CHAPTER THIRTY-THREE

163 6 0
                                    

Jaxxon followed the instructions given to him by the person who abducted Verlaine. His brows crumpled when he realized he was taking a familiar road, and sure enough, it is. Ang lugar kung saan nangyari ang aksidente ng kaniyang kakambal. Kinutuban nang masama si Jaxxon lalo na sa sinend nitong text message sa kaniya. The sender clearly knew something about his secret at ito ang ginagamit nitong blackmail sa kaniya.

Ipinarada ni Jaxxon ang kaniyang sasakyan sa gilid kapagkuwan ay naglakad papalapit sa ilalim ng tulay. He startled a bit when a silhouette of a woman appeared from darkness and walk towards him. Nagsalubong ang mga kilay ni Jaxxon. So... she's the sender? I wonder how she knew, she's not even familiar with me.

Iniyukom ni Jaxxon ang kaniyang mga kamao. "Where's Verlaine? What did you do to her?" puno ng awtoridad na saad niya sa babaeng kaharap ngunit hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatayo sa kaniyang harapan. Nakaramdam ng inis si Jaxxon dahil sa kawalan ng reaksyong nakukuha mula sa babae. "I said where the heck is Verlaine!" he asked in the most sterned voice ngunit bigo na naman siyang makakuha ng sagot mula rito.

That's when Jaxxon became suspicious, whether she sent the message or not. Maybe he just mistook the identity of the weird woman. Nang akmang tatalikuran na niya ang babae ay doon naman niya narinig ang tinig nito.

"Kung gusto mo pang makita ng buhay ang babaeng 'yon kailangan mong aminin kung ano ang kasalanan mo!"

Tila nagpanting ang tainga ni Jaxxon sa mga salitang lumabas sa bibig ng babae. Muli niya itong hinarap at hindi katulad ng ekspresyon na ipinakita nito sa kaniya kanina ay nakangise na ito habang tila nababaliw na nakatingin sa kaniya.

"Ano na? Mr. Buenavista? Aamin ka o papasabugin ko ang bungo ng babaeng 'yon gamit ang ang remote control na nasa bulsa ko! Aminin mo! Aminin mo!" paulit-ulit na usal ng babae sa pagitan ng mga baliw na tawa nito.

"Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mong kasalanan ko," seryosong sagot niya sa babae.

Kumunot ang noo ng babae sa kaniyang naging sagot at padabog na nagpapadyak sa kaniyang harapan habang dinuduro siya. "Sinungaling! Sinungaling ka! Alam ko! Nakita ko ang ginawa mo sa araw ng kasal ng kapatid mo!"

Hindi gumalaw si Jaxxon sa kaniyang kinatatayuan. Kasalukuyan niyang tinitimbang ang kaniyang mga gagawin upang hindi mapahamak si Verlaine at hindi makuha ng baliw na babae ang gusto nitong mangyari.

Napansin ng babae ang kaniyang pananahimik kung kaya naman ay nagsalubong ang dalawa nitong mga kilay. "Bakit hindi ka pa umamin! Gusto mo bang mamatay ang babaeng 'yon!" sigaw nito sa kaniya sabay kuha ng isang bagay mula sa bulsa nito which made Jaxxon panicked.

"Fine! I did it, okay! That day, I purposely crashed my own car into my brother's, causing his accident. It was part of my original plan which is to kill him for my own benefits," pag-amin niya sa kaniyang nagawa. It was the first time that he let out that confession na siyang matagal niya na rin itinatago.

Ang buong akala ni Jaxxon ay magiging ayos na ang lahat matapos niyang gawin ang gusto ng babae pero nagkamali siya. Pakiramdam niya ay nanigas ang kaniyang buong katawan ng mula sa isang sulok ng lugar ay may lumabas na isa pang bulto. Si Verlaine. Ang akala ko ba'y nasa pahamak siya?

Napagtanto ni Jaxxon ang totoong sitwasyon. The whole thing was a set up for him to confess at ngayon ay alam na ng babae ang kaniyang malagim na sikreto. Narinig niya ang baliw na pagtawa ng babae ngunit wala doon ang kaniyang atensyon kun 'di sa babaeng papalapit na may namamasang mga mata. Agad na nilapitan ni Jaxxon si Verlaine completely ignoring the crazy woman's presence pero nang akmang hahawakan na niya ang babae ay humakbang ito papalayo sa kaniya. "Verlaine..." halos pabulong na niyang tawag sa babae. Pakiramdam niya ay bigla na lang siyang kinakapos ng hininga.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon