CHAPTER SEVENTEEN

183 7 0
                                    

Naalimpungatan si Verlaine mula sa kaniyang pagkakaidlip dahil sa malakas na ingay na kaniyang narinig sa labas. Pungas pungas pa siyang tumingin sa labas ng bintana kapagkuwan ay agad na namilog ang kaniyang mga mata nang makita niya na mataas na ang sikat ng araw sa labas. Napasabunot siya sa kaniyang buhok at saka nagmamadaling bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Kung mamalasin ka nga naman oh! Late na ako ng gising!

Dumako ang kaniyang tingin sa mga papel na nakalat sa lamesang hindi kalayuan sa kaniyang kama. Halos hating gabi na nang natapos siya sa paggawa ng mga designs na pinagawa sa kaniya ng walang pusong partner niya, Bagamat isa lang ang nagustuhan ni Jaxxon sa mga huling batch na kaniyang ginawa ay nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit papano ay may nagustuhan ang napakapihikang lalaki at hindi nasayang ang kaniyang efforts.

Kung wala lang sana siyang kasalanan dito ay baka hindi siya magpapakapuyat para sa mga designs ba 'yon. Haler! Para saan pa at may working hours? Hindi naman ako ganoon ka-workaholic para abusuhin ang katawan ko!

Napangiwi siya nang maalala ang ginawa niyang kahihiyan sa binata. Kung bakit kasi hindi niya napigilan na batuhin ito? Stupid reflexes.

Kunot noong tumayo siya pagkatapos ay sumilip sa bintana para malaman kung ano ang pinagmumulan ng ingay. Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay nang makita ang nakahubaad barong lalaki habang abala sa paglipat ng mga malalaking bakal sa isang sulok ng garden. Ano kayang gagawin nito sa mga 'yon?

Nagkibit balikat si Verlaine. Ano naman ang pakialam niya sa ginagawa ng binata? As much as she knew ang designs lang ng bahay ang kaniyang priority sa lugar na 'yon.

Iniwan niya ang bintana kapagkuwan ay nagtungo sa banyo ng kaniyang kuwarto upang isagawa ang kaniyang morning rituals, isinabay na niya rin doon ang pagkusot sa damit na isinuot at saka isinampay ito sa wire na nakita niya sa loob ng banyo.

Matapos ang ilang minuto ng pagbababad sa paliligo ay tumungo siya sa walk-in closet na nasa loob ng silid kung saan niya inilagay ang mga baong damit. Isang kulay brown na dress shorts na tinernuhan niya ng kulay crema na tshirt na may cap short sleeves. Itinali niya ang kaniyang buhok ng pineapple ponytail.

Bumaba siya sa kusina ng bahay matapos niyang magbihis para makapagluto ng kanilang makakain ngunit ganoon na lang ang kaniyang pagkabigla nang makita niya ang babaeng morena na kasama ni Jaxxon kagabi na nasa kusina at kasalukuyang may niluluto.

Nakasuot ito ng tank top na kulay itim at puti na turn-up shorts habang naka-bun ang buhok nito dahilan upang ma-expose ng maigi ang mahaba nitong leeg. Nagsalubong ang mga kilay ni Verlaine habang matiim na pinagmamasdan ang ginagawa ng babae. Ano'ng ginagawa nito ng ganito kaaga? At isa pa ano'ng oras ito nasa bahay? Pinapunta kaya ito ni Jaxxon?

Nilingon siya ng babae nang marahil ay naramdaman nito ang kaniyang presensiya. Sa buong pag-aakala ni Verlaine ay isang ngiti ang isasalubong nito sa paglingon nito sa kaniya kung kaya ay nginitian niya ito ngunit nagkamali siya.

Imbis na isang ngiti ang makita niya mula rito ay napasimangot ito nang makita siya kapagkuwan ay tinalikuran siya at ipinagpatuloy ang ginagawa nitong pagluluto na para bang hindi man lang siya nakita. Napakamot na lang si Verlaine sa inakto nito sa kaniya. Hm. Parang nangyari na ito dati sa akin?

Napangiwi na lang siya nang maalala ang una nilang pagkikita ni Jaxxon. Ganoon din ang trato ng lalaki sa kaniya. Itinuring siyang parang hindi nag-eexist. Napailing na lang si Verlaine. Hindi niya akalain na may makikilala pa siyang tulad ng lalaki. Balak na sana ni Verlaine na hindi na rin pansinin ang presensiya nito gaya ng ginawa nito sa kaniya pero nagsalita ito nang magtungo siya sa coffee maker hindi kalayuan sa puwesto nito.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon