Chapter 26
Kathryn's Point of View
"HAPPY NEW YEAR!!" sigaw ng lahat ng pumatak ang alas dose ng gabi.
Lumipas na naman ang isang taon na puno ng mga alaala masaya at may malungkot din. At ngayon ay panibagong taon na naman. Panibagong buhay.
"Kain na tayo!!" narinig kong sigaw ni Tita Karla mula sa kusina. Nagtakbuhan naman ang mga kabataan sa loob.
"Anak, tara na sa loob." yaya ni Papa.
"Susunod po ako." tumango siya at iniwan na ako.
Lumabas ako at nag-punta sa may balkonahe malapit sa salas.
"Happy New Year, Mommy." narinig kong sabi ni DJ mula sa likod ko. Buhat niya ang kakagising lang na si Jordan.
Lumapit sila sa akin.
Hinalikan ni DJ ang sentido ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Happy New Year." bati niya.
"Happy New Year." bati ko din sa kanya.
"Bakit hindi ka kumain sa loob? Tara, malamig dito." sabi niya.
"Hindi naman ako nagugutom eh. Kayo, kain na doon. Dito muna ako." tanggi ko.
"Tsk. Bagong taon dapat magkakasama tayo. Kaya tara na." hinila niya ako papuntang kusina kaya nagpadala na lang ako.
Narinig ko ang mga tawa ni Mama at Tita Karla. Mukang nag-kakasayahan sila doon. Sino bang hindi? Eh bagong taon na nga.
"Kain na kayo mga anak." yaya ni Papa.
Tumabi ako sa upuan ni DJ at siya din ang nag-lagay ng pagkain ko.
Nang mga nakaraang araw napaka wierd niya. Hindi niya pinapaalagaan si Jordan sa akin kasi gusto niyang siya. Lahat ng trabaho ko siya ang umaako. Kaya wala akong ginagawa kundi panoorin sila.
"Kayong dalawa, aalis na kami bukas dahil pasukan na ulit. Be responsible." sabi ni Tita Karla sa amin.
"Oo naman po, Ma." sagot ni DJ.
"Kath, kami ng Papa mo mamayang hapon na nag uwi." sabi ni Mama. Bakit ang aga naman? Akala ko bukas din sila.
"Po? Bakit po napaaga?" pag-protesta ni DJ.
"Mga anak, masyado nang mahaba ang bakasyon namin. Saka madaming deliveries ngayon." paliwanag ni Papa.
"Ok po. Pero dadaan din po ba kayo kay Kuya bago umuwi?" tanong ko.
"Oo naman." sagot ni Papa. Napatingin si Papa kay DJ. "Daniel, mag-usap tayo mamaya " bahagyang nagulat naman si Daniel. Kinabahan ata.
"O-opo, Tito." medyo kinabahang sagot ni Daniel.
Natapos nang kumain ang lahat kaunting kwentuhan at pinabalik na kami sa pagtulog.
Daniel's Point of View
Ibinaba ko ang kapeng itinimpla ko para kay Tito Ted. Paalis na sila mayamaya lang. Sabi ni Tito ay kakausapin niya daw ako kaya ito.
"Daniel, maiiwan kayong mag-isa dito ng anak ko. Hindi kita hinuhusgahan dahil lang sa maaga kang nagkaanak. Pero inaasahan ko ang buong respeto mo para sa anak ko. Hanggang sa maaari ay huwag muna kayong mag-madali." diretsong sabi ni Tito.
"Oo naman po, Tito. Alam ko pong wala pa akong napapatunayan. At gusto ko pa pong may mas makilala ang isa't isa. Kaya makaka-asa po kayo." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]
FanfictionFOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start: 12/21/2014 End: 10 /21/2015 ~Alyssa