Chapter 32
Kathryn's Point of View
"Mamayang hapon siguro pwede nang ma-discharge. Maganda naman ang resulta obserbasyon ko. Hindi na din naman siya nilagnat magdamag." balita sa amin ng doktor.
Pang-apat na araw na namin dito, apat na araw na ding hindi pumapasok si Daniel. Ayaw pa din daw niyang makausap ang ama.
"Salamat naman po. Mukang malaking bayarin 'to." natatawang sabi ni Daniel.
"Don't worry about the bills. Bayad na lahat. Sige ijo, mauna na ako. Ang mga reseta para sa vitamins ay ibibigay na lang nurse mamaya. Always healthy lang dapat ang pinapakain ha? Tapos avoid junk foods. Ok? Alis na po ako." nakipagkamay pa ang doktora kay Daniel saka ito lumabas ng pinto.
"Mukang binayaran ng ama mo ang bills. Ok lang sa'yo?" tanong ni Tita Karla.
Umupo siya sa kanan ni Jordan habang ako ang nasa kaliwa.
Nagkibit balikat lamang siya.
"Ok lang, Ma. Para naman po sa anak ko eh." sabi niya habang tine-trace ang noo ni Jordan papunta sa ilong.
"Lalabas na tayo mamaya. Pumasok ka na bukas at baka wala ka nang balikang trabaho." sabi ni Tita habang inaayos naman ang mga kumot na ginamit namin.
"Para saan pang naging ama ko ang may ari ng kompanya? 'Yun man lang sana magawa niya para sa akin." sagot naman ni Daniel na parang wala lang sa kanya.
"Bumabaluktot na naman ang utak mo. Maling mali 'yang iniisip mo. Baka sa nalaman mo, lumaki ang ulo mo't mag-drugs at magloko ka na dahil alam mong may makapangyarihan kang tatay?" singhal ni Tita.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Sumasagap ng maichichika. Joke.
Ayoko lang makialam kasi hindi PA naman part ng family.
"Ma naman! Anong drugs-drugs iyan? Sa tingin mo gagamit ako ng ganoon? Libo din iyon, ipang gagatas ko na lang kay Jordan. Saka sa tingin mo pakakasalan ako ni Kathryn kapag ginawa ko 'yon? Paano na lang 'yung kids ko?" exagerated na sabi ni Daniel na ikinapula ko.
"Alam mo anak. Hindi ka pa man nakakatikim may epekto na." sarkastikong sabi ni Tita.
"Whatever, Ma. Wait, kailan ang uwi mo?" tanong ni DJ.
"Bukas." maikling sagot ni Tita. "Bakit parang hindi kayo masyadong nagpapansinan? Nagaway na naman ba kayo?" nagtatakang tanong ninTita.
Nagkatinginan kami ni DJ at walang nagtakang sumagot ng tanong.
Mayamaya din ay tinanggalan na ng swero si Jordan. Ok na naman si Jordan, pero hindi pa din ganoong kasigla. Nakauwi na din kami at naghahanda ako ng hapunan namin nang biglang pumasok sa kusina si Tita.
"Alam kong nag-away kayo ng loko kong anak. Sinabi sa akin ni Seth, ewan ko ba kung bakit napaka feeling close ng batang iyon." natawa ako sa sinabi ni Tita tungkol kay Seth. Napaka talaga ng lalaking iyon.
"Opo, pero nagkasagutan lang po." sagot ko.
Tinuloy ko ang paghahalo ng afritada.
"Hindi ko na itatanong kung anong naging sagutan ninyo dahil nasabi na din ni Seth. Ang gusto lang talagang sabihin. Minsan talaga shunga-shunga 'yang si Daniel pero maniwala ka anak minsan hindi iniisip niya ang mga sinabi niya at pagsisisihan niya iyon pagkatapos. Mas maganda kung ikaw mismo ang makatuklas ng pagu-ugaluli niya. Hanggang sa kaya mo, huwag mo sanang iiwan ang mag-ama." hinawakan ni Tita ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]
FanfictionFOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start: 12/21/2014 End: 10 /21/2015 ~Alyssa