CHAPTER THIRTY-NINE

30 1 0
                                    

"Anong dahilan at gusto mo akong makausap?"

Napalingon si Jaxxon sa kaniyang likuran nang marinig niya ang pamilyar na boses ng kaniyang kakambal. Walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ni Jaxxon ay nakatingin siya sa kaniya repleksyon habang nakamasid sa kaniyang kapatid. Ngayon niya aaminin na magkamukhang magkamukha nga silang dalawa maliban na lang sa kulay ng mga mata nilang dalawa.

Tumikhim si Jaxxon kapagkuwan ay tumayo upang salubungin ang kaniyang kapatid. Hindi pa rin niya kaya na makita at makasama ito sa iisang lugar. He still despised him after all this time.

Halos tatlong linggo na ang nakalilipas nang makita silang dalawa ni Verlaine ng kaniyang kapatid at base sa pakikitungo nito sa kaniya ngayon ay hindi pa rin nito 'yon nakakalimutan. Muling nagpakawala si Jaxxon ng isang buntong hininga kapagkuwan binagsak ang isang puting folder sa harapan nito.

Jaxxon saw Clayton raise his right eyebrow while looking at the folder then looking back to him. Hindi na hinintay pa ni Clayton na tanungin siya ng lalaki. He immediately opens the folder and make him see it it. Napansin ni Jaxxon na namilog ang mga mata ni Clayton habang nakatingin sa papel na nasa table. Everything was decided and planned. After that night when he visited Verlaine that he chose to choose to finally give up. He did everything he can and it failed. There's no reason for him to force himself and cause her stress. Especially not now that there is a treasure inside of her.

Jaxxon clenches his fist. Definitely she mistaken him for being his brother. Sometimes he just wants to change his face. He cursed underneath his breath kung bakit pa kasi ipinanganak kami na magkamukha!

"I'm not Clayton."

"We should stop this now, Jaxxon," puno ng determinasyong saad ni Verlaine. Tinitigan niya ang mga mata ng binata. "Ilang araw na lang ikakasal na kami ng kuya mo," dagdag niyang saad.

Nagdilim naman ang mukha ni Jaxxon sa kaniyang narinig. "So itutuloy mo pa talaga ang pagpapakasal sa kapatid ko kahit na alam mo na dala mo ang anak ko? Ipapaako mo sa kaniya? Teka alam na ba ni—"

"Oo alam na niya," pagputol ni Verlaine sa sinasabi ng lalaki. "Alam na niya and he was willing to treat him as his own kaya makakasiguro ka na magiging ok lang ang baby. Just please itigil na na 'tin ito! Masyado na kasing masakit. Naiipit na kami sa sitwasyon. Ayoko na lumabas ang bata sa magulong sitwasyon na 'tin," giit niya.

"Please Jaxxon let us go. I promise I will take good care of the baby inside of me."

"Sign it and my shares of the company will be yours again," seryosong saad ni Jaxxon. He even lends his pen to the man in front of him.

Tinapunan lang siya ng blangkong tingin ni Clayton. It was the first time he saw him like this that make him wonder kung nasaan na ang palangiti niyang personality. "Why are you doing this so suddenly? You know what? It made me really happy when I heard of dad that you helped the company from its doom but now? After everything that I learned from dad that you did from my back? Hindi ko maiwasan na isipin na ginawa mo lang 'yon para may makuha kang kapalit," saad ni Clayton. Puno ng pait ang tinig nito.

Hindi nakaimik si Jaxxon sa sinabi ng kaniyang kakambal dahil alam niya sa sarili na tama ang hinala nito. He used his power to manipulate everyone though he's not sure kung lahat ba ng sinabi ng kanilang ama sa kapatid ay ang buong katotohanan.

"Kailan pa?"

Napatingin si Jaxxon kay Clayton nang muli itong magtanong. Pinalilibutan ng itim na awra ang kaniyang kapatid. Alam na niya ang tinutukoy nito. Nagpakawala si Jaxxon ng isang munting hininga atsaka sinagot ang tanong nito. "Since the forever."

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon