Chapter 8: Jeyo Pov

30 1 0
                                    

"Jeyo!!!" pagkasurpresa sa akin ni Fe kakabukas ko lang ng kuwarto namin. At biglang tumalon sa akin. Nawalan tuloy ako ng balanse kaya natumba ako sa sahig.
"Hubby. Muahhh..." darn it. Dahil sinalubong ako nito ng mapusok niyang halik.
"Tumigil ka nga Fe! Yan ba ang isasalubong sa akin pag-uwi ko? Wala ka talagang kuwentang babae ka. Ang umagang-umaga. Yan na ang pambungad mo sa akin."
"Sorry hubby. Miss na miss kase kita. Muah muah chup chup.."
"Enough is enough. Umalis ka nga sa katawan ko." malademonya naman itong umalis. Bumangon naman ako at bubuksan ko na sana ang butones ng polo shirt ko ng yakapin ako nito sa likod. At hindi lang yon sinisiksik pa nito ang mukha sa likod ko.
"Can you please stop Fe? Alam mo naman siguro ang ginagawa ko?"
"I'm sorry hubby. Kahit hindi ka na maligo, ang bango mo. Ahehe!"
"Binibiro mo ba ako? Magmumukha akong kambing kung hindi ako maliligo."
"Mabuti't alam mo hubby."

"Pfft! What the heck? Kunin mo nga kamay mo. Magbibihis ako oh."

"Tutulungan na kita Jeyo. Ahehe!"

"I don't need your help Fe. Hindi ako inutil. Kaya puwede ba, tigilan mo na nga ako. Nang dahil sa iyo wala ng oras na hindi maganda ang modo ko."

"Jeyo naman eh. Mahal mo ba ako?"

"Hindi. At alam na alam mo na iyon noon paman Fe. Iwan mo na ako. At maghanap ng lalaking magmamahal sa iyo ng totoo."

"Hinding-hindi ko yon magagawa Jeyo. Kaw lang hubby ko."
Malalim akong napabuntong-hininga at hindi ko alam kung ano ang nararapat gawin sa babae na to. Ang sarap itapon sa labas ng bintana.

"Jeyo."

"Ano na naman?!"

"Sa tingin ko magpapaalam na rin ako. Hindi ko alam kung kailan o kung anong araw. Basta magpapaalam na ako. Wala ng kukulit sayo."

"What do you mean? Aalis ka? Mabuti nga eh. Para wala ng iistorbo sa akin."

"Ganon na nga. Wala ng iistorbo sayo. Kaya lubos-lubosin ko ang pangungulit sayo habang nandito pa ako." malademonya nitong saad. Mabilis naman akong tumakbo palabas ng kuwarto.

"Saan ka pupunta Jeyo?" tanong ni mama ng makasalubong ako pababa ng hagdan.

"Sa labas ma. Magpapahangin-hangin lang." sagot ko rito at tumalilis palabas ng bahay.

"Kailan ba siya aalis? Sana malapit na lang. Para wala ng iistorbo sa akin. Ayst! Ano bang gagawin ko sa babae na to? Hinding-hindi ako titigilan."
Umakyat ako sa puno ng mangga at naupo sa sanga at doon nanatili muna ng ilang minuto. Mabuti na iyon dahil makakaiwas muna ako sa manyakis kong asawa. At mabuti na lang nadala ko ang phone ko pagkalabas ko ng bahay. Naglaro ako ng games sa phone at panay ang tawa ko rito. Dahil always akong nanalo. Mahigit bente minutos na ang nakalipas.

"Ahahaha!! Mama!!!" tawa at hagulhol kong sigaw ko bigla ng biglang may humawak sa paa ko. Napakapit tuloy ako sa isang sanga.

"Mama!! Tulong!!" takot na takot kong sigaw dahil hawak ni Fe ang isa kong paa na nakatunton sa baba. Malademonya pa itong humahagikhik at pinaglalaruan ang paa ko.

"Mama!! Tulong!! Mama!!" dahil dalawang paa ko na ngayon ang hawak-hawak niya. Mukhang dragon. Este, mukhang manyakis. Pinapalaki pa yong mata.

"Fe, bitawan mo ako. Dahil kung hindi mahuhulog ako. Mama!!" dahil kung hindi ako kakapit ng kakapit sa sanga ay malaglag ako. Jusko tulungan niyo naman ako. Dahil kung hindi mamamatay ako rito. Pinilit kong makalas ang kamay ni Fe gamit ng pagpupumalag ng paa ko.

"Stop it Fe! Stop it! Dahil malalaglag ako rito!!" igting panga kong sigaw. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagmumukhang nakakatakot na manyakis sa paningin ko si Fe.

Dare To Rap* My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now