Chapter 42

7.2K 159 1
                                    

Chapter 42

Daniel's Point of View

Tahimik kaming naka-upo ni Kathryn sa harap ng mga magulang namin. Ilang araw na ang nakakaraan simula noong naging kami.

Sina Tito Ted at Tita Min lumuwas pa, si Papa nagpa-cancel ng meeting pati si Mama iniwan pansamantala ang mga kapatid ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Kath. Kinakabahan eh, bigla lang kasi talaga ang pagdating nila. Wala man lang pasabi kaya kahit ako nagulat din.

"Bakit po kayo napasugod? May problema po ba?" tanong ko. Pinilit kong itago ang kaba.

"Naparito lamang naman kami dahil nabalitaan namin na kayo na daw. Gusto lamang namin na maka-usap kayong dalawa." sagot ni Tito Ted.

Nagkatinginan kami ni Kath. Pinisil ko ang kamay niya para sabihing ok lang ang lahat.

"Sige po, Papa." sagot ni Kath.

"Hindi naman kami hadlang sa pag-iibigan ninyong dalawa. Ang amin lang, dapat may limitasyon. Naiintindihan niyo ba ako?" tumango kami ni Kath kay Mama. "Sinasabi namin 'to kasi nasa iisang bahay kayo." tuloy pa niya.

"Isa pa, walang ibang nag-gagabay sa inyo dito. Sinasabi din namin ito hindi dahil wala kaming tiwala sa inyo, bilang paalala lang naman." sabi ni Tita Min.

"'Wag po kayong mag-alala, hindi ko na po ulit uulitin ang pagkakamaling ginawa ko. Hindi po ako gagawa ng ikawawala ng tiwala niyo sa akin, sa amin po." sagot ko.

"Sana lang talaga anak ha." sabi ni Tita Min.

Matapos ang usapan ay inaya ako nila Papa at Tito Ted na mag-inuman. Napa-tingin ako kay Kath, nagagalit kasi talaga kapag umiinom ako.

Nasa kusina kami ni Kath, tinutulungan ko siyang kumuha ng pulutan namin. Lumapit ako sa kanya para sana magtanong kung pwede. Kaso hindi ko pa naibubuka ang bibig ko ay nagsalita na kaagad siya.

"Pwede kang uminom. Mag-enjoy ka kasama nila Papa."

"Sure ka?" tanong ko.

"Oo nga! Minsan lang naman 'to eh. Kuhanin mo na yelo sa ref tapos dahil mo na doon. Isusunod na lang ang pulutan niyo." sabi niya.

Sinunod ko na ang sinabi niya, inilagay ko sa isang lalagyan at dinala sa labas. Naabutan ko pa ngang masayang nagku-kwentuhan sina Papa at Tito eh.

Mayamaya ay dinala na ni Kath ang pulutan namin, sisig. Ipinagluluto niya ako nito minsan eh.

"Pa, 'wag magpapaka lasing. Masama 'yan sa'yo." paalala ni Kath sa ama.

"Oo naman, 'nak. Konti lang." sagot ni Tito.

"Saka ija, hindi naman masyadong nakakalasing 'yung alak na binili ko." sagot ni Papa.

"Sige po, tawag na lang po kayo kapag may kailangan kayo." sabi ni Kath at umalis na.

Nag-simula na kaming uminom nang makaalis na si Kath.

"Maalaga 'yang si Kath ano?" tanong ni Papa.

"Sadya, bata pala lang naman ganyan na siya. Kapag nga nakikita niya akong nag-iinom sa kapitbahay lagi niya akong sinisita." kwento ni Tito. "Saka ano. Masipag na bata talaga 'yang si Kath, hilig din ang mag-luto. Kaya nga dati imbis na si Min ang nagluluto siya na. Nami-miss ko na nga ang mga luto niyan eh." tuloy pa niya.

"Tama po kayo Tito. Kahit busy siya kay Jordan hindi po niya nakakaligtaan ang pagluluto. Kahit po sa mga gawaing bahay sobrang sipag po. Pwede na nga pong mag-asawa eh." biro ko.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon