Chapter 11: Fe Pov

23 2 0
                                    

Nasa second floor ako ng company ko dahil may inaasikaso ako sa mga employees ko. At halos mga tatlong oras ako ng makabalik ako sa opisina ko. Naupo at nirelax ang mga mata ko.

"Kringg.. kringg.." as my phone ringing and vibrated on my table. Papikit-pikit ko naman iyong dinampot at sinagot. Pero bigla na lang nawalan ako ng espirito sa lakas ng boses.

"Why you shouldn't pick up your phone?! Ilang beses na kitang tinatawagan!"

"Huh? Jeyo? Ikaw? Tinatawagan mo ako? Wow huh! Pirst time to ah!"

"Shut up Fe. Nais kang makita ni papa. Ngayon na!" abay sinisigaw-sigiwan ako.

"Bakit mo ba ako sinisigawan? Nakakabingi ka. At tsaka mamaya pa ako uuwi. Marami akong gagawin rito. Sunduin mo na lang kaya ako. Hindi ko kase nadala ang kotse ko. Ano sa tingin mo hubby? Hm?" dahilan ko rito. Dahil totoo naman eh. Hindi kk dinala ang kotse ko.

"Huwag ka ng magdahilan pa Fe. Umuwi ka na lang rito."

"Pero wala nga akong kotse. At tsaka pasado na alas sais ng gabi. Kung ayaw mo akong sunduin, edi bahala ka. Manigas ka diyan sa sermon ni papa." pinutol ko ang linya ko pero tumawag ito ulit. Mukhang ang ganda ngayon ng araw ko ah. Nais akong pauwiin ni Jeyo.

"Ano ka ba naman Jeyo? Alam mo namang busy ako rito."

"Hindi ba't sinabi ko na umuwi ka?"

"Hindi ba't sinabi ko rin sayo na hindi ko dala ang kotse ko. Bingi lang? Bingi lang?" rinig na rinig ko kung paano napabuntong-hininga si Jeyo ng sandaling iyon.

"Oh, siya. Susunduin na kita." tugon nito bago pinutol ang linya. Lumabas naman ako ng company at naghintay sa labas ng company. Matagal-tagal rin akong naghintay pero ayst! Ano ba to? Bakit hindi pa dumating si Jeyo. Naupo na lang ako sa hagdan at napatingala sa langit. Maliwanag ang langit pero biglang umitim ang langit ng sandaling iyon. Parang uulan. At sa isang iglap ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagulat na lang ako dahil di man lang ako nabasa. Kakaiba to huh!

"Jeyo?" ng umangat ako. May bitbit itong payong at pinapayungan ako. Kaya siya ang nabasa. Ayst! Sirang lalaki. Bakit hindi nagsilong sa payong. Napatayo naman ako at bahagyang napaismid. Pero nakikita kong seryoso ang mukha ni Jeyo ng sandaling iyon. Di ko na lang yon pinansin. Dahil alam kong labag sa kalooban niya na sunduin ako. Batong-puso. Ang sungit-sungit. Sumasampok yong kilay hanggang sa pag-abot ng bukang-liwayway.

"Hayyyy...." mahaba kong buntong-hininga.

"Pumasok ka na sa kotse." may pagkamalambing ang boses. Pero hindi ko yon pinansin.

Tahimik ito sa pagdrive habang ako pangiti-ngiti lang. Wala naman palang magagawa si Jeyo pag si papa na ang umasta. Sa akin nga hindi siya makakatakas kay papa pa kaya.

"Why are you smiling?" sungit nitong tanong sa akin.

"Wala lang. Masaya lang."
Nakarating na kami sa bahay. Nagtago naman ako sa likod ni Jeyo ng makita ko si papa na nakaupo sa sofa. Pat-ud. Maakig gid ni sya mo.

"Lumabas ka diyan Fe." wala sa tono na wika ni papa. Lumabas naman ako sa likod ni Jeyo.

"Sagutin niyo nga ako. Bakit hanggang ngayon wala pa kayong anak? Ano bang problema niyong dalawa?" tanong ni papa. Mabilis naman akong sumagot.

"Si Jeyo kase eh." natuon naman atensyon ni papa kay Jeyo. Palihim naman akong nagtungo sa kusina dahil nauuhaw ako. Rinig na rinig ko ang boses ni papa sa kusina.

"Fe!! Bumalik ka rito!! Huwag kang tumakas!!" nabulunan tuloy ako sa sinabi ni papa. Nahuli pala niya ako na palihim na tumakas sa usapan. Pangasim naman akong bumalik sa sala.

Dare To Rap* My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now