Chapter 24

8.5K 181 1
                                    

COMMENTS po. Please??

Chapter 24

Kathryn's Point of View

"So minahal mo siya?" tanong ko matapos siyang mag-kwento. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi ko siya minahal talaga. Naging parte siya ng buhay ko. 'Yun lang." sabi niya."Alam mo, bago tayo nag-kita dati. Nanaginip ako n'on. Binigyan niya ako ng picture ng babae. At sa tingin ko, ikaw 'yon. Ikaw 'yung sinasabi niyang mag-aalaga at mag-mamahal sa aming mag-ama." kwento niya pa.

"Sana.." komento ko.

Pinsandal niya ako sa may dibdib niya. Narinig kong naghihilik na si Jordan. Pinaupo ko siya sa lap ko at sinandal sa akin.

"DJ, dinala mo ba si Jordan kay Ella nung Birthday niya?" tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi eh. Ako lang ang pumunta." sabi niya.

"Hindi mo pa nadadala si Jordan kahit dati pa sa puntod ng nanay niya?" tanong ko.

Umiling siya bilang sagot.

"Puntahan natin?" alok ko.

Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

Nanatili kaming nasa ganoong posisyon. Komportable talaga ang pakiramdam kapag siya ang kasama ko. Ipinikit ko ang mata ko kasi ang sarap sa pakiramdam ang hangin na humahaplos sa muka ko.

Hindi ko na namalayan na napapalalim na pala ang pagtulog ko.

Daniel's Point of View

Pinagmasdan ko ang muka ni Kath habang natutulog sa may dibdib ko.

Napakaswerte ko sa kanya. Namin ng anak ko.

Sa totoo lang, kaya ayokong pag-usapan si Ella kasi ako ang sumira sa mga pangarap niya. Kung hindi ko siya nabuntis siguro maganda na ang buhay niya ngayon.

Napaisip din ako na, kung hindi dahil sa kay Ella baka hindi rin nag-tagpo ang landas namin ni Kath. Hindi ako magiging ganito kasaya kasama si Jordan.

Pero bago ko ipagpatuloy ang lahat kailangan ko munang mag-move on mula sa nakaraan.

Hinawi ko ang mga ligaw na buhok sa muka ni Kath. Napatigil lang ako nang bigla siyang gumalaw.

"Hmm. Sarap matulog, DJ." sabi ni Kath.

"Tulog ka pa."

"Ok na. Ikaw gusto mong matulog? Mahaba din ang byahe kanina."

"Ok lang ako." sabi ko sa kanya.

"DJ, may itatanong ulit ako." sabi ni Kath at umupo siya paharap sa akin.

"Go. Tungkol saan?"

"Hinanap mo ba ang magulang ni Ella?"

"Hinanap. Pero nalaman ko sa kombentong tinuluyan niya noon na ulila siya. Simula baby pa siya doon, napili lang siyang maging scholar ng isang kompanya." paliwanag ko.

"Pero nung pinakita mo sa'kin 'yung picture niya muka siyang anak mayaman. Ang ganda kasi." sabi niya. Oo, maganda talaga si Ella. Hindi mo aakalaing sa kombento lang siya lumaki. Noong una nga akala ko din mayaman siya.

"Diba graduate kang BA? Ayaw mo bang gamitin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Gusto. Pero ayokong sa kompanya mag-trabaho. Gusto ko 'yung akin talagang business."

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon