CHAPTER SIXTY FOUR

26 4 27
                                    

MUSIC BOX

HARRY P.O.V

Nasa parking lot kami ngayon at hinihintay sina Bruce at Helarie,at oo pakana ko ang lahat nang ito.Mabuti na nga lang at sumang-ayon sina Danny,and the rest lalong-lalo na si Cherry.

Mabuti nalang at nagawang pasunurin ni Cherry si Helarie,dahil kung hindi sira ang plano.Charm and Keil is still not in a good term syempre hahayaan ba naman namin na pati sina Bruce at Helarie ay mag-aaway pa,Syempre hindi.

'Hopefully gumana ang plano ko'

Wala sa sariling napabuntong hininga nalang ako dahil doon,naibaling ko ang atensyon ko kay Cherry na abala sa pag-tingin sa cellphone niya marahil ay tinitignan niya ang oras.

"Sa tingin ninyo gumana kaya?" Tanong ni Danny kaya naman nilingon namin siya.

"Hindi ko din alam pero sana,sana lang talaga gumana"sabi naman ni baklang Andy na may pag sign of the Cross pa.

'Oa much'

"Pero in my side opinion lang ha"biglang sabi ni Cherry na deretso lang ang tingin."Me?Knowing Helarie?Mas matigas pa ang puso nun kay Charm"sabi niya kaya naman nag katinginan kami nila Sky,Rubie and the rest."Kaya sa tingin ko mukang malabo"bahagya ko siyang siniko dahilan para mapatingin siya sakin."What?!"

"Ano teh?Talaga ba ha?Pwede ba?!"parang inis na sabi ni Anthony dito."Hay nako ha,pwede?Tigil-tigilan ang pagiging nega?Nakaka sira nang vibes"

"Oo nga naman beh"si Andy.

"I certainly agree with Anthony,sorry Cherry"pag sang ayon naman ni Rubie kay Anthony na siyang tinanguan lang naman ni Cherry.

'Napaka maunawain talaga,kaya sayo ako eh'

"Me too"sabi rin ni Sky."Wag ka muna magsalita nang tapos ano namang malay natin kung anong tunay na naganap diba?Not unless sila mismo ang mag sabi Right?"Sabay-sabay naman kaming napatango dahil doon.

'Well Actually he has a point naman'

"Bakit hindi nalang natin sila tanungin mismo?Hayan na pala sila eh"sabay-sabay kaming napalingon kay Danny dahil doon nang maibaling namin ang atensyon namin sa tinitignan niya ay tama nga siya.

Nangunguna pang mag lakad si Helarie na mag kasalubong ang kilay habang naka halukipkip at nasa likuran naman niya ay si Bruce na naka pamulsa at nakayuko.

'Mukang tama si Cherry ah'

Huminto silang dalawa sa harapan namin mag ka-krus parin ang mga braso ni Helarie at talagang walang gustong mag salita sa kanilang dalawa.Napatingin naman ako kay Bruce na walang kahit ano mang ka rea-reaksyon.

OPERATION :MEND MY  BROKEN HEART(On-going)Where stories live. Discover now