Isang linggo na lang at makakauwi na ang papa ni Jeyo. Sina mommy and daddy sa susunod pa na taon uuwi. At magtatatlong taon naman ang pagiging heartless ni Jeyo. Hyst! Kailan pa ba kami magkaroon ng anak? Gustong-gusto ko na talagang magkaroon ng anak.
"Ano ba?" pagkagulat ni Jeyo ng sampalin ko ito sa puwet. Grabe. Ang tigas naman ng puwet niya. Parang puwet ng isang babae. Charingg..
"Papasok ka ba Jeyo?"
"Nakita mo na nga akong nakasuot ng pormal magtatanong ka pa." masungit nitong sagot. Pero sa halip na magalit ako ay natawa ako.
"Ingat hubby. Muah muah chup chup."
"Tsk! Chup chupin mo mukha mo." sungit nitong saad bago tumalikod. Naamoy ko pa ang ginagamit nitong perfume. At ako naman tinatamad na papasok sa work. Mahigit na tatlong oras na ang nakalipas ng maalala ko bigla ang tungkol sa water phone games ni Jeyo. Nabasag iyon kahapon ng mailaglag niya habang sa malaking bato sa ilalim ng puno ng mangga. At parang mamamatay siya nong mabasag iyon. Mas pipiliin pa niya ang water phone games na iyon kesa sa akin na asawa niya. Kung sa bagay bakit naman niya ako pipiliin. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng bahay. Nagpunta ako ng mall para ibili ng water phone games ang heartless kong asawa. Twenty eight years old pa naglalaro pa non.
"Asan ba yong water phone games dito? Wala naman akong nahanap?"
"May hinahanap po ba kayo ma'am?" pansin sa akin ng isa sa mga saleslady.
"Ma'am meron ba ditong water phone games? Yung may dalawang pindot-pindot na may tubig sa loob? Yung may mga malilit na rubber sa loob."
"Ah, nasa second floor po ma'am. Doon nakalagay ang mga toys."
"Ahehehehe! Ganon ba?" tumalilis naman akong nag-akyat sa second floor. At ayun nakahanap ako ng water phone games. Water phone games lang naman to. Para niyang ikakamatay.
"Wala na akong utang. Nakabili na ako nito. Haha! Here I come."
Nagpunta ako sa company ni Jeyo sakay ng taxi. Dumiretso ako sa kaniyang opisina pero wala ito ng datnan ko. Asan ba siya nagpunta? Huwag niyang sasabihin na tumakas siya?"Jeyo!! Asan ka na ba?"
"Ma'am. Wala po si Sir Jeyo. Nasa loob po siya ng conference room kasama ang ilan sa mga mataas na mga employee rito. May meeting kase sila." sabi nong isang employee na nakasalubong ko.
"Ah, k." nagtungo naman ako sa conference room at walang gatol na binuksan ko ito sabay sabi..
"Jeyo. Binilhan na kita ng water phone games. Tingnan mo. Kulay yellow. SpongeBob. Wala na akong utang sayo hubby. Ahehe!" nagulat naman ang lahat sa bigla kong pagsulpot sa loob ng conference room. Pero wala akong paki. Bahagya ko pang hinawi ang buhok ko rito.
"Fe." mahinang sabi ni Jeyo habang nakatayo sa gitna for discussion.
"Wala na akong utang sayo. May water phone games ka na na SpongeBob." pero bigla na lang ako nitong hinablot at kinaladkad palabas ng conference room.
"What do you think your going on Fe? Hindi ka ba nag-iisip? Meron kaming meeting at basta-basta ka na lang pumasok. Hindi ka ba nag-iisip?" galit nito sa akin.
"Eh, kase ibibigay ko lang tong water phone games mo. Hindi ba't parang ikamamatay mo nong mabasag iyon? Kaya binilhan kita ng bago. At tsaka, ano naman kung pumasok ako?"
"Kung ibibigay mo sa akin yan, dapat sana hinintay mong matapos yong meeting."
"Pero alam kong hindi mo naman yon tatanggapin kung iwan ko sa opisina mo hindi ba? Sa halip ay ilagtataboy mo ako palabas. Tama ba ako Jeyo?"
Malalim naman itong napabuntong-hininga at napahawak noo. Hmff! Naghawi-hawi naman ako ng buhok. Habang hawak-hawak ang water phone games.
YOU ARE READING
Dare To Rap* My Heartless Husband
MizahJeyo Swa-ek, ang lalaking napakaheartless. Ang lalaking inarange marriage at kasal sa babaeng nangangalang Fe Huang Laxwell. Ang babaeng matagal ng gustong magkaroon ng anak. Pero dahil sa heartless ang asawa ay umabot sa dalawang taon na hindi pa n...