Matt's P.O.V.
Natapos na akong magshower at humilata na ako sa kama. Ramdam ramdam ko parin ang init at ang malambot na katawan ni Agatha na nakayakap sa akin. Mag iisa't kalahating taon na nang mamatay si Nate up until now di parin moved on si Agatha. Habang nakatulala ako sa kisame may naalala ako.
After Elementary Algebra class, naglakad ako papuntang locker room para ideposit yung iba kong mga libro.
" Matthew ? Matthew Sandeja ?" May tumawag sa akin na pamilyar ang boses.
" Nathan !" Agad ko siyang nilapitan.
" Oh, Nate, kailan ka pa lumipat dito?" I'm surprised to see him.
" Last week pa, Star section ka right, dapat dun din ako kaso wala ng slot kaya nasa second ako. Sayang bro. Sana magclassmate tayo sa 2nd year."
"Akala ko ba sa States ka mag aaral ng Highschool at ipagpapatuloy ang cello lessons mo ?"
" Nagkasakit si Mama, yun yung ginamit na pera, nasa States siya ngayon for medications."
" Sorry to hear that, btw. Kung interesado ka sali ka sa Concerto Club, kasali ako dun."
" Sure, tara. Punta tayo dun."
Bumaba na kami ng hagdan at pumunta ng Music Rm.
" Matt, sino yun ?" He asked me.
" Ang alin ?"
" Yung maputing maganda yung nagviviolin yung may blue na ribbon." He said and I shushed him.
" Classmate ko yan si Agatha, siya ang president ng club." Binulong ko sa kanya. " Pakilala mo naman ako, please." He pleaded me. " Kundi lang kita bestfriend, o sige wait ka lang."
Inintay naming matapos ang piece na kanyang tinututog at nilapitan namin siya.
" Hi, Agatha. May recruit nga pala ako. Si Nathan, childhood friend at isa siyang cellist."
" Hi Nathan, I'm Agatha Briones. Nice to meet you and Welcome to the Club." She offered her hand to him.
" Uy, Nathan !" Binulungan ko siya at siniko ng pasimple.
" Nate.. Uhm.. Nathan..Nathan Vergara, nice to meet you din." Nagising din ang diwa niya at nagshakehands sila.
Dun na nag ugat ang kanilang relasyon. Ang hindi alam ni Nathan, bago pa sila nagkakilala, matagal na akong may gusto kay Agatha. Mas nauna ako kaysa sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's a Certified Heart Breaker
RomansA Michael Christian Martinez Fanfic story. Michael Martinez was the first Filipino and Southeast Asian Figure skater who made it to the Olympics.