Chapter 30

7.6K 152 5
                                    

Chapter 30

Daniel's Point of View

"Ano na naman ba 'yang kaartehan mo, Daniel? Gusto mo bang masapak kita ng isa?" inis na tanong ni Seth matapos kong maikwento ang naging pag-tatalo namin ni Kath.

Nakapag-bitiw na naman ako ng mga salitang alam kong hindi tama. At hindi nararapat sa kanya. Sa totoo nga lang pakiramdam ko ako ang pinaka walang kwentang ama. Alam kong may sakit nga ang anak ko tapos hindi ko man lang nakamusta.

Ang tanga ko.

"Pagod na pagod ako that time. Hindi ko na nakontrol ang bibig ko. Akala ko hindi niya sinabi sa akin na na-ospital si Jordan." paliwanag ko sa kanya.

Hindi kasi namin hawak ang mga cellphones namin sa opisina. Noong break time naman biglang nagpatawag ng meeting kaya halos hindi na din ako nakakain. Tapos noong pauwi na ako, sinabi lang sa akin ng kaopisina ko na dinala nga daw si Jordan sa ospital, nurse kasi ang kapatid niya dito na dati ding nagtrabaho sa kompanya kaya kilala kaming mag-ama.

"Baka akala mo kung paano mag-alaga ng bata? Panigurado puyat, pagod at gutom si Kathryn. Sana din naman naisip mo iyon." napatahimik na lang ako dahil tama naman ang sinabi niya. Mas mahirap mag-alaga ng bata.

"Hindi ko na nga naisip. Tsk."

"PUTONG INAMOY NAMAN Daniel!! Anong hindi naisip? Nag-isip ka mali lang ang pinili niyang utak mo." singhal pa niya sa akin.

"Oo na! Mali na nga ako diba? Alam ko 'yun, alam kong gago ako." sagot ko kay Seth. Pinamumuka pa eh, alam ko na nga.

"Dapat lang. Papano na lang kapag nalaman 'yan ng tatay ni Kath, ng mga magulang niya? Hindi ka ba natatakot na baka kunin na 'yan sa iyo? Alam ko na alam mo hindi madami ang Kathryn." makahulugang sabi niya.

Alam na alam ko. Bibihira ang tulad ni Kath. Bibihira lang nag tulad niyang kayang magpalipas ng gutom at magpagod para lang sa amin ng anak ko.

"Papano ka na lang niya sasagutin kung ganyan ka?" sinamaan ko ng tingin si Seth. Kaibigan ko ba talaga ang bakulaw na ito? Parang mas lalong pinapabigat ang pakiramdam ko eh.

"Kaibigan ba talaga kita? Mas lalo lang bumibigat ang loob ko dahil sa'yo eh." napailing siya saka ako tinabihan sa bench.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam ko din naman na tama ang mga binibitawan ko sa'yo ah. Alam mo 'yan." tsk. Tama siya. Ang gago ko talaga, sobra.

"Anong gagawin ko?" tanong ko habang naka-lagay ang muka ko sa palad ko.

"Mag-sorry ka. 'Yun lang." simple niyang sagot.

"'Wag mo ngang ma-lang-lang 'yun. Mahirap ano!" sagot ko sa kanya.

"Noong sinagot-sagot mo siya walang kahirap-hirap. Tapos pagso-sorry lang? Nako naman." bulong ng katabi ko.

Kung wala lang talagang point ang mga sinasabi nito, nasapak ko na 'to.

"Bahala ka na nga. Aalis na ako babalik na lang ulit ako bukas." tinapik niya ang balikat ko saka siya umalis pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay humarap ulit. "Nakalimutan ko, si Mr. Adison daw ang magbabayad sa bill mo dito sa ospital. Ilipat mo din daw sa mas malaking room si Jordan." what? Bakit naman 'yun gagawin ni Sir?

"Teka, bakit?" nagtataka kong ganong sa kanya. Nagkibitbalikat na lang siya.

"Malay ko, itanong mo na lang sa kanya. Sige na. Bye." nagsimula na siyang maglakad paalis kaya hindi na ulit ako nakapagtanong.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon