hindi ko naman close.

"Ouch. Kinalimutan mo na ako agad? Akala ko ba walang limutan?"

"Ano'ng pinagsasabi mo?" angil ko rito, naiinis na. Nahihimigan ko rin kasi sa boses niya na talagang nang-aasar. Para bang alam niyang nagsisimula na akong mabwesit pero goal niya parin ang sirain ang araw ko.

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon