Chapter 31
Napayukom ang mga kamay ni Daniel. Matagal na niyang pinapangarap na makasama ang ama pero hindi niya inasahan na sa ganoong sitwasyon niya pa malalaman.
Mabilis siyang lumapit sa magulang at hinila ang ina palayo ng hindi man lamang tinitignan ang ama.
"Daniel, anak. Sandali." pigil ni Rommel sa anak.
Hinarap naman niya ang ama na may matalim na tingin.
"Sana nang nag-kita tayo noon sinabi niyo na. Hindi naman ako galit sa inyo. Kaya niyo ba ako tinanggap agad sa kompanya dahil nalaman niyong anak niyo ako? Kaya ba palagi akong nakakatanggap ng tulong mula sa inyo? Para saan lahat ng iyon? Suhol?!" galit na pahayag ng binata.
Nakapalibot ang kamay ng ina sa bisig ng anak dahil naga-alala siyang baka masaktan niya ang ama.
"Daniel, hindi 'yun suhol." lalapit sana si Rommel ngunit lumayo si Daniel.
"Kakausapin ko na lang ho kayo kapag handa na ako. Sana sa mga oras na 'yun handa na kayong maging ama sa akin." inalalayan niya paalis ang ina.
Daniel's Point of View
Pinagpahinga ko muna si Mama para mawala ang stress niya kahit papano. Parehas kaming shock pa din sa nangyari. Mahihit 20 years ko din siyang hindi nakita. Tapos ngayon.. Tsk.
Bakit pakiramdam ko, tinraydor ako. Pakiramdam ko inuto ako ng sariling tatay ko.
Ama na din ako, alam ko ang pakiramdam ng mawalay sa anak. Alam kong alam din 'yun ng tatay ko. Pero bakit kinaya niya?
*tok* *tok*
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang isang malaking Mickey Mouse Bear. Narinig kong napairit sa tuwa si Jordan habang nakatingin sa bear.
"Padala po para kay Daniel Adison. Pinapasabi din po ng nagpadala na para daw po sa apo niya 'yan." galing kay Pa.. P-papa.
Pinapirma niya ako katuyan na natanggap ko nga ang padala.
Ipinasok ko iyon at itinabi kay Jordan.
"Mimos!! Mimos!!" masayang sigaw ng anak ko. Mimos ang tawag niya sa mickey mouse.
Kung lumaki kaya ako na kasama si Papa, ano kayang relasyon meron kami?
Muntikan na naman akong makapagsabi ng kung ano ano. Pero sa totoo lang gustong-gusto siyang sumbatan. Pero bilang isang ama, masakit ang kagalitan ng anak.
Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay iyon kay Jordan.
Hinintay ko siyang makatulog. Himbing na himbing siya ngayon habang nakayakap sa Mimos niya.
Hinalikan ko ang noo niya saka naman ako lumipat papunta sa tabi ni Kath kung saan siya nakaharap. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Kath, ang gago ko para sabihin iyon sa iyo. Pinagsisisihan ko na. Dahil sa ginawa ko wala akong makausap ngayon. Mahal, kailangan kita ngayon." umubob ako sa kamang hinihigaan niya.
Pinigil ko ang paghikbi at pagpatak ng luha ko. Pero sa ganitong sitwasyon pagdating sa pamilya nanghihina ako.
Gusto kong maging mabuting ama kay Jordan pero papano ko oyon sisimulan kung sa sarili kong ama ay may galit ako?
Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa buhok ko. Napatunghay ako, tumambad sa akin ang nakangiting muka ni Kathryn.
Dali-dali kong pinunsan ang luha ko saka siya inalalayang umupo pero nanatili pa din akong nakaupo sa harap niya.
Napansin kong nakatitig sa akin si Kath kaya napatingin din ako sa kanya.
"Speak." maikling sabi niya.
Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita.
"Una sa lahat, sorry sa sinabi ko-"
"Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Ano ba talagang problema? Saka bakit humihikbi si Tita kanina?" tanong niya.
"Nagpakita na kasi si Papa, at sa kanya nanggaling lahat ng tulong na ito." simula ko.
"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya.
"Masaya din naman ako. Pero isang taon ko na siyang nakakasalubong, nakakausap, nahahawakan at nakikita hindi man lang niya sinabi na anak niya ako. Hindi ko maiwasang magalit dahil ipinagkait niya ang karapatan ko bilang anak niya." napayukom na naman ang kamay ko. "Kath, sana sinabi na lang niya agad."
"Siguro, mas maganda kung makapag usap kayo. Alam kong madami kang tanong at gusto mong masagot. At isang tao lang ang makakasagot lahat." sabi ni Kath.
"Pero hindi pa ako handa." parang ayoko pa.
"Walang pume-pressure sa'yo, Ok? Magpahinga ka na lang muna din, may pasok ka pa bukas." tumayo siya sa kama at pinilit akong humiga.
Ayoko, hindi ako papasok bukas. Not now.
"Hindi muna ako papasok." walang gana kong sabi.
"Ayy, pumasok ka na. Dalawa na kami ni Tita na nagbabantay oh."
"Hindi 'yun Kath. Ayoko lang makita pa si Papa." tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Nasa opisina din?! Sino?" gulat na tanong niya.
"Si Sir. Rommel Adison. Nagulat ka? Mas lalo ako." sabi ko sa kanya.
Napanganga naman siya sa gulat.
"Kaya pala kamuka mo, pero Adison din 'yun diba? So Kasal sila ni Tita? May anak diba si Sir, 'yung may ari ng clothing line kung saan tayo nag-model. Kapatid mo din 'yun?" napakamot ulit ako sa ulo ko.
May ibang pamilya pa nga pala ang ama ko.
Bakit ba ang gulo ng Family Tree ko?!
"Ewan ko. Bahala muna sila sa mga buhay nila. Ayoko muna silang isipin." nagkibit balikat na lang siya.
Siya naman ngayon, hindi pa ako pormal na nakakahingi ng tawad.
"Kath, sorry." sabi ko sa kanya.
Hahawakan ko sana ang kamay niya pero inilayo niya at tinaasan ako ng kilay.
"No. No. No. Hindi pa tayo bati. Baka akala mo hindi masakit ang sinabi mo. Mas masakit pa nga 'yun kesa sa sampal eh!" singhal niya sa akin.
Grabe, ang bilis mag-iba ng mood.
"Alam ko naman 'yun. Tanga ako, gago, sira ulo-" sinupalpal niya ang bibig ko at tinignan ako ng masama.
"Sinabi na ngang 'wag mong sasabihan ng ganyan ang sarili mo dahil hindi naman 'yun nakakatulong. Sa susunod talaga, paduduguin ko na 'yang bibig mo." kinagat ko ang labi paloob.
Amozonang maganda. Nakakainis, mas natutuwa akong asarin siya kapag nagagalit siya ng ganoon.
"Hindi na mauulit." kinuha ko ang dalawang kamay niya at nilapit sa labi ko.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko. Lahat ng sinabi ko kabaligtaran lahat, hindi totoong wala kang kang posisyon sa buhay naming mag-ama. Dahil simula nang minahal mo si Jordan, ikaw na ang nanay niya." nginitian niya ako kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.
"Simula ng tinibok ka nito." nilagay ko ang kanang kamay niya sa dibdib ko. "Sinabi niyang ikaw lang ang dapat kong pakasalan at makasama habang buhay together with our KIDS."
~'~'~'~'~'~'
(/_\) Nakakahiya. Ang corny ng update ko. Wala talaga ang utak ko sa akin. Pasensya na.[ ! ] I can't update this week. Beeeecauseeeee, EXAM. Mga isang buwan akong di magu-update. Joke lang. :P
VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.
❤Alyssaxx
©2015
BINABASA MO ANG
Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]
FanficFOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start: 12/21/2014 End: 10 /21/2015 ~Alyssa