CHAPTER NINE

80 11 140
                                    

MISSING HER

EZEKIEL POV

Ilang araw nang tahimik ang mundo ko at walang kaaaway although nag babangayan kami nitong kaibigan niya parati pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko siya trip na pag tripan.

Nakakatamad pumasok pero mas nakakatamad kung tatambay ka lang sa bahay at guguluhin ka lang ng kapatid mong walang magawa sa buhay kundi ang mang bulabog.

Kaya ito at nag lalakad na ako papasok sa school ayokong mag dala ng kotse dahil trip kong mag lakad.

Hindi pa man ako nakakapasok sa classroom ay bunganga agad ng kaibigan ni Charm ang nadidinig ko daig pa palengkera sa ginagawa niya.

'Ang aga agang tumatalak'

Inis akong naupo sa upuan ako na talagang sumpa sa akin dahil sa tuwing mauupo ako ay naalala ko kung papaanong bumalik sakin ang karma at ako ang napaupo sa upuang puno ng bubble gum.

'Karma ko na siguro yun'

Matiwasay na sana akong mauupo ngunit hindi pa man ako nakaka upo ay may narinig na akong bulungan na siya talagang nag painit sa ulo ko.

"Ang balita ko binisita ni Bruce si Charm"

"Talaga?"

"Oo"

"Eh ano namang masama doon diba?"

"Wala naman, pero kasi ramdam ko na may iba pang dahilan kung bakit napadalaw si Bruce kay Charm"

Wala sa sariling naiyukom ko ang mga kamao ko dahil doon sa di ko malamang dahilan.

'Talagang kina-career niya ang nararamdaman niya para sa babaeng yun!'

"I bet he has a crush on Charm"

"Hoy!Baka hindi naman"

"At talagang hindi pwede"

"Bakit?Nag seselos ka?As if naman may magagawa ka Monique"

"Hoy!"

"Bukod sa hindi talaga pwede talagang hindi iyon ikakatuwa ni Keil isa pa mortal enemy niya ang usapan at ang kaibigan niya.. Kahit ako hindi ko hahayaan yun"

"Isa ka pa as if naman may magagawa ka.. Pero come to think of it lang if ever"

"What?"

"Aminin man natin o hindi nakakainis man but they look good together"

Walang ano ano ay padabog kong inilagay ang bag ko sa mesa ko daholan para mahinto sila at mapatingin sakin na agad din naman nilang iniwas.

Agad akong lumabas para hanapin si Bruce,hindi naman ako nabigo.I found him standing and staring at the 'Confession Wall'.

"BRUCE!"marahan itong lumingon pero ang hindi niya inaasahan ay kamao ko ang sasalubong sa muka niya na siyang ikinagulat niya.

"What the hell was wrong with you?!" galit na tanong niya matapos maka rekober sa iginawad kong suntok."And what was that for?! "

"Talagang kinakalaban mo ako ano?!"

"Anong--"

"Binalaan na kita..Oras na maging sagabal ka sa mga plano ko ko ay madadamay ka..Pero matigas ang bungo mo at wala kang takot!" salubong ang kilay nitong nakatingin sakin pero batid kong nagugulihan siya.

OPERATION :MEND MY  BROKEN HEART(On-going)Where stories live. Discover now