Chapter 13: Fe Pov

24 3 0
                                    

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nong galawin ako ni Jeyo. Naging matamlay ako. Nakaramdam ako ng paghihilo. Madalas akong nagsusuka sa opisina o di kaya sa bahay. At parang may kung ano-anong hinahanap ang kalamnan ko. Nais kong kumain ng maaasim at matatamis na pagkain na hindi ko mawari'y sa aking sarili. As always rin na wala na si Jeyo sa tabi ko paggising ko sa umaga. Napatakbo ako sa banyo ng biglang nakaramdam ako na magsusuka ako. Pinapawisan ako.

"Buntis na ba ako?" ang salitang sinasambit ng isip ko.

Ensaktong nakababa na ako ng hagdan papunta na sana ako ng kusina ng napatigil ako sa paglakad. Sumasakit ang ulo ko at sa isang iglap ay nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na pinalilibutan ng mga mapuputing pader.

"Patay na ba ako? Jusko Fe. Patay ka na." pero nagbago iyon ng may nagsalita sa tabi ko. Si mama. Mag-isa itong nakaupo sa tabi ko.

"Ma. Bakit ako nandito sa ospital?"

"Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina. Kaya dinala kita sa ospital."

"Si Jeyo? Sinabihan niyo ba siya rito?"

"Hindi. Hindi ko inalam sa kaniya na nandito ka. Hindi rin naman siya mag-aatubiling pumunta rito pag nalaman niya na nasa ospital ka."

"Kung sa bagay. Tama kayo ma. Sundo sa langit ang pagkaheartless ni Jeyo. Pero, ma. Anong sinabi ng doktor? Wala ba siyang natuklasan sa akin?" sasagot na sana si mama ng sandaling iyon ng biglang pumasok ang doktor.

"Congratulation Mrs. You are pregnant."

Nasindak ako sa sinabi ng doktor at lumabas ang isang matamis kong ngiti. Sa wakas natupad na rin ang pangarap ko. Buntis ako! Buntis ako!

"Buntis ka Fe. Buntis ka." ani ni mama. Sobrang saya ang naramdaman ko ng sandaling iyon. Sa kabila ng mga ginawa ko kay Jeyo natupad na rin ang pangarap ko.

"Ma, maaari bang huwag mo munang sabihin ito kay Jeyo. Kailangan muna na hindi niya ito malaman. Tanging ikaw lang ang nais makakaalam nito at si Mary. Pati na sina mommy and daddy. Huwag niyo po munang sabihin ito kay papa. Kung maaari."

"Kung yan ang gusto mo Fe. Gagawin ko. Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin. Sige. Gagawin ko iyan."

"Salamat ma."

Tinawagan ko si mommy ng makalabas kami sa ospital ni mama. Noong una ayaw pa nitong maniwala sana at inaway pa ako na gumagawa-gawa lang ako ng istorya para hindi sila magalit sa akin.

"Sinabi sa akin ng doktor mom. Kasama ko nga ang mama ni Jeyo eh."

"Oo na. Naniniwala na ako. Pinaniniwalaan na kita. Mag-ingat ka anak. Ingatan mo ang anak mo at ang magiging apo namin."

"Makakaasa kayo mom. Pakisabi na lang kay dad."

Katulad ng pinagkasunduan namin ni mama ay hindi ko iyon sinabi kay Jeyo na buntis ako. Dahil kung sasabihin ko sa kaniya hinding-hindi ko na ito makukulit pa. Hanip!

"Ano ba Fe?" irita nito ng kurutin ko ang kaniyang pandesal.

"Ahehe! Sorry hubby. My hands slip."

"Sa dami ng mga babae na nakilala ko ikaw pa ang babaeng manyakis na dragon ang inarrange married at kinasal sa akin."

"At sa dami rin ng lalaking nakilala ko ikaw naman ang inarrange married at kinasal rin sa akin Jeyo. Patas lang naman tayo Jeyo. Pero hindi yon hadlang sa akin. Kasal na tayo at legal mo na akong asawa. Hmhmhe!"

"Then why are you laughing? Laughing like a witch. Tsk!" pero binalewala ko ang lahat ng mga masasakit na salita ni Jeyo. Sanay naman ako sa ganon eh.

"Jeyo, ano yang nasa ulo mo?"

Dare To Rap* My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now