Chapter 39

6.9K 146 2
                                    

Chapter 39

Kathryn's Point of View

"Kath, aalis na ako. Ok ka na ba dito? Wala ka nang ipapagawa?" tanong ni Nanay Mel.

Gabi na kasi, kaya kailangan na niyang umuwi. Ang laking abala para sa kanya na nandito siya sa bahay para tulungan ako. Halos hindi na nga kami masyadong makapag-usap dahil si Daniel ayaw akong umalis sa tabi niya, ang hirap pang pakainin.

"Nay, ok na. Sobra-sobra na nga po ang abala namin sa inyo eh." nahihiya kong sagot.

Napailing naman siya at natawa.

"Ano ka ba? Wala naman iyon sa akin. Hindi naman mahirap alagaan si Jordan. Nag-enjoy din naman ako. Na-miss ko ang apo ko." pahayag pa niya.

Siya ang nag-aalaga kay Baby tapos ako doon sa isang baby. Ang kulit eh, pahirapan pang mapainom ng gamot. Mas mahirap pa kay Jordan.

"Oo nga po eh, mas madali pang alagaan si Jordan kesa doon sa ama." reklamo ko.

"Hahaha. Hayaan mo naaaa, nag-lalambing lang 'yun sa iyo." sabi ni Nanay. Biglang may bumusina sa labas. "Nandiyan na ang sundo ko, mag-iingat kayo." lumabas kami ng bahay at hinatid siya.

"Opo, salamat po ulit Nanay. Bibisita po ulit kayo." sabi ko. Nag-mano ako sa kanya bago siya sumakay ng sasakyan.

Matapos kong i-lock ang gate ay pumasok na sa bahay. Papakainin at paiinomin ko pa ng gamot si DJ.
Nadatnan kong gising siya at naka-upo sa kama niya, kaharap ang laptop niya.

"Gusto mo nang kumain? Ipaghahanda kita." tanong ko sa kanya habang inaayos ang kumot ni Jordan. Buti na nga lang at nakatulog ng maaga kung hindi ay baka napaka-hyper pa din hanggang ngayon.

"Maya ng konti, tatapusin ko lang 'to. Kailangan ko na talagang pumasok bukas." sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at kinapa ang leeg niya kung mainit pa.

"Wala ka ng lagnat. Ituloy mo na lang ang pag-inom ng gamot para hindi ka na lagnatin." sabi ko sa kanya.

Bumaba ako para kunan siya ng pag-kain at gamot. Sa kwarto ko muna siguro si Jordan matulog para makapag-pahinga ng ayos si Daniel.

Nilagay ko sa tray lahat ng dadalhin kay Daniel.

Kailangan niya talagang bumalik sa trabaho dahil halos limang araw na din siyang hindi nakikita sa opisina eh.

"J, kain ka muna bago mo ituloy 'yan." sabi ko habang inaayos sa table niya ang pagkain.

Hindi na naman siya nakipag-matigasan sa akin. Tumayo siya at umupo para kumain.

"Kumain ka na?" tanong ni DJ.

"Tapos na ako." sagot ko.

Kumuha ako ng towel sa drawer niya at ipinunas sa likod niya. Basa na nga ng pawis.

"Lalaksan ko ang aircon, pawisan ka na eh. Pero mabuti at pinagpapawisan ka na. Lalaksan ko ba?" sabi ko.

"Opo, please."

Nilaksan ko ang aircon, pagkatapos ay nilinis ko na din ang mga ilang gamit niya. Hindi naman talaga burara si Daniel eh, minsan lang talaga hindi niya nao-organize ng ayos.

Hinintay ko lang na matapos siyang kumain. Niligpit ko lang at naghanda na din sa pag-tulog.

"Daniel, sa akin muna matutulog si Jordan para mapagpahinga ka ng ayos." sabi ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Ha? Dito ka na lang matulog." sabi niya. Umiling ako.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon