Chapter 48

6.7K 140 11
                                    

Ang pangit ng update ko (/_\) nakakahiya.

Chapter 48

Daniel's Point of View

"Ok ka lang? Natulala ka." sabi sa akin ni Kath.

Napaayos ako ng upo at nginitian siya.

"Wala 'to. Pagod lang siguro." palusot ko.

"Sure? Kung ganoon magpahinga ka na. Magda-drive ka din naman." sabi niya sa akin.

Umiling ako.

"Ok lang. Kaya ko." sabi ko kaya hinayaan niya na lang ako.

Naramdaman kong may tumapik ng balikat ko.

"Samahan mo ako, kukuha pa tayo ng pulutan." sabi ni Kuya Diegs kaya sumunod na lang ako.

Pagkadating namin sa kusina hinarap niya ako at hinalikan. Joke. ✌ Sorry may tama lang ng konti.

Hinarap niya ako ng naka krus ang kamay sa may dibdib.

"Usapang lalaki. Alam kong may problema ka, spill it." diretsong sabi niya.

Umupo ako sa may counter.

"Wala pa akong napagsasabihan nito Kuya. Kailangan kong umalis papuntang Italya. Nagka-problema ang branch namin doon. Walang ibang pwedeng gumawa kung hindi ako lang. Ayos lang sana Kuya kung buwan lang bibilangin ko pero taon." malungkot na kwento ko.

"Kailan ba ang alis mo?"

"Bago daw mag-23 ngayong Marso."

Tinapik niya ang balikat ko.

"Sinabi mo na ba kay bunso?" napatungo ako saka umiling.

"Aba! Ay kailan mo pa sasabihin?" napatingin kami sa nag-salita. Si Tito Ted. "Nasabi na sa akin ni Rommel ang tungkol diyan. Sabihin mo na kaagad kay Kathryn dahil kapag tumagal pa 'yan. Ewan ko lang kung hindi mag-tampo 'yun." tuloy pa niya.

"Sasabihin ko naman po. Kapag naka-uwi na po kami para mas makapag usap kami." sagot ko.

Narinig kong napa-'tsk' si Kuya Diego kaya napa tingin ako sa kanya.

"Kakasimula pa nga lang ng relasyon niyo, aalis ka na kaagad. Basta ito lang. 'Wag na 'wag kang mag-tatangkang gumawa ng kabalastugan sa ibang bansa dahil talagang itatago ko sa'yo si Kathryn. Malungkot sa malayo kaya 'wag kang magpapadala sa tukso sa paligid." sabi sa akin ni Kuya.

"Sus! Nagsalita ang hindi nag-padala sa tukso." pambabara ni Tito kaya natawa na lang din kami.

Ipinapanalangin kong 'wag ngang mangyari 'yun. Sana lang talaga.

"Kaya mo bang makipag-relasyon kay Kathryn habang nasa malayo ka?" bigla akong napa-titig sa sinabi ni Tito.

Umiling ako.

"Hindi ko po kayang malayo sa pamilya ko, Tito. Pero kakayanin po."

Kakayanin ko kasi future namin ang nakasalalay dito. Kailangan kong mag-trabaho para kay Jordan. Gagawin ko 'to para sa kanila.

-
Kinabukasan ay hapon na kami umalis. Pasimple na din aking nag-paalam kay Tita Min at sa Lola Susan dahil malalayo ako ng matagal. Mabuti na lamang at naintindihan nila.

Idinaan ko na lang sina Mama sa terminal papunta ng Quezon. Gustohin ko mang maka-punta doon para makapag-paalam pero masyado na akong busy para sa paghahandang gagawin ko. Pero susubukan ko pa ding lumuwas.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon