CHAPTER SIX

259 7 0
                                    

Kung nakakamatay lang ang tingin ay paniguradong kanina pa pinaglalamayan ang lalaking prenteng-prenteng nakaupo sa sofa habang kinakain ang isang pack ng strawberry na isinasawsaw nito sa dark chocolate syrup.

Unfortunately, silang dalawa lang ang nasa loob ng silid ng kakambal nito dahil nagpaalam ang ina nito nang makabalik siya sa hospital na kailangang puntahan nito. Lalong nagusot ang mukha ni Verlaine habang patagal nang patagal ang pagtitig niya sa lalaki.

"Ang walanghiya at may gana pa siyang kumain na parang wala lang ah," inis na anas ni Verlaine sa kaniyang sarili samantalang patuloy na pinapatay sa tingin ang kapatid ng kasintahan. Sa tuwing naaalala nito ang ginawa nito sa kaniya kanina ay naiinis siya at gusto niya sakalin ang lalaki. Ang walanghiya! Akala ko may binili lang sa labas tapos 'yon pala ay iniwan lang akong mag-isa!

Wala naman sanang kaso 'yon sa kaniya kung umalis ito pero sana man lang ay nagsabi na ito na mauuna na sa Hospital para sana hindi siya parang sirang naghihintay sa wala!

"Mr. Clayton Jayse Buenavista."

Napabaling si Verlaine sa lalaking nurse na nakadungaw sa pintuan nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang nobyo.

Agad siyang napangiti nang makilala ang lalaking nurse kahit na may suot itong face mask. Nurse Ivan ang pangalan ng nurse na tumitingin kay Clayton mula nang ma-confine ito sa hospital kaya ang laki na rin ng utang na loob niya sa lalaki dahil sa t'wing walang nagbabantay sa kaniyang nobyo ay ito ang tumatao upang bantayan ito. Ang nurse din ang lagi niyang nakaka-kuwentuhan sa 'twing pumupunta ito sa silid upang tingnan ang lagay ni Clayton kaya kahit papaano ay masasabi niyang kaibigan si Nurse Ivan.

"Ikaw pala, Ivan," nakangiti pa rin niyang ani sa nurse na nginitian din siya pabalik.

Pumasok ito sa silid pagkatapos ay lumapit sa kaniya. Nagulat pa siya nang bigla nitong kinuha ang kaniyang kanang kamay upang ibigay sa kaniya ang isang maliit na transparent na baso na naglalaman ng isang puting tableta.

"Ang sabi ni Dr. Nelson kailangan po ni Mr. Clayton ito para po sa pagdumi niya and then here are his medicines."

Tumango naman si Verlaine bilang sagot dito saka hinawakan ang kamay ng lalaking nurse. "Maraming salamat sa patuloy na pag-aaalaga kay Clayton," ngiting saad niya.

"Alam mo namang duty ko ang pangalagaan ang pasyenteng naka-assign sa akin kaya no need to thank me. Sige, I must resume to my rounds," paalam nito kapagkuwan ay nagpaalam sa kaniya.

"Come back here later, I'll buy a snack, okay?" pahabol ni Verlaine sa nurse na sinagot naman ng nurse through hand sign.

Nang makaalis na ang nurse ay pakiramdam ni Verlaine na may mga matang nakatingin sa kaniya. Ibinaling niya ang tingin sa lalaking nakaupo sa sofa na madilim ang tingin na nakatingin sa kaniya na para bang may ginawa siyang hindi nito nagustuhan. Imbis na pansinin ay inirapan lang niya ito pabalik. Siya pa ang may ganang tingnan siya ng masama... Eh! siya nga itong may atraso sa akin!

Umiling siya kapagkuwan ay hindi na niya ito pinansin at nagdiretso na lamang siya sa kasintahan. Itinago niya ang tableta bago humarap kay Clayton saka buong pagmamahal na hinaplos ang buhok nito. Better feed him before he takes the medicines.

"Really? I'm wondering how you could do that."

Dumako ang tingin ni Verlaine kay Jaxxon. Nakasandal ito sa pader sa isang sulok habang nasa loob ng dalawang bulsa ang dalawa nitong mga kamay. May kislap ng kuryusidad ang mga mata nito. Bumaba ang tingin niya sa hawak niya.

"Gusto mo bang ikaw ang magpakain sa kaniya ngayon?" tanong ni Verlaine ng hindi pa rin iniaalis ni Jaxxon ang paningin nito sa kaniya. Katulad ng dati walang kaemo-emosyon ang mukha nito para itong nakasuot ng mascara. Hindi tuloy mawari ni Verlaine kung ano talaga ang nararamdaman nito. "Don't worry madali lang naman. Ilalagay mo lang 'yung pagkain dito sa embudo tapos itataas para bumaba sa hose 'yung pagkain patungo sa stomach niya," paliwanag niya ngunit wala doon ang atensyon ng lalaki.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon