CHAPTER TEN

206 4 0
                                    

Halos hindi makagalaw si Verlaine sa higpit ng pagkakayapos sa kaniya ni Jaxxon. Ramdam niya ang lakas ng pagtibok ng dibdib nito at ang mainit nitong hininga na tumatama sa gilid ng kaniyang pisngi. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng kaniyang mga pisngi kasabay ang pagsimula ng pagkabog ng kaniyang puso dahil sa kawalan ng espasyo ng kanilang mga katawan. Sinubukan niyang gumalaw upang makalayo dito ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng binata. She was worried that the man might be like this because he heard his parents talking.

"J-Jaxxon k-kung may problema ka p-puwede ka naman magsabi sa akin. Pag-usapan na 'tin dalawa," malumanay na ani ni Verlaine habang hinihimas-himas ang likuran nito with the thought that he will feel better.

Handa naman siyang makinig sa anomang problema nito kahit na masama ang ugaling ipinapakita nito sa kaniya. Naghintay siyang sumagot ang binata ngunit lumipas na ang ilang minuto ay nanatili itong tahimik na nakayakap pa rin sa kaniya. Nabibingi siya sa katahimikang bumabalot sa pagitan nilang dalawa. Mukhang napakatindi ng sakit na nararamdaman nito para manatiling tikom ang bibig.

Hindi na siya nangulit pa at hinayaan na lang ang binata. Yakap na alam niya na siyang kailangan ng lalaki ngayon. A warm hug.

For unknown reason ay walang nararamdamang pagkailang si Verlaine sa posisyon nilang dalawa ngayon. She felt like she was hugging a big brother, which technically he really is dahil kapatid naman ito ng kasintahan na siyang pakakasalanan niya. Besides she admits that she felt at ease being in his arms. Somehow, she felt protected.

"I hate you."

Nanigas si Verlaine nang marinig na nagsalita ang lalaki sa mismong tapat ng kaniyang tainga. Magsasalita sana siya para magtanong pero hindi na niya nagawa 'yon dahil marahas siyang itinulak nito palayo.

"A-ano bang sinasabi mo?" she asked in confusion as she looked at his chaotic and lifeless state. "Alam mo lasing ka lang. Magpahinga ka na lang kaya muna doon sa sofa? Ipagtitimpla kita ng kape para mahimas-masan ka," dagdag ni Verlaine sa binata. Hahawakan niya sana ulit ang lalaki upang alalayan itong makaupo nang tabigin siya nitong muli. Nagsisimula ng mainis si Verlaine sa inaasal ng lalaki.

Lagi na lang siya nitong pinagtatabuyan na para bang may malala siyang sakit kahit wala naman. Sinasagad na talaga ng binata ang pasensiya niya.

"Ano ba talagang problema mo sa akin ha?" galit na tanong nito sa lalaki. "Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo para tratuhin mo ako ng ganito!" sigaw niya rito.

Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ng lalaki sa kaniya. Ngayon pa lang naman sila nagkakilala kaya wala siyang maisip na dahilan.

"Talaga lang. Wala?" Jaxxon scoffed.

Nakaramdaman si Verlaine ng pagtaas ng mga balahibo niya sa buong katawan sa klase ng ngiseng makikita sa mukha ng Jaxxon. Ngiseng may galit at pang-uuyam. Iwinaksi ni Verlaine ang ngiseng 'yon sa kaniyang isip, alam niya na mas makakabuti kung hindi siya papa-apekto dito. Lalo pa na wala siyang ideya sa ipinuputok ng butsi ng binata o kung bakit sukdulan ang nakikita niyang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

"Oo wala talaga! Ikaw lang itong over kung maka-react! Kung ayaw mo sa akin fine! However, as a human being, I have the right to be treated fairly. Hindi 'yong ganito! Napaka-walang modo mo. Hindi ko alam kung nakuha mo 'yan sa ibang lahi o sadyang ganyan lang ang pag-uugali mo!" taas noong saad niya.

There she said the truth. Oo nga at ayaw niyag makasakit ng damdamin ng ibang tao pero sumosobra na talaga ang kapatid ng nobyo. Kailangang may magsabi dito na mali ang inaasal niya.

Napaingos ang lalaki. "You sounded like my brother," giit ng lalaki kapagkuwan ay lumapit sa kapatid nitong nakahiga sa kama. Walang emosyon habang nakatingin sa natutulog nitong kapatid. "Sometimes I wish I didn't have a brother at all, or that only one of us live. In his current state. I hope he doesn't wake up again."

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon