Chapter 5: Fe Pov

36 2 0
                                    

Nagulat ako ng bigla na lang may bumato sa akin ng isang bagay. Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Naglalaway pa naman ako sa pagkatulog. Wala namang tao sa loob ng kuwarto maliban na lang sa akin na nakahigang mag-isa sa kama. Napahagikhik ako bigla ng maalala ang ginawa ko kagabi. Mabuti na lang nahawakan ko ang isang paa ni Jeyo. Tatalon na sana ito ng bintana. Kala mo makakatakas ka. Ako to. Si Fe Huang Laxwell. Nagtungo ako sa banyo at alam na alam kong nakaalis na si Jeyo. Heartless. Di man lang nagpaalam. Kung sa bagay, bakit naman yon magpapaalam sa akin.

"Ate Fe. Nakaalis na si Kuya Jeyo." salubong sa akin ni Mary. Kakababa ko lang ng hagdan.

"Oo. Alam ko yon."

"Bago lang siya umalis." napatingin naman ako sa labas at nakita ko ang paalis na kotse ni Jeyo. Kung ganon siya pala ang bumato sa akin ng unan. Humanda ka talaga sa akin mamaya. Makakatikim ka naman sa akin. Charizzz...

"Mary. Wala ka bang pasok?"

"Mamayang hapon pa yon Ate Fe."

"Ah, ganon ba?"

Nagtungo ako sa kusina at ensaktong nasa kusina si mama. Hinablot naman ako nito at pinaupo. Napangiti naman ako sa tinuran ni mama dahil alam mo kung bakit. Tatanungin ako nila kung ano ang nangyari kagabi for sure.

"Fe, anong nangyari kagabi?" napaflick naman ako ng daliri bago sumagot.

"Mission accomplished ma, Mary." naghagikhikan naman kaming tatlo sa sagot ko. Hinding-hindi talaga makakatakas sa akin si Jeyo. Bahala na kung ipapakorte ako ni Jeyo. Ang importante magkaroon lang ako ng anak. Matagal-tagal rin kaming nag-uusap at naghagikhikan sa kusina. Hanip talaga pag maharot ka. Tawa ka ng tawa.

"Fe, sandali. Pasado na alas nuwebe ng umaga. Hindi ka ba papasok sa opisina mo?" napatayo naman ako ng mapagtanto na kailangan ko pa palang pumasok sa work.

"Meron ma. Papasok po ako. Sige po." nawili kami sa usapan. Nakalimutan ko tuloy na may work pa pala ako.
Malapit na akong makarating sa opisina ko at nagslowmo ang lahat ng mamataan ko si Jeyo sa gilid ng daan na may kinakausap sa kaniyang phone. Nakaupo ito sa tanke ng kaniyang kotse. At kitang-kita sa mukha nito ang saya habang may kinakausap sa phone. Saya na animo'y may nahanap na bago. At masyadong napakasweet ng pinag-uusapan nila dahil panay ang ngiti at tawa nito. Sino kayang kinakausap niya?

"Tsk! Ingiti mo lang yon Jeyo. Tapos ka talaga sa akin mamaya."

Nakarating na ako sa opisina ko ng makatanggap ako ng tawag kay daddy mula sa Germany. Mabilis ko naman itong dinampot at sinagot.

"Dad. Kailan ba kayo uuwi rito?" inunahan ko ng katanungan si daddy.

"Inunahan mo ako huh. One year starting this month my dear."

"Po? One year? Jusko. Ang tagal naman non daddy."

"Iha. Busy si daddy sa negosyo. Huwag kang mag-alala. One year vacation kung makakauwi ako riyan. Hm? Promise."

"Sure kayo daddy? Baka pinapaasa niyo lang ako? Alam niyo namang gustong-gusto na kitang makita at mayakap daddy. Promise mo yan huh?"

"Promise."

"Fine then."

"By the way. What about Jeyo?"

"He's fine. He really love me dad. Hehe!" sinungaling ko rito. Kailangan kong takpan ito dahil siguradong magagalit si daddy pag malaman niya na hindi maganda ang turing sa akin ni Jeyo.

"Good. Let's talk about it later. May gagawin pa kase daddy. Hm?"

"Alright dad. Bye now."

Mabilis na lumipas ang mga oras at pasado na alas sais ng gabi. Napagpasyahan ko na ring umuwi. Pero wala si Jeyo. At sigurado akong sa condo yon didiretso. Ang heartless. Makailang beses ko ng narap*. Pero heartless parin. Charingg...

Dare To Rap* My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now