CHAPTER TWENTY

79 9 91
                                    

CELEBRATION

CHERRY POV

"Surprise!"sabay sabay naming sigaw nang makapasok sina Charm sa Classroom kasabay nun ang pag putok ng confetti.

"Anong itsura yan?"sumenyas naman na kay Danny ang dalawang bakla na manahimik kaya naman lalo kaming nag taka.

"Anong nangyari?"walang ano anoy tanong ko.

Pumasok ba naman kasi sila na naka simangot at bagsak ang balikat.Lumipas ang ilang sigundo wala parin kaming sagot na nakukuha sa kanila at nanatiling tahimik sila.

'Kinakabahan na ako sa ganitong awrahan!'

Pabagsak na naupo si Charm sa upuan niya na siyang pinag taka ko.

"C-Charm anong nangyari?"nag aalangang tanong ko dito pero pilit na ngiti lang ang ibinigay nito sakin.


"Iba na nararamdaman ko sa ikinikilos ninyong dalawa"
sabi ni Harry na nag papalit palit ang tingin kay Keil at Charm.

"We didn't get the Championship"napatingin kaming lahat kay Keil dahil doon seryoso ito at nag iwas nalang ng tingin.

"A-Ano?!"halos gulat na tanong ng karamihan liban kay Rubie at Skyler na English ang alam.

"Teka..Seryoso ka dyan?"paninigurado ni Danny dito.

"Oo nga halos pag Miss Universe na nga ang sagot ninyo ni Charm papaanong--"hindi na ituloy ni Harry ang sasabihin nito ng mag salita si Charm.

"First Runner up lang ang nakuha namin..But, its still an achievement, right?"walang sumagot sa kanya kaya naman nag pilit ito ng ngiti."Oh C'mon guys its okay"

"Pero Charm expected kasi namin--"

"Danny?sabi nga nila expect the unexpected"Sabi nito at tumayo sa kina uupuan niya at partida naka heels payan.

'Ahh.. Di pala sanay ha!'

"Tara?!"

"Saan?"tanong ko dito.

"Its still a celebration right?...Tara sa kahit saan ninyo gusto my treat"nakangiting aniya.

"Yun oh!"buwelta ni Danny."Tara sa Hotel--Aray naman Harry!Nakaka ilan ka na ha!"

"At madadagdagan yan pag di mo pag itinigil ang kalokohan mo"

"Ang sakit nun ha"halos pabulong na sabi ni Danny habang hinihimas himas ang batok niya.

'Kolokoy!'

"Bar!"

"Bar mo muka mo"agad na sabi ko kaya ngumuso ang loko.

"Nag sa-suggest lang naman eh.. Bakit ba ang Kill Joy nyo?"

"Well actually Bar is a good idea"napalingon kami ng sabihin yun ni Charm.

"Ha?Seryoso ka dyan Charm?"tanong ko dito at tumango naman siya kaya umarko nanaman ang ngiti sa muka ni Danny.

Nag pauna na si Danny lumabas at hatak hatak pa si Rubie at Sky.

"Bilisan ninyo naman mag lakad!Para kayong nag lalakad sa buwan!"pag mamaktol nito.

Napailing nalang ako sa kakulitan niya.

'Itong mokong na ito parang hindi na uubusan ng enegy!High na high!'

Nang makarating kami sa school parking lot ay napasapo ako sa noo ko ngayon ko lang naalala na wala pala akong dalang kotse.

"Seryoso ka dyan Charm?Mag ba-bike ka talaga?"

Agad akong napalingon dahil doon at tama nga si Danny may hawak hawak na bike ito.

"Kung isasabay mo ako sa kotse mo bakit hindi diba?"sabi nito at inaayos ang hike niya saka siya sumakay doon.

"Pwede nam--"

"Tayo!"agad na nag salubong ang kilay ko dahil doon.

Papaano si Keil biglang pinapatayo si Charm sa pag kakaupo sa bike niya.Maging si Danny at Charm nag tataka kung bakit.

"I said Stand--"

"I heard you"pag putol ni Charm sa sasabihin ni Keil na dahilan kung bakit napabuntong hininga si Keil."Ayoko!mas gusto kong mag bike kaysa sumakay sa kotse mo no!"

"Wag ka nang makulit!"

'Ayaw pa?Parang hindi mo naman hinabol si Keil nung nakaraan to intend help'

"Hoy!Hoy!Ano ito?Bakit para kayong mag kasintahan na nag aaway kung sino ang masusunod?"sabi ni Anthony kaya naman tumigil ang dalawa sa pag babangayan.

"Oo nga..Ano ito ha?"dagdag ni Andy sa kanila."Inom na inom na ako ha"

"Ewan ko sa inyo ang issue ninyo"inirapan lang ito ni Charm at umaktong mag pi-pedal na ng bike niya nang mabilis na na pigilan ito ni Keil.

"Tatayo ka dyan oh ako pa mag bubuhat sayo?"kitang kita ko kung papaano napapikit si Charm doon at umalis sa bike niya.

'Susunod din naman pala nang mamatigas pa!'

Mabilis na binuhat ni Kiel ang bike ni Charm at itinali sa likod ng kotse niya kung papaano niyang nabuhat yung bike na pag kabigat bigat ay hindi ko alam kung papaano sa liit ng katawan niya.

"Sabay ka na sakin"napatingin ako sa tabi ko at naroon si Harry na deretso lang ang tingin.

"Ah..Hindi na mag ko-communte nalang ako"pag tanggi ko.

"Gagastos ka pa"

"Ayos lang Harry kaya ko nama--"

"Sige na I insist"

"Teh?!Wag nang choosyyy!!bilisan nyo nang maka gora na tayo"sigaw pa ni Andy kaya naman napabunting hininga nalang ako at tumango kay Harry.

"Lets go"

Sumunod ako dito bubuksan ko na sana yung backseat pero naka lock yun kaya naman bubuksan ko sana yung pinto sa front seat ngunit may kamay na nauna na sa aking mag bukas nun and its Harry.

Nang maka pasok ako at maka upo sa shotgun seat ay agad kong hinanap ang seat belt nang makuta ko iyon ay agad kong kinuha yun para sana ikabit ngunit naunahan nanaman ako ni Harry na nakaupo na pala sa driver seat.

Hindi ko alam pero nailang ako ng mag tama ang paningin namin lalo pa nung ngumiti siya sakin at bumaling sa manebela.

'Putek?!Ano yun?!'

Nakakabinging katahimikanan ang namayani sa boung byahe wala akong ibang ginawa kundi ang pag laruan ang buhok ko habang nakatinging sa labas ng bintana.

Mamaya maya pa ay huminto ang sasakyan kaya naman napalingon ako kay Harry na pa baba na ng kotse niya.I was supposed to asked him a question pero tuluyan na siyang naka baba.Bubukasan ko na sana ang pinto para bumaba sa kotse niya nang maunahan niya nanaman ako.

Nang tuluyan akong makababa ay humarap ako sa kanya na siya namang sinisigurado na naka sarado ang kotse niya.

'Oh edi ikaw na boyscout!'
"Where are we?" wala sa sariling tanong ko dito bahagya naman ksiyang natawa.

"Nauntog ka ba?"agad akong pinakunutan ng noo sa taning niyang iyon hindi ko alam kung nang aasar siya or what."Nandito tayo sa Bar na pag aari nina Keil"

"Ha?"

"Diba sabi ni Charm pupunta tayo sa Bar para ma--"

"Alam ko pero hindi yun ang gusto kong ulitin mo"nag salubong naman ang kilay niya dahil doon."Kaninong Bar ulit ito?"

"Kanila Keil"deretsong saad nito.

Literal na napanganga ako sa gulat dahil sa sinabi niya.

"You looked surprised"dahil doon nabalik ako sa wisyo."Lets go"aniya at bigla akong hinila papasok sa loob.

Napakaingay at talagang maraming nag sasayaw sa gitna ng dance floor may mga nag haharutan at tahmik na umiinom din.

"Thank you"naibaling ko lang kay Harry ang atensyon ko nang mag pasalamat siya sa isa sa bartender.

Hinayaan ko nalang siya hilahin ako kung saan dahil tiyak ko naman mag tutungo siya sa kinaroroonan nina Charm.

Hindi kalaunan ay huminto siya sa isang pinto.Taka ko siyang tinignan dahil nag pipindot ito sa kung saan na tila ba password ng naturang pinto.

'Bakit ba ang daming kemerut dito'

Pag bukas na pag bukas boses agad ni walang hiyang Danny ang umalingawngaw.

OPERATION :MEND MY  BROKEN HEART(On-going)Where stories live. Discover now