Chapter 40

7.6K 175 8
                                    

Si Beya Byangka ay nagsisimula na. Gondo.

"Mga kapitbahay nangongopya ang kapitbahay niyo. Walang delikadesa!!" -Takong Hahahahha. Utas eh.

Chapter 40

Daniel's Point of View

Lutang ako sa buong araw. Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho, lumilipad ang isip ko sa pag-alis na tinutukoy ni Papa.

Pag-pasok ko sa loob ng bahay ay naamoy ko kagaad ang niluluto ni Kath. Grabe, nakaka-wala ng stress.

"Ang bango ah." puri ko sa niluluto ni Kath. Napatingin naman siya sa akin. Buhat niya din si Jordan.

"Baby oh, nandiyan na si Daddy. Kiss mo siya." ini-abot niya sa akin si Jordan at tuwang-tuwa namang nagpaabot ang anak ko.

"Tamang tama ang dating mo. Malapit nang maluto 'to." sabi niya.

"Anong niluto mo? Ang bango talaga." nae-excite kong tanong.

"Lasagna. Mag-bihis ka muna para hindi ka pag-pawisan sa suot mo." lalo na akong nag-laway dahil doon.

"Mamaya na. Iintayin ko na 'yan." sagot ko.

Umupo kami ni Jordan, tuwang tuwa siya sa pag-ngata 'nung neck tie. Ayy walanjo.

"Anak, gutom ka na din ba? Pati neck tie ko kinakain mo na." hinubad ko ang neck tie ko at inilayo sa kanya.

Pilit niya pa ding inaabot, ang ginawa ko ay hinagis ko palayo 'yun umiyak.

"Daniel John." warning sa akin ni Kath.

"Ngina-ngata niya 'yung neck tie ko eh. 'Yung bigay mo pa." sumbong ko. Ako na naman ang may kasalanan.

Kinuha niya si Jordan sa akin kaya tumahan na.

"Napaka mo talaga. Umakyat ka't mag-bihis. Dali." utos niya. Gusto ko sanang mag-dabog pero lalo akong mapapa-galitan ni Kath.

Binelatan ko si Jordan at nakita kong paiyak na naman kaya tumakbo na ako papaakyat. Ang sarap talagang paiyakin ng batang 'yun.

Nag-palit na ako ng pambahay at pumunta na ulit sa kusina. Sakto lang ang dating ko, nag-hahain na si Kath.

"Tikman mo nga muna. Hindi ako sure kung masarap eh, first time 'yan." nag-aalangan niya sabi.

Agad naman akong lumapit at tinikman. Hmmm.

"Masarap, Babe. Sobra, parang hindi first time." sagot ko. Totoo 'yun, hindi pambobola lang. Medyo lang. Hehehe.

"Sus, haha. Sige kain na." agad naman akong umupo at kumain. Napansin kong nakatitig sa akin ai Jordan. Naka-upo siya sa high chair.

Kumuha ako sa fork at akmang isusubo sa kanya. Nang naka-nganga na siya tapos nilayo ko at ako ang kumain. Inulit ko pa iyon ng tatlong beses. Hahaha. Inis na inis na siya.

Naka-hikbi na at malapit nang umiyak kaya sinubuan ko na. Kawawa naman eh.

Buti na lang at wala si Kathryn kundi nako. Nabatukan na naman ako.

Nang matapos ako ay inilagay ko na sa lababo ang platito at umupo ulit sa tapat ni Jordan. Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa at inilapit ang ulo ko kay Baby.

"Ang pangit niya. Huhuhu. Hindi na love ng Mommy. Ala, huhuhu." nag-aarte ako na naiyak. Humihikbi na naman.

Hindi ko 'to madalas ginagawa kay Jordan lalo na kapag nandyan si Kath. Sisipunin daw kapag umiyak. Alam ko naman, kaso natituwa talaga ako kapag nakikita ko siyang paiyak na. Sobrang cute talaga.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon