Chapter 10

8.9K 202 7
                                    

Chapter 10 -You're back!!

Kathryn's Point of View

"Mag-sigising na po lahat!! Terminal na tayo! Gising na po."

Nagising ako dahil sa sigaw na iyon. Ang loud ni kuya! Tsk. Tumingin ako sa labas ng bintana, medyo madilim pa. Tinignan ko ang mga gamit ko baka kasi may nawala. Kompleto naman lahat.

Pagkababa ko nang bus, tinawagan ko kaagad si Timo at para makapag-pasundo. Pagkatapos nun tinawag ko din si DJ, sinabi kong naka-rating na ako. Maya-maya dumating na din si Timo dala ang tricycle niya. Si Timo kababata ko at may asawa na siya.

--

"Room 414 po. Third floor." Nag-pasalamat ako at dumiretso kami ni Timo sa kwarto ni papa. Sumakay na kami sa elevator. Dumiretso na ako sa ospital kasi gusto ko nang makita sina Mama. Sa pag-sakay naming sa elevator, nang asar bigla si Timo.

"Puti mo na ah." Asar sakin ni Timo, hindi naman ako maitim dati morena lang ako.

"Asar pa, Timo! Sasapakin na kita." Pinisil lang niya ang pisngi ko.Nang makarating kami sa third floor, nag-lakad lang kami ng konti at nasa room na kami ni papa. Binuhat ni Timo lahat ng gamit ko papasok sa loob ng room. BTW, Ang totoo niyang pangalan ay Timothy Vergara. Ang sosyal ng pangalan diba? Hahaha.

Nakita kong pina-pakain ni Mama si Papa pero ayaw talaga ni Papa.

"Pa, kumain ka na." napa-tingin naman sila sa gawi ko. Inilagay ni mama ang bowl na hawak niya sa table at tumakbo sakin para yumakap. Ibinaba lang ni Timo ang mga gamit ko at nag-paalam na din siyang umalis.

"Kath, na-miss kita! Dapat sa bahay ka muna dumiretso." Bimitaw ako sa yakap kay mama. "Ted, nandito na si Kath. Kaya please. Pagaling ka na." lumapit ako kay papa at nag-mano.

"Papa naman eh. Ang tanda-tanda mo na, inaartehan mo pa si Mama." Kinuha ko 'yung bowl at pinakain si Papa. Hindi naman siya umaangal. Biglang pumihit ang door knob at pumasok ang isang nurse.

Makalipas ang dalawang araw, naka-labas na din si Papa sa ospital. Naging ok na din naman kasi ang sugar niya. Mataas daw kasi ang sugar level sa katawan niya kaya siya na-ospital. Ngayon pa-uwi na kami sakay sa taxi. Pinagmamasdan ko ang bawat nadadaanan ng sasakyan wala pa din namang pinagbabago. Nang makarating kami sa baranggay naming nakaramdam ako ng excitement. Na-miss ko 'yung lugar naming eh. Ang laking pagtataka ko ng hindi pinahinto nila Mama't Papa nang tumapat sa bahay namin. Tumigil ang taxi sa isang magandang bahay, malayong-malayo sa itsura ng bahay namin dati. Ibinaba n ang driver ang gamit namin kaya bumaba na din kami.

"Ma, bakit tayo nandito? Lampas po tayo eh." nag-tinginan muna sila tapos tumingin at ngumiti sakin. Sinusian ni Mama ang pinto ng bahay.

"Kasi bunso. Atin 'to." sabi ni Papa, nanlaki ang mata ko. Seryoso?!

"Seryoso kami anak. Sa atin 'to. Pumasok muna tayo at ie-explain namin sa'yo." sabi ni Mama.

Inilagay muna namin ang mga gamit sa isang sulok at umupo sa sofa. Sumandal ako kay mama habang sinusuklay-suklay niya ang buhok ko. Nag-simula na siyang mag-salita.

"Diba dati pina-plano natin na bumili ng lupa sa farm. Pero anak matagal na naming hinuhulugan 'yun elementary ka pa lang, tinaniman na namin ng mangga. At nung naka-graduate ka ng high school nabayaran na namin 'yung lupa. Nung unang ani natin, dinala lang naming ng papa mo sa palengket tapos may isang negosyante na nag-alok samin kung gusto naming mag-export sa ibang bansa. Kaya 'yun nung third year college ka binili namin 'yung lupang 'to at pinasimulhang mag-patayo ng dream house natin. Dapat surprise namin sa'yo 'to pero bigla ka na lang lumuwas ng Manila eh. Nagustuhan mo ba 'yung bahay natin?" I smile at her.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon