CHAPTER THIRTY-SIX

152 6 0
                                    

Inilibot ni Verlaine ang kaniyang paningin sa entrance ng restaurant kung saan siya pinapapunta ng ama ni Clayton. Dito siya nagtungo nang umuwi muna para magtanghalian galing sa kaniyang office dahil gusto raw siyang kausapin nito.

"Hija."

Napabaling ang kaniyang tingin sa kaniyang likuran. Nakita niya ang tito Rupert niya na papalapit sa kaniyang puwesto. Tumayo siya at sinalubong ng yakap ang matandang lalaki.

"Good afternoon po, tito. Bakit niyo po ako gustong makausap?" tanong niya nang maka-upo na silang dalawa.

Napaka-seryoso ng tingin nito sa kaniya. "Tungkol ito sa anak kong si Clayton, hija." anito.

Pakiramdam niya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa presensiya ng ama ng nobyo. Nagsimula 'yon nung araw na nagising si Clayton nang ungkatin nito ang tungkol sa magiging petsa ng kasal nilang dalawa at hindi na siya magtataka sa dahilan ng biglang pagpapatawag nito sa kaniyang three days after that day.

"Napapansin ko kasi na hindi ka na bumibisita sa anak ko. May problema ba kayong dalawa?" dagdag na tanong nito. Mapanuri ang mga mata ng matandang lalaki. Para bang pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

"W-wala naman po kaming problema ni Clay. Masyado lang po akong busy nitong mga nakaraang araw. Inaayos ko na po kasi yung current project ko para matapos na bago ang kasal namin ni Clayton," sagot niya.

Napaismid naman ang matandang lalaki sa sinabi niya. "Hindi lingid sa akin na kasama mo si Jaxxon sa proyekto na ginagawa mo. Umaasa ako na ginagawa mo ang hiningi ko sa'yong pabor na layuan ang lalaking 'yon dahil hindi siya makakabuti sa 'yo. Sana maintindihan mo hindi mo maaalis sa sakin na mag-alala. Ayokong masaktan ang anak ko," anito.

Nayukom ni Verlaine ang kaniyang mga kamao. "Mawalang galang na Tito Rupert kung kapangahasan itong sasabihin ko. Ayaw niyo pong masaktan ang anak niyong si Clayton pero ni-minsan naisip niyo po ba ang lagay at damdamin ng isa niyo pang anak?" Nakaramdam si Verlaine ng kaba ng mag-iba ang itsura ng matandang lalaki pero buo na ang kaniyang loob. Para matapos na ito... para maging masaya na silang lahat. Ang hindi nila pagkakaunawaan ang puno't dulo ng lahat ng nararamdaman nilang sakit.

"Isa lang ang kinikilala kong anak, hija. Huwag mo na ulit babanggitin ang sinabi mo kanina," matigas na saad ng lalaki.

Umiling si Verlaine. "Kahit ano pang sabihin niyo o itanggi niyo tito. Anak niyo pa rin siya. Ang dugo niyo ay dumadaloy kay Jaxxon. Hindi niyo ba nakikita na lahat ng ito ay dahil sa samaan ng loob niyong mag-aama? Patuloy na magugulo ang ating buhay kung hindi niyo aayusi—"

"Wala kang alam hija," putol nito sa sinasabi niya.

Pakiramdam ni Verlaine nag-init ang kaniyang ulo. Ito na naman ang parati nilang dinadahilan sa kaniya. "Ipaintindi niyo kasi sa akin para malaman ko!" hindi niya napigilang mapataas ang boses na ikinagulat ng ama ng kasintahan. "Lagi niyo na lang sinasabi 'yan sa akin. Na wala akong alam. Ipaintindi niyo sa akin para malaman ko! Ngayon na malapit na kaming ikasal ni Clayton. Siguro naman may karapatan na akong malaman dahil magiging parte na rin ako ng pamilya niyo," aniya na tumataas ang dibdib dahil sa matinding damdamin rumaragasa sa kaniyang dibdib.

Ilang minutong nanahimik ang matandang lalaki bago tumingin sa kaniya. "Matindi ang galit ko sa kaniya dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ng pinaka-iingatan kong si Lhiela" matigas na ani nito.

Lhiela...ito na naman ang pangalan ng babaeng 'yon. Sino ba talaga siya sa buhay ng mag-aama? Naalala niya ang mga sandaling narinig niya ang pangalang 'yon.

Kinuha niya ang babaeng napakahalaga sa akin.

Anong pangalan ng babaeng tinutukoy mo?

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon