CHAPTER TWENTY FOUR

64 9 66
                                    

Confrontation

CHARM POV

Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng inis at sunugod ko si Bruce kasabay nun nang mapalingon siya ay sinampal ko siya.

Ilang beses ko siyang pinag hahampas pinipigilan lang naman niya ako.

"Charm ano ba!"inis na sabi niya sakin."Ano bang problema mo?!"inis kong inalis ang kamay ko sa kamay niya na pinipigilan niya lang kanina dahil pinag hahampas ko siya.

"Ikaw!"nagulat siya dahil doon."Ikaw ang problema ko!"

Halos mag habol ako ng hininga habang galit na naka tingin sa kanya.

"Hindi na kita maintindihan eh!Parang hindi na ikaw yung kaibigan na nakilala ko!"

"Hanggang doon nalang ba talaga ako para sayo ha Charm?!"pabalik na sigaw niya sakin na siyang ikinagulat ko.

"B-Bruce"

"Alam mo ba kung bakit ako umiiwas at lumalayo sayo?"doon muling nag init ang dugo ko na dahilan para mas uminit ang ulo.

"So lumabas din..Nilalayuan mo nga ako"pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko.Bago palang ako muling nag salita."Bakit Bruce?Bakit?"

"You really dont get it do you?"

'Tanga lang?Paulit ulit?'

Hindi ako sumagot at nanatiling naka tingin dito.

"Papaano mo nga naman malaman eh parati siya ang kasama mo"agad na nag salubong ang kilay ko dahil doon."Kahit hindi mo nga alam na--"

"Si Keil ba?"napahinto ito nang sabihin ko iyon."Si Keil ba ang dahilan?"hindi siya sumangot at nag iwas ng tingin."Bruce Aminin mo nga!Nag seselos ka ba kay Keil?"

"Oo!"iyon ang nag pahinto sakin sa punto na yun.'Bakit?Anong ikinaseselos niya?'."Nag seselos ako sa kanya kahit alam kong wala akong karapatan Charm"hindi ko alam kung papaano ko ida-digest ang mga nalalaman ko ngayon.Parang hindi ito mag process sa utak ko.

"Bruce hindi ko maintindihan..Anong ikinaseselos mo mag kaibi--"

"Mag kaibigan lang pala yung bigyan ka ng rosas ng wala namang okasyon"

"Papaano mo--"

"Hindi ba tama ako?"hindi ako naka sagot."Ngayon mo sabihin na kaibigan lang ang turing niya sayo"hindi parin mawala ang pag kaka kunot ng noo ko."He will never give a woman a rose not unless he has a feeling for this woman"

"So iniisip mo na may gusto sakin si Keil?Eh hindi nga nangliligaw yung--"

"Yun ang tingin mo dahil hindi mo alam ang pina-plano niya"

"Pina-Plano?"he suddenly stopped because of that."Bruce anong pinaplano?"

"Hindi mo alam?Kataka taka na walang nakarating sayo gayong alam nila Harry,Danny at Sky iyon"nag sisimula na akong mag taka dahil sa mga naririning ko."Hindi mo gugustuhing malaman sakin ang totoo Charm"

"Kahit ano pa yan tatanggapin ko..Sabihin mo sakin Bruce"umiling ito at saka nag simulang lumapit sakin."Bruce kahit sabihin mo nalang sakin kung ano ang nang yayari sayo at kung bakit mo ako iniiwasan--"

"Dahil ayokong masaktan ka"nagulat ako dahil doon ngunit akala ko doon nalang iyon ng bigla ako nitong yakapin na siyang mas ikinagulat ko."Charm hindi lang kaibigan ang turing ko sayo..Lumalayo ako sayo dahil ayokong masaktan ka kung patuloy akong lalapit at lalapit sayo"wala sa sarili akong napayakap pabalik dito."Kaya sana maunawaan mo ako"

OPERATION :MEND MY  BROKEN HEART(On-going)Where stories live. Discover now