11. Tropa

558 24 20
                                    

Daniella

Unblock.
Block.
Unblock.
Block.
Unblock.

Naisipan kong asarin si Seven pagkatapos ko siyang i-unblock. Ang bilis kasi ng kumag. Chinat agad ako. Hinintay ko muna siyang makauwi sa kanila saka ko ginawa ang plano kong pang-aasar. Nang makumpirma kong nakauwi na nga siya, binlock ko siya ulit. Tawa ako ng tawa na sinagot ang tawag niya.

"Hey cheater." Aniya na nagpalakas pa ng tawa ko.

Nasa dalampasigan ako ngayon kaya kampante akong walang nakakarinig sa'kin na parang timang na tatawa-tawa mag-isa. May dala akong antigong lampara ng langis at easel para ipinta ang magandang dagat at ang city lights sa kabilang dako. Medyo malaki ang buwan kaya nakatulong din ang ilaw nito.

Pagkatapos naming manood ni tatay ng palabas sa TV after ng hapunan ay pinapahinga ko na siya agad. Galing pa kasi siya sa trabaho. Kaninang hapon lang siya nakauwi. Tamang-tama lang din dahil nasa mood akong magpinta kaya lumabas ako.

"Cheater what?"

"You. You promised to be nice to me!" Para na naman siyang bata kung makapagsalita. Hahaha. Palibhasa bunso. Tch. Pero bunso din naman ako pero hindi ako lalamya-lamya katulad niya.

"This is me being nice, Palmer." Nakangising sagot ko. "O siya, bye na. May ginagawa pa ako."

"Hoy sandali lang!"

"Bye! Asungot!" Humagikhik ako at kapagkuwan ay pinatay na ang tawag.

Sinimulan ko ang pagpipinta. Makalipas ang isang oras, nangalay ang batok ko kaya nahiga na muna ako't nag-online. Pinakauna sa my-day stories ng messenger ko ay kay Seven. Ni-click ko 'yon at nakita kong picture ng babaeng si Anastacia ang pinost niya. Nakakainis ang mukha ng babae. Pilit ko mang dine-deny, medyo hawig talaga kami. Maputi nga lang siya at ako morena. Trimmed 'yong kilay niya at bagsak na straight ang kanyang buhok. Ako naman ay walang ahit ang kilay at kulot ang buhok. Pero 'yong hugis ng mukha namin, ng ilong, ng mata at lips... Tch. Ba't ganun?

Hindi ko alam kung ako lang ba pero nabebwesit talaga ako kapag sinasabihan akong may kamukha lalo na kapag ang layo-layo naman. Pero mas nakakainis pala talaga kapag may kahawig ka nga.

Six: Ba't gising ka pa?

Me: Kasi 'di pa tulog?

Six: HAHAHAHAHAHA. Send selfies.

Me: Hahahaha. Iba pagkabasa ko. 😂

Six: Hoy! Hindi ako ganun!

Me: Weee? Lalaki ka eh. O baka naman mali ako?

HAHAHAHAHA. Akala ko talaga send nudes. O lutang lang talaga ang isip ko. Pashnea. Para akong timang. Ba't ganun pagkabasa ko?

Six: Hindi mo pa nga ako kinilala, hinuhusgahan mo na.

Me: Hugot na hugot ah? Itulog mo kaya 'yan?

Six: Ikaw ang matulog na. Palagi ka nalang nagpupuyat. Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo tuwing gabi ha?

Me: Naghahanap ng makakain. Bampira kasi ako.

Six: Kagatin mo 'ko. 😂😂😂😂

Me: Kingina Six Palmer! Bentaaaa!

Six: HAHAHAHA. Ge na. Please?

Me: HAHAHAHAHAHA. Bwesit! Tumigil ka.


Para akong timang na tumatawa habang nakahiga sa picnic mat. Mayamaya pa ay nagpaalam na din ako kay Six dahil tatapusin ko pa ang pinipinta ko. Pagkatapos ng isang oras na naman, natapos ko ang ginagawa ko. Bihira akong magandahan sa sarili kong outputs pero itong ngayon, talagang maganda. Kuhang-kuha ang dramatic view ng city lights sa kabilang dako, ang liwanag na nagre-reflect sa tubig at ang ma-bituing kalangitan. Kinunan ko iyon ng picture at pinost sa instagram. Bumalik na din ako ng bahay pagkatapos. Tamang-tama lang. Alas onse na at usual na oras ko 'yon para matulog.

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon