Chapter 10: Jeyo Pov

23 2 0
                                    


___13 Day's Later___

Bukas na uuwi si papa. At mas lalo akong nadisappoint kay Fe. Walang araw na hindi niya ako hinahabol. Walang-hiyang babae. Manyakis talaga.

"Jeyo!" tawag nito sa akin ng makita akong nasa tubig ng pool. Nakasuot ito ng pantalon na short at sleeves na kulay pula. Mukhang dragon.

"Hi Jeyo." mapang-akit nitong sabi at malanding naupo sa sahig ng pool. At nagsimula akong kabahan. Umaandar na naman ang pagkamanyakis ng dragon. Lumayo-layo kay Fe ng bumaba ito sa tubig.

"Ang lamig naman ng tubig. I'm freezing hubby."

"Edi sa mainit ka ng tubig maligo."

"Ito naman si hubby. Hindi mabiro. Obvious naman yan oy!"

"Hubby.." mapang-akit nitong sabi.

"Enough is enough Fe. Huwag mo ng pasobrahan pa." pero napahagikhik lang ito sa sinabi ko. Huli ko ng namalayan na nasa gitna pala kami ng tubig ng pool. Kaya medyo nagdistansiya ako kay Fe papuntang gilid ng pool. Pero ang bilis ako nitong namataan.

"Going somewhere hubby? Hmhehe!" malademonya nitong tawa. At dahan-dahang lumangoy patungo sa akin. Mabilis naman akong lumangoy papuntang gilid pero malapit ako nitong maabot kaya lumiko ako ng langoy. At bumalik sa gitna ng pool.

"Tumigil ka na Fe. Gusto mo ba akong patayin ako rito?" pero napahagikhik lang ito at mapang-akit na tumingin sa akin.

"Alam mo bang yan ang dahilan kung bakit galit sayo ang iyong ama? Napaheartless mo. At sa tingin ko.."

"Shut up Fe. Ang pagiging heartless ko lang ang ginagamit mo sa kabaliwan mo. Isa kang manyakis na dragon."
At kitang-kita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Fe sa sinabi ko. As always lang naman eh. Umiiba ang kaniyang ekspresyon sa tuwing makikita ako.

"Je-yo Swa-ek! You..will be mine!!" aniya at mabilis na lumangoy patungo sa akin. Kaya nagkukumahog akong lumangoy palayo sa kaniya.

"Mama!!" hagulhol kong sigaw. Pero imposibleng marinig iyon ni mama. Mabilis akong lumalangoy hindi lang mahuli ng manyakis kong asawa.
At sa tuwing makalalapit na ako sa gilid ng pool ay lumiliko ako dahil nga ay mahuhuli ako ni Fe dahil isang metro na lang at mahuhuli ako nito.

"Mama!!" pero napahagikhik lang ang manyakis sa sigaw ko.

"Jeyo.." may halong panunukso nitong tawag sa akin. Mas lalo tuloy akong sinurot ng kaba rito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakasalamuha ng ganitong uri ng babae. Ang babae pang inarange marriage at kinasal sa akin. Hanggang pa naman dito sa pool. Paspas ako sa paglangoy habang paspas naman sa paghabol sa akin si Fe. At napapagod na ako sa kakalamgoy hinding-hindi lang mahuhuli ni Fe.

'Walang espirito santo na babae'

At may tatlong metro pa akong distansiya kay Fe at makakatakasan ko pa ito. Mabilis akong lumangoy papuntang gilid ng pool at mabilis na umakyat. Hindi na sana ako naligo rito sa pool dahil may shark na humahabol sa akin.

"Mama!!" hagulhol kong sigaw ng mahawakan ni Fe ang isa sa mga paa ko.

"Going somewhere hubby? No, you can't. Ahehehehe!" at sa tuwing hagikhik ito ay sinusurot ako ng kaba. Kaba na nakakahimatay.

"Bitawan mo ako Fe. Bitawan mo ang paa ko. Maawa ka. Bitawan mo ang paa ko." igting panga ko rito habang kumakalampag makawala lang rito. Gumapang ako pero hawak-hawak ni Fe ang isa kong paa.

"Mama!!"

Pinilit kong gumapang dahil hinihila ako ni Fe. Jusko! Ano bang babae itong napangasawa ko? Bakit niyo ako binigyan ng ganito? Bakit?

Dare To Rap* My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now