CHAPTER SEVENTY SIX

15 1 0
                                    

MEDICINE

DANNY'S P.O.V

Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa angking kagandahan ni Charm. Oo nakikita ko siya sa school nang walang make-up, madalas polbo lang at lip gloss ang gamit niya pero iba yata itong Charm na kasayaw ko.

Hindi naman ganun ka kapal ang make-up niya in fact simple nga lang ang make-up niya pero doon ko nakita na mas na highlight ang kagandahan niya. Kahit naman walang make-up si Charm ay maganda na siya, hindi lang siguro ako sanay na nakikita siya super na naka ayos nang ganito.

'At ngayong gabi siya ang pinaka maganda sa lahat nang naririto'

Hindi na nakakapag taka kung bakit marami ang nag kakagusto sa kanya. Kung si Bruce nga nag kagusto sa kanya hindi malabo na pati si Keil ay mag kagusto sa kanya. Ayan ang napapala nang mga nag de-deny-deny pa pero yung totoo nagiging delusional lang sila sa nararamdaman nila sa madaling sabi ay na to-torpe.

Naiintindihan ko naman sila,syempre lalaki din naman ako kaya alam ko ang pakiramdam nang ganun. Kung kay Snow nga lang ay nato-torpe akong umamin paano pa kaya sila. Syempre ang daming pumapasok sa isip namin na tanong na kailangan nang kasagutan.

'Kapag umamin ba ako may tyansa ba ako sa kanya? Gusto rin kaya niya ako?'

Mga tanong na siya ring nag bibigay samin nang takot na malaman ang nararamdaman nila sa amin kaya maging ang simpleng pag tatanong tila ba nagiging mahirap na din para sa amin.

"Are you having fun?" tanong niya sakin nakangiti naman akong tumango dito. "Halata nga" Sabi niya habang nakanigit din naman. "Eh hindi na maalis yang ngiti mo eh"

"Syempre naman" Masaya ko pang sabi dito nakangiti parin anamn ito sakin. "Isa pa dahil na din dumating ka kaya masaya talaga ako,lahat kami" Sabi ko dito na siya namang tinanugan niya. "Akala kasi namin hindi ka makakarating"

"Hindi naman talaga dapat ako pupunta" bigla nalang lumakas ang music pero ganun pa man slow music lang iyon.

"Ha?" Tanong ko dito.

She leaned over my ears and whispered. "Wala" Tumango nalang ako dito.

Bago siya umalis ay bumulong din ako sa kanya. "How about you?Are you Having fun?" Tanong ko dito bahagya pa niyang inilibot ang tingin niya sa kabuuan nang event saka muling tumingin sakin at tumango. "Weh?" Sabi ko pa kaya naman natawa siya sakto namang ramdam ko na humina na ang music kaya mag kakarinigan na kami kahit na papaano.

"Ano ka ba? Syempre oo naman" Sabi pa nito pero hindi ako kumbinsido. "Bakit?" taka niya pang tanong sa akin.

"Yung totoo?" Paninigurado ka pa.

"Bakit!May rason ba para hindi?"Tanong naman niya sakin kaya naman bahagya akong napangiti nang makita ko si Keil na nakatingin lang sa gawi namin.

"Ewan ko mayroon nga ba?" Pag babalik ako anng tanong sa kanya kaya naman awtomatikong nag salubong ang kilay niya sakin. Kaagad naman nawala ang ngiti niya at nag iwas nang tingin kaya naman napangisi ako. "Ano ka ba  binibiro lang kita"

"Kahit kailan talaga di ko bet mga joke mo" Sabi niya. Sabay pa kaming natawa dahil doon.

Panandalian kaming huminto sa pag sasayaw dahil may kinuha ako mula sa likod nang bulsa ng pantalon ko. Ibinigay ko sa kanya iyon na siya namang ipinag taka niya.

"What is this for?" tanong niya pa sakin.

"Ano ipinabibigay kasi sayo ni Keil" Sabi ko kaya naman nag taka siya at bahagyang tumingin sa gawi nila Keil na siyang tinanguan ko naman. "Sabi niya kasi iniiwasan mo siya  kaya naman naki-usap siya sakin na ako nalang daw mag bigay sa iyo" paliwanag ko kaya naman muli niya akong tignan at ngumitin nalang. "Hindi mo ba muna titignan?" Muli pang tanong ko dito.

OPERATION :MEND MY  BROKEN HEART(On-going)Where stories live. Discover now