CHAPTER THREE

351 13 1
                                    

Mula sa labas ng silid kung nasaan naroon ang babae ay tahimik lang siyang nakamasid. Halos ilang minuto rin siyang nakabantay sa labas habang pinapanood ang isang babae na hinahaplos ang walang malay nitong nobyo. Hindi niya alintana ang pangangalay ng kaniyang paa mapagmasdan lang ang babaeng matagal nang laman ng kaniyang mga pangarap. Masikap siya na naghihintay hanggang sa tuluyan nang makatulog ang nagbabantay na babae.

Nang masigurong nakatulog na ito ay saka siya nagdesisyon na pihitin ang seradura ng pintuan at kapagkuwan ay binuksan 'yon. Buong ingat siyang naglakad palapit rito. Nakadantay ang ulo nito sa gilid ng kama ng nakahimlay na lalaki habang nakapikit ang mga mata nito. Nanatili siyang nakatingin sa babae hanggang sa may pamilyar na pakiramdam ang umusbong sa kaniyang puso. A familiar pain na pilit niyang ibinaon sa lumipas na mga panahon.

Dumako ang kaniyang tingin sa cup ng choco at mga balot ng tinapay na kaniyang binili at iniwan niya nang umalis ito kanina saka nagpakawala ng isang buntong hininga nang makitang naubos 'yon ng babae. Ibinalik niya ang tingin sa babae.

"Nasasaktan ka na ng dahil sa kaniya ngunit ito ka pa rin at nananatili kasama niya," aniya ng may malungkot na tinig. "It would have been simpler if you had simply let him go and stopped loving the man who is causing you pain. Verlaine. Kung bakit kasi hindi pa siya natuluyan sa aksidenteng 'yon!" madilim na dagdag niya.

Sinubukan niyang hawakan ang ulo ni Verlaine upang haplusin ngunit pinigil niya ang kaniyang sarili bagkus ay hinawakan niya ang laylayan ng kumot na nakabalot dito. Alam niyang hindi pa 'yon ang tamang pagkakataon upang mapalapit sa dalaga. At least not so soon.

Inayos niya ang pagkakapatong nito sa balikat ng dalaga at saka tahimik na umalis ng silid.

"Now open your eyes, babe," Clayton said to her while smiling widely.

Dahan-dahang iminulat ni Verlaine ang mga mata. Napasinghap siya doon na siya muntik na mapaluha nang makita ang kasintahang naka-luhod sa harapan niya samantalang may hawak-hawak na isang maliit na box ng tear drops shape na diamond ring. He's going to propose to her! Clayton cleared his throat as he reached for her right hand.

"Five years ago, when I saw you on the corridor of our school, I instantly fell in love with you. Your smile, your laugh, the way you treat others, and especially your good heart— I love all of them. Like any other relationship, ours is full of ups and downs, pero kahit gano'n, you never left my side. You keep on understanding and caring for someone like me. Sabihan man akong selfish ng iba, but I wanted to stay that way. I want you forever in my life, Verlaine. I will do everything to make you happy, and now, would you take the honor to be my bride? Will you marry me?"

Verlaine saw tears in Clayton's eyes at ganoon din siya. They're both getting emotional. Five years have gone fast. Ano pa ba ang iisipin niya. Tama ang kaniyang kasintahan sa sinabi nito their relationships pass all those hardships at napatunayan na niya ang pag-ibig nito sa kaniya.

She smiled at him. "Yes! Clayton Jayse Buenavista. Yes, I will marry you!" she said and as of cue her boyfriend stands and hugs her tight habang sumisigaw na akala mo ay nanalo sa lotto.

"I love you Future Mrs. Buenavista."

"I love you more Mr. Buenavista."

"Mommy, what's happening?" nag-aalalang tanong niya. Muling bumalik sa kaniya ang kabang nararamdaman. Mas lalong lumakas ang kutob sa kaniyang puso na may kakaibang nangyayari. Inilibot niya ang kaniyang paningin para hanapin ang lalaking kaniyang mahal pero hindi niya ito mahanap. Nasa loob na kaya si Clayton? Ano ba kasi ang nangyayari?

Nang huminto ang kanilang sasakyan ay pinigilan siya ng kaniyang ama na bumaba ng sasakyan. "Manatili ka na lang muna dito, Verlaine. Ako na ang baba para magtanong," saad ng kaniyang ama. "Tama ang papa mo, Verlaine. Hintayin na lang muna na 'tin siya."

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon