CHAPTER NINETEEN

192 5 0
                                    

Huwebes ng tanghali kasalukuyang nasa harapan si Verlaine ng isang building sa may San Jose na pagmamay-ari rin ng kanilang kliyente. Nakatanggap siya ng mensahe galing dito nang nakaraang gabi na magkakaroon sila ng meeting ng araw na 'yon.

The meeting will start at exactly two in the afternoon ngunit dahil ayaw niyang makasabay si Jaxxon sa pagbiyahe at sa meeting ay plinano ni Verlaine na pumunta sa lugar ng meeting dalawang oras bago ang nasabing usapan.

She even called her client para lang sabihin na maaga siyang luluwas dahil tapos na rin naman niya ang mga designs na ipre-presinta niya rito which were validated by Jaxxon. Of course, their client asked the reason kung bakit hindi na lang siya sumabay kay Jaxxon. Mabuti na lang at mabilis siyany nakaisip ng maidadahilan dito kung kaya hindi na siya tinanong pa nito.

Nang makapasok si Verlaine sa building ay agad naman siyang sinalubong ng sekretarya nito. Sinabi nito sa kaniya na hinihintay na siya ng boss sa opisina nito na tahimik lang niyang sinundan.

It's been a three days nang simulan niyang iwasan si Jaxxona at loob ng mga araw na 'yon ay sari-sari ang ginawa niyang dahilan para lang hindi siya sumama sa site at hindi makasama ang lalaki. Mag-isa siyang naiiwan sa loob ng bahay dahil kinakailangan ni Jaxxon na magtungo araw-araw sa site to monitor that building progress. Sa t'wing hapon naman ay maaga siyang nagluluto ng kanilang dinner. Maaga rin siyang kumakain para hindi na niya kailangan na makasabay pa ang binata. Lagi niya rin itong inuunahan sa paggising o 'di kaya tuwing hapon ay magkukulong na siya sa kaniyang kuwarto bago pa man ito makauwi. Alam niya na nakahahalata na ito sa ginagawa niyang pag-iwas dahil hindi lang ilang beses siya nitong sinubukan komprontahin at i-corner sa isang lugar.

Mabuti na nga lang at magaling siyang gumawa ng paraan para makaiwas. Hindi siya nag-stay sa iisang lugar kasama ito though aaminin niya na nako-konsensya siya sa ibinibigay na pagtrato sa binata.

"Good morning, Ms. Irene," ngiting bati niya ng pihitin niya ang seradura ng pintuan ngunit agad din nawala ang kaniyang hinandang ngiti nang makita ang lalaking pilit niyang iniwasan nitong mga nakaraang araw. Ano'ng ginagawa nito dito?

"Good morning, Miss. Alcantara. You are just in time for the meeting," pormal na ani ng kliyente nila.

Bagamat gulat pa rin na makita ang lalaki nanatili siyang kalmado sa sitwasyon. Tinanguan niya ang kanilang kliyente muling ibinalik sa binata ang tingin na siyang walang kaemo-emosyong nakatingin sa kaniya. Napalunok siya ng wala sa oras bago tuluyang pumunta at umupo sa upuan katapat ng lalaki.

"Good day sa inyong dalawa. Supposedly mamaya pa ang meeting na 'tin but since may gagawinng importante si Ms. Alcantara mamaya ay sinabihan ko na lang si Mr. Buenavista na i-move na lang ngayon para isahan na lang. The agenda of this meeting is about the progress ng project na pinapagawa ko so... any report?" tanong nito sa kanila.

Akmang sasagot na sana siya ng unahan siya ni Jaxxon. "The progress of Isla Mi Amore is continuously rising above its probability. Sa susunod na week ay sisimulan na ang pagpintura ng buong bahay and we estimated to finish it three weeks before its deadline," saad ni Jaxxon kapagkuwan ay may inilahad na mga folder.

Agad niyang nakilala ang mga 'yon dahil iyon ang folder na naglalaman ng mga ginawa niyang mga designs na ipinasa niya sa binata.

"Here are the designs that Miss Alcantara had made," saad ni Jaxxon habang isa-isang pinapakita ang designs niya sa kliyente. "There is a design for the living room, bedroom, and kitchen," pormal na dagdag nito.

Umayos si Verlaine sa kaniyang pagkakaupo habang hinihintay ang magiging reaksyon ng babae sa kaniyang mga designs. Bagamat kompyansiya naman siya sa mga ginawa lalo pa at dumaan ito sa masusing pagpili ni Jaxxon. Sa ka-istriktuhan pa lang ng lalaki walang makakalusot na mga hindi pasok sa stadards ng lalaki. That somehow boosted her confidence to show her work to their client.

Speaking of Jaxxon kanina niya pa nararamdaman na para bang may mga matang matiim na nakatingin sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin ang binata pero agad niya rin 'yon binawi dahil sa napakalamig ng pagkakatitig nito sa kaniya. Now what? Bakit ba ganiyan siya kung makatingin? Para sa kanilang dalawa rin naman 'tong ginagawa niyang pag-iwas, right?

Itinuon niya na lang ang kaniyang tingin sa kliyente at hindi na inintindi ang mga matang nakatuon sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay humarap ang kanilang kliyente sa kanila.

"The designs are good," saad ng babae bago nito ibinaling sa knaiya ang tingin sabay ngiti. "You never failed my expectations, Miss Alcantara. Hindi ako nagkamali na kunin ka bilang designer ng townhouse."

Matapos ng kanilang meeting ay agad na nagpaalam si Verlaine sa kanilang kliyente. Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang maunahan ang binata paguwi ng bahay at magagawa niya na sanang maiwasan muli ang lalaki ngunit nabigo siya.

As she steps inside the house, a strong hand firmly holds her left arm. She immediately felt the familiar electric current that flows through her body, making her skin shiver. Isang tao ang nakakapagbigay sa kaniya ng ganoong pakiramdam kaya alam niya na kung sino ang pangahas na humila sa kaniya plus sino pa nga ba ang ilang araw ng pilit na hinahagilap siya nitong mga nakaraang araw? Great! Akala ko pa naman ay makakatakas na ako?

Akmang magrereklamo na si Verlaine sa inakto ng binata nang sa hindi niya inaasahan ay marahas siyang pinihit paharap ditona pagpihit sa kaniya paharap dito. Nahugot niya ang kaniyang hininga ng ang isang galit na anyo ni Jaxxon ang tumambad sa kaniya.

"A-ano ba J-Jaxxon na-nasasaktan ako," nakangiwing ani ni Verlaine samantalang pinipilit na alisin ang kamay ni Jaxxon na nakapalupot sa kaniyang mga braso ngunit imbis na bitawan siya nito ay mas lalo pa siya nitog hinapit papalapit sa katawan ng lalaki.

"Why the hell are you avoiding me?" malamig na tanong ni Jaxxon habang nakatingin sa kaniya ng matalim.

Agad siyang nag-iwas ng tingin mula sa lalaki dahil sa itinanong nito. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Bitiwan mo nga ako," pagdadahilan niya.

Napapikit pa siya habang pilit na inaalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Hindi dapat malaman ng binata ang dahilan kung bakit niya 'yon ginagawa. Baka mamaya ay mas lalo lang maging magulo ang relasyon nito at ang Tito Edgardo niya.

"Dahil ba ito sa uugod-ugod na Buenavista'ng 'yon?"

Namilog ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya ay nabasa ng lalaki ang kung ano'ng nasa kaniyang isipan. She heard him scowl, but she remained silent while struggling to be free.

"Alam kong may sinabi siya sa'yo. That old ha—"

Hindi na natapos ni Jaxxon ang kaniyang sasabihin ng matigilan ito sa paglapat ng mga palad ni Verlaine sa pisngi ng binata. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito sa kaniyang ginawa dahil upang magkaro'n siya ng pagkakataon upang makawala sa pagkakahawak nito.

"Hindi mo dapat ginaganyan ang papa mo dahil kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo... tatay mo pa rin siya. Galing ka sa kaniya! Hindi ka mabubuhay kung hindi dahil sa kaniya!" sermon niya ngunit imbis na humingi ng tawad sa sinabi patungkol sa ama ay isang ismid lang ang naging reaksyon nito na lalong nakapagpataas ng dugo ni Verlaine.

Sa mga ikinikilos nito ay lumalabas na wala itong utang na loob sa mga magulang nito. Napagdesisyunan ni Verlaine na talikuran ang binata dahil wala din naman siyang mapapala sa pakikipag-usap dito. Alam na niya kung bakit napakalayo ng loob ng kaniyang Tito Edgardo sa kapatid ng kaniyang nobyo dahil sa napakasama nitong ugali. Ngayon malinaw na sa kaniya ang lahat. Ito ang may mali! Lumaki itong bastos at ayaw na niyang makipagsalamuha dito. Nagdesisyon siyang tuluyang iwan ang lalaki sa sala nang muli siya nitong hilahin kasabay ang paglapat ng kanilang mga labi.

Nanlalaki ang mga mata ni Verlaine habang nakatitig sa tungki ng ilong ni Jaxxon. Pinilit na ibinuka ng binata ang bibig niya. Hindi agad rumehistro sa isip niya kung ano ang ginagawa nito. 

Nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang may kung ano itong inilipat itong likido sa kaniyang bibig na siya niyang nalunok. Makalipas ng ilang sandali ay nakaramdam si Verlaine ng unti-unting pagkahilo. 

"I can't stop myself anymore, Verlaine." Ito lang ang huli niyang narinig bago siya lamunin ng kadiliman.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon