CHAPTER SEVEN

228 7 0
                                    

Pinahiran ni Verlaine ang mga luhang naglalandas sa kaniyang mga mata 'tsaka malungkot na hinaplos ang pisngi ng kaniyang nobyo. Matapos ang naging tagpo kanina sa opisina ni Gisell ay bumalik siya sa hospital upang makasama ang kaniyang kasintahan. She felt alone and wronged with everything that happened.

Laking pasalamat na lang niya dahil wala rito ang ina ng nobyo. Malaya niyang mailalabas ang anumang bigat na nasa kaniyang dibdib dahil walang sinuman ang makakakita sa kaniya sa gano'ng estado.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Binabalot ng matinding kalungkutan ang kaniyang puso habang paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang utak ang mga eksena sa opisina ng karibal. Ang sinabi nito na karma ang mga nararanasan niya. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawa noon para danasin ang lahat ng ito at hindi katulad ng sinabi ng bruhang 'yon ay wala naman akong inagaw sa kaniya kabaliktaran pa nga ang nangyari dahil ito pa ang sobrang daming ginawa sa akin na masama.

At kung meron man siyang nagawang masama sa iba... bakit kailangan pa na ang kasintahan nito ang magdusa? Siya ang may kasalanan dapat siya na lang! Napasabunot si Verlaine sa kaniyang buhok kapagkuwan ay napaupo sa upuan malapit sa kama kung saan mahimbing pa ring natutulog si Clayton. Naiinis din siya sa kaniyang sarili kung bakit apektado siya sa mga sinabi ng kapatid ng kaniyang nobyo sa kaniya.

"Leave this place at once! What do you think you're doing? You're such a disappointment! Act in accordance with your age and profession. No need to bat an eyelid if you want to eat some candy."

"He can easily say that dahil hindi naman niya nararanasan ang pinagdadaanan ko!" pagmumuto niya sa kaniyang sarili kapagkuwan ay nakalabing tumingin sa nobyo. "Hindi ba't mas dapat pagsabihan ng kapatid mo ang babaeng 'yon? Si Gisell ang patuloy na nanggugulo sa buhay ko! Tapos ay idadamay ka pa niya? Sumusobra na siya!" sumbong niya rito.

Nakarinig si Verlaine ng mga pagkatok mula sa pintuan ng kuwarto kung kaya nagmamadali niyang pinunasan ang kaniyang mga mata saka ibinaling ang tingin niya rito. Ilang sandali pa ay pumasok ang isang lalaking nakauniporme dala dala ang isang maliit na kahon.

"Good evening! Ikaw po ba si Ms. Isla Verlaine Alcantara?" tanong nito habang nakatingin sa hawak na maliit na papel.

Umarko naman ang kilay ni Verlaine habang nakatingin sa lalaki. "Yes, ako nga. Ano'ng kailangan nila?"

Iniabot ng lalaki ang kahon sa kaniya. "Food delivery po. Pa-sign na lang po dito," ani nito sabay abot sa kaniya ng isang papel. Nabigla siya sa sinabi nito.

"T-teka baka nagkakamali ka... wala naman akong inoorder na pagkain," agap na sabi niya. Natigilan naman ang lalaki sa sinabi niya pagkatapos ay napakamot sa batok nito.

"Pero ma'am, ang pangalan niyo po ang nakalagay sa system na 'min. Nakalagay din doon ang address ng hospital pati na ang room number na 'to. Wala naman na po kayong ibang babayaran dahil bayad na po ang order. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, paki-sign na lang po nito at marami pa po akong ihahatid," ani ng lalaki.

Kahit na nais pa ni Verlaine na tanggihan ang delivery, naiintindihan naman niya ang lalaki. Trabaho niya lang ito. Siya naman ang napakamot sa kaniyang pisngi.

"O sige pasensiya na," hinging paumanhin niya saka tinanggap ang kahon. Nang makaalis ang lalaki ay agad niyang binuksan ang kahon. Isang pack lunch at isang piraso ng papel, 'yon lang ang nakalagay sa loob. Muling napaisip si Verlaine kung kanino maaaring manggaling ang pack lunch. Baka si Tita Liza ang nag-order para sa akin.


I know you had a rough day. Eat well and don't forget to smile.

Iyon lang ang nakalagay at higit pa doon ay walang pangalan na naman. Ito na ang pangalawang beses na nakatanggap si Verlaine ng pagkain galing sa hindi nagpapakilalang tao at nawe-weirduhan na siya sa sinumang nagpapadala nito katulad na lang ng kumot at kape nung nakaraan.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon