CHAPTER FIFTEEN

209 3 0
                                    

"Tatay Karding, ito nga po pala sila Architect Jaxxon at Miss Verlaine. Sila po ang kinuha ni Ma'am Locasia para gumawa dito sa townhouse," pagpapakilala sa kanila ng secretary ng kanilang kliyente siya rin na katiwala nito sa gagawing townhouse.

Ayon sa secretary nito nasa 10 square kilometer raw ang lupang pag-mamay ari ng kliyente nila. Tiningnan niya ang buong lugar na pinagtayuan ng townhouse at masasabi niyang napakalawak ng lokasyon nito isa pa ay nasa mataas na lugar at puro puno ang paligid.

Nagtataka nga siya kung bakit ito ang napiling lokasyon na napaka-isolated samantalang sa nakikita naman niya sa kliyente ay hindi naman ito loner at masasabi niyang sociable ito sa paraan ng pakikipag-usap sa kanila noong nakaraang araw. Napailing siya. Sabagay kahit na mga sociable na tao ay kinakailangan din ng oras na mapag-isa sila and the location of the place rationalize it. Napaka-peaceful ng lugar at tamang-tama sa mga gusting mapag-isa.

Napapikit si Verlaine nang maalala ang nakahihiyang tagpo sa silid ng binata.

"Ahm... good morning, ma'am and sir?" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babaeng kasalukuyang nasa pintuan ng silid at gulat na gulat na nakatingin sa kanilang puwesto. "I'm sorry to interrupt—"

"You didn't," agap na pagputol ni Jaxxon sa sasabihin ng babae sabay kamot sa batok nito. Still not looking on the unknown woman's direction. Kapansin pansin din ang pamumula ng tainga nito. "It's just a big misunderstanding," dagdag pa nito. Napakunot ang noo ni Verlaine habang nakamasid sa binata. He looked shy.

Napailing si Verlaine. It was the first time she saw him like that. Not that I'm not bother too nakakagulat lang na malamang marunong din pala na mahiya ang loko, after what he did. Muli siyang napailing. But I must admit it is kinda cute.

"I knew what you were up to... I just don't expect you to be this early."

Palihim na binalingan ng tingin ni Verlaine ang walang kaemo-emosyong binate na nasa kaniyang tabi. I wonder what he meant by those that he said to me.

"Magandang araw po!" pagbati sa kaniya ng matandang katiwala ng kanilang kliyente. Malugod niyang kinamayan ang kamay ng matandang nang inabot nito kamay sa kaniyang harapan.

"Kayo po pala si Ma'am Verlaine. Napakaganda niyo po pala talaga sa personal," nakangiting anito na siyang ikinapagtaka niya. Tila nabasa naman ng matandang katiwala ang tanong sa kaniyang isipan. "Mukhang bibig ho kayo ng anak ko. Nag-aaral din kasi ng interior designing sa paaralan kung saan kayo grumadweyt. Talagang gustong-gusto niya ho kayo pati na rin ang mga designs na ginawa mo."

Pakiramdam niya ay nag-init ang kaniyang mukha dahil sa mga sinabi ng matandang lalaki. Hindi niya aakalain na may isa siyang tagahanga.

"Like you can do better to have a fan," Jaxxon tsked.

Agad na nagpanting ang mga tainga ni Verlaine sa narinig na sabi ng kakaalis lamang na si Jaxxon. Nauna na itong maglakad. Aambaan na niya sana ito nang suntok kung hindi lang nakatingin sa kaniya si Mang Karding.

"Si Sir Jaxxon talaga," naiiling na banggit ng matandang lalaki habang nakatingin sa likuran ni Jaxxon. There was a glint of amusement and worry in the old man's eyes.

"Sir Jaxxon, mabuti naman at nakapunta ka ulit dito. Ang tagal na ng huling kita ko po sa inyo."

Napabaling si Verlaine sa isang nasa mid-50 na lalaki na naka-sando lang at may hawak na isang balde ng semento na masayang nakatingin kay Jaxxon.

"Mang Leo," ani ni Jaxxon kapagkuwan ay kinamayan ang matandang lalaki. "Ayos naman po ako, Mang Leo. Mabuti naman at napapasyal kayo rito sa Isle mi amore," masayang ani naman ng lalaki.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon