CHAPTER TWENTY-EIGHT

178 7 0
                                    

Nang dahil sa nangyari kanina sa banyo ay hindi magawang tingnan ni Verlaine si Jaxxon. Kung bakit kasi napaka-clumsy niya! Napahampas si Verlaine sa kaniyang noo dahilan sa kahihiyang nararamdaman.

Muling bumalik sa kaniyang alaala ang lahat ng mga nangyari. Everything was fine at first, not until she slipped on her fallen soap on the floor, and then the next thing she knew, Jaxxon was already standing near her head. She can still feel how her whole body reddened because it was staring all over her nakedness.

Hindi doon natapos ang kaniyang naging kahihiyan dahil sa kasamaang palad ng subukan niyang tumayo upang takpan ang kaniyang kahubdan ay muntikan na naman siyang madulas that made Jaxxon to take an action. The only thing that went wrong ay nadulas din ito kasama niya. Kasabay nang pagbagsak nito sa kaniyang ibabaw ay ang aksidente nitong pagbukas ng shower that ends sa pagiging basa nilang dalawa.

Everything was sudden at dahil doon ay hindi niya alam kung paano siya magre-react. Napahawak si Verlaine sa kaniyang makabilang pisngi. You're such an idiot, Verlaine!

Verlaine was taken back to reality when she felt warm hands touch her left shoulder. Nang tapunan niya ng tingin ang nagmamay-ari ng mga kamay na 'yon ay agad siyang pinamulahan dahil sa itsura ng lalaking nasa kaniyang harapan.

"Are you alright?" puno ng pag-aalalang tanong ni Jaxxon sa kaniya.

Hindi pinansin ni Verlaine ang tanong nito bagkus ay bumaba ang tingin niya sa matipuno nitong dibdib gayon na rin sa puting tuwalya na tanging tumatabing sa ibabang parte ng katawan nito. Dahil sa parehas silang basa ng tubig sa nangyaring insidente kaya naman pinahiram niya muna ito ng kaniyang tuwalya upang magpatuyo.

Agad na nag-iwas si Verlaine ng kaniyang tingin kapagkuwan ay pinalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya dahil sa kung saan saan napapadpad ang kaniyang makasalanang ma mata. She holds tightly to the sleeves of the robe she is wearing.

"Ayos lang ako kaya hindi mo kailangan pang mag-alala," sagot niya rito. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa kaniyang kama at saka walang salitang tutungo sa kaniyang damitan upang makapagsuot na ng damit ngunit pinigilan siya ng lalaki.

"We need to talk, Verlaine," ani ng lalaki sa isang napakaseryosong tinig. Ang mga mata nitong puno ng pag-alala sa kaniya ay naging blanko sa isang iglap. Ang umaapaw na autoridad na inilalabas ng katawan nito ay sapat na upang makaramdam ng pangingilabot si Verlaine.

Napakagat si Verlaine sa kaniyang ibabang labi lalo na't naramdaman niya ang kaunting paghipit ng kapit nito sa kaniya kamay.

"I'm sorry."

Pakiramdam ni Verlaine ay nahugot niya ang kaniyang hininga nang marinig ang sinabi ng lalaki. Kulang ang laglag panga upang ilarawan ang kaniyang pagkagulantang. Did I hear it right? Nag-sorry nga ba si Jaxxon sa akin? Pero para saan?

"I know I should have restrained myself more when I'm with you so stop avoiding me, please?"

"Miss Verlaine halina na kumain na po muna kayo ng tanghalian."

Napabaling si Verlaine sa kakarating lang na si Mang Karding kasama si Mang Leo. Parehas na nakasuot ang mga ito ng lumang loose long sleeves shirt at maong na kupas. Dumako ang tingin ni Velaine sa hawak na tray ng pagkain ni Mang Karding.

Sa pananatili niya roon sa lugar. Ito na ang palaging naghahanda ng makakain nilang dalawa ni Jaxxon. Pumupunta lamang ito tuwing oras ng pagkain araw-araw. Mabait ang matandang katiwala at isa pa ay napakasarap nitong magluto.

"Magandang umaga po Mang Karding at sa 'yo rin Mang Leo," ngiting bati niya saka ibinaba ang hawak na papel na kanina niya pa sinusulatan.

Kasalukuyan siyang nasa sala ng bahay at kasalukuyang gumagawa ng iba pang mga designs para sa dalawang bedroom na pambata at isang infant room. Nakatanggap kasi siya ng text mula sa kliyente nila kanina ng magising siya. Nagre-request ito na kung puwede ay lagyan ng room ng babies ang townhouse niya... para sa future use.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon