CHAPTER THIRTY TWO

50 4 64
                                    

REGRET

EZEKEIL POV

Hindi ko maipaliwanag ang inis na aking nadarama nang makitang muling nag-uusap sina Charm at Bruce.

At ang masaklap pa niyan at tila nagka-ayos na sila.Samantalang sina Harry at Danny ay nag papakahirap sa panunuyo para lang makipag ayos sa kanya.

'How come na naatim niyang makipag-usap sa taong alam niyang maari niya ding ikapahamak gayong alam na niya na pinsan ni Bruce ang tarantadong Ex-Boyfriend niya'

Inis kong naiyukom ang kamay ko habang pinag mamasdan ang siya.

Gusto kong mag demand,magalit at komprontahin siya.Ngunit alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan upang gawin at maramdaman ang mga iyon.

Gayumpaman ay nanatili iyong walang reaksyon kagaya na lamang noong kauna-unahan ko siyang nakita.

Mayroon parte sakin ang nalumbay nang makita ang natural na pila niyang mga labi na kung ngumiti at tila makakalimutan mo ang lahat nang problema mo.

At ang masasakit na bagay at pang yayari ay mawawala kapag nginitian ka niya.

Na siyang hindi ko na muli pang makikita lalo pa sa oras na maikasal ako.

Napayuko nalang ako nang dahil doon.Pinilit kong alisin ang mga bagay na  nag papahiram sa kaing damdamin upang bumalik sa realidad at maiwasan ang sakit na nadarama ko.

Ngunit tila may sarili itong pag iisip at ayaw akong lisanin.

Nais kong maging malaya ngunit tila ayaw maki-ayon sakin nang tadhana at ipinag-kakait sakin iyon.

'Ito na ba ang karma ko?'

Para akong isang ibon na nakakilong at hindi malayang gawin ang gusto niyang gawin gaya nalang ang malayang pag lipad.

Napabuntong hininga nalang ako dahil doon.Muli akong napalingon sa gawi nila Charm na abala sa pakikinig sa  guro.

Hindi ko inaasahang mag tatama ang paningin ko kay Rubie na siyang nakatingin na pala sa akin.

May ilang segundo din siyang nag papalit-palit nang tingin sa akin at kay Charm na abala sa pakikinig sa guro.

Boung akala ko ay tatawagin ni Rubie si Charm sa halip ay bumulong ito nang walang ano mang tunog o ingay na ginagawa.So I have to read her lips movements carefully.

"You?Can?Do?It?"bulong ko at tumango naman siya mabuti na lamang ay abala ang guro pag susulat sa white board.'You can do it?'salubong ang kilay kk na muling tumingin sa kanya."I?Know?You?Can?"muli siyang tumango at ngumiti.Para naman kaming nag lalaro nito nang charades."Pa?Ting?Ha?Anong Pating?"inosenteng tanong ko sa kanya napa face palm naman siya dahilan para mapatingin sa kanya si Charm.

Agad siyang nag patay malisya gayon din ang ginawa ko upang hindi mahuli na nang uusap kaming dalawa dahil tiyak ko ayaw din ni Charm na masaktan ang kaibigan niya.

Hindi na ako mag tataka kung po-protektahan niya ang mga ito sa akin.

Muli kong inalala ang sinabi niyang huli.

"Pating?Anong kinalaman—Fighting yun Keil hindi pating"kausap ko sa sarili ko at muling bumaling sa guro.

'Akala ko pating..Fighting pala yun'

OPERATION :MEND MY  BROKEN HEART(On-going)Where stories live. Discover now