CHAPTER EIGHT

210 4 0
                                    

"Are you certain you won't take action on this issue concerning you, honey?"

Napatingin si Verlaine sa kaniyang likuran nang may maramdaman siyang parang may nakamasid sa kanilang dalawa ng kaniyang kaibigan ngunit wala naman siyang nakita. Napakunot na lang ang kaniyang noo kapagkuwan ay ibinalik ang kaniyang attention sa kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa labas ng parking lot ng hospital. Nakalubog na ang araw nang mapagdesisyunan ng kaniyang kaibigan na umuwi. Sumabay na rin siya rito dahil bago ito nagpaalam sa kaniya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang landlady na kailangan siyang makausap nito.

When she asked what's the matter the landlady just ordered her to be home quickly. Hindi niya alam kung bakit pero masama ang kutob niya sa kung ano ang gustong sabihin sa kaniya ng kaniyang landlady.

Iniwasan ni Verlaine na kagatin ang kaniyang ibabang labi. She always told herself na ayaw niyang pag-alalahin ang mga tao sa kaniyang sa kaniyang paligid pero heto dahil sa kaniyang ginawang gulo ay nag-aalala sa kaniya ang kaniyang kaibigan. Nakailang miscall din sa kaniya ang kaniyang ina at ang kanyang Tita Liza na paniguradong nakita na rin ang article patungkol sa kaniya. You're useless, Verlaine.

"Well, at least let me drive you home, Laine. It's dark. Just to make sure you're safe until you get home."

"Thanks, but no thanks, Syl. Besides, we are going in different directions. I don't want to bother you. It's early morning, and I'm sure I'll get a car home soon. You should go home. Go ahead again," saad niya sabay tulak ng marahan sa kaniyang kaibigan papasok sa kotse nito.

"But—"

She should be true to her words and not bother anyone just for her sake. Nang masarado niya ang pintuan ng kotse ng kaibigan ay siyang karipas ng takbo palabas ng parking lot at mabilis na nagtungo sa harapan ng hospital para mag-abang ng taxi na kaniyang masasakyan. Sa kasuwertehang palad ay may naka-park na pa lang taxi hindi kalayuan sa may hospital.

Mukhang nakita naman siya nito kaya agad nito pinaandar ang sasakyan at saka huminto sa kaniyang harapan. Bubuksan na sana niya ang sasakyan nang biglang lumabas ang driver ng taxi na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. Nakasuot ito ng ragged skinny jeans at putting t-shirt. An Average-man na sa tingin niya ay mas matanda sa kaniya ng ilang taon at may buhok nitong sa tingin niya ay hanggang balikat lang ay nakatali ng ponytail. Kinabahan si Verlaine nang biglang nagmamadali itong lumapit sa kaniyang puwesto na may malawak na ngiti sa labi.

She was ready to call for help dahil napaka-weird ng uri ng pagkakangiti nito sa kaniya ngunit bago pa man niya 'yon nagawa ay natigilan siya nang pagbuksan siya nito ng pintuan.

"Pasok na po kayo, ma'am. Saan po tayo?" friendly nitong tanong. Nakaramdam si Verlaine ng kaunting guilt sa pagiging judgemental niya sa itsura ng lalaking kaharap. My gosh Verlaine! Nagtratrabaho lang 'yung tao.

Binigyan niya ng ngiti ang lalaki pabalik kapagkuwan ay sinabi ang address ng kaniyang apartment pagkatapos ay nagpasalamat sa driver sa pagbukas ng pinto sa kaniya. Isang tango ang isinagot nito sa kaniya pagkatapos ay sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

"Breaking news! Pinag-iingat po ang publiko lalo na po ang ating mga taxi driver dahil sa kumakalat na agaw sasakyan modus. Napabalitaan na umatake ang mga ito alas-5 ng hapon ngayong araw. Natagpuang patay ang taxi driver ng nawawalang XLV—"

Kunot noong napatingin si Verlaine sa radyo na nasa loob ng taxi nang bigla na lang itong namatay. Hindi niya tuloy narinig ang buong balita.

"Hays! Ano ba naman itong radyo na 'to! Mukhang nagpapapalit na," ani ng taxi driver habang ilang ulit na hinahampas ang ibabaw ng radyo sa pag-asang mabubuhay pa 'yon ngunit nabigo ito.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon