CHAPTER 29: Emotional Mommy

87 4 0
                                    

Chapter 29: Emotional Mommy

Red's POV

"Okay lang ba tong suot ko? Di ba panget? Saka anong regalo ba bibilhin ko? Kinakabahan ako Red." hindi mapakaling sabi ni Kyle.

"Alam mo boyfriend, gwapo ka. Sobrang gwapo mo. Saka ano ka ba wag kang kabahan. Mabait si mommy." nakangiting sabi ko sa kanya.

Nung sinabi ko kasing ipapakilala ko sya kay mommy ngayon, hindi na sya mapakali tapos sobra raw syang kinakabahan.

"Talaga? Sana maging okay lang yung pagkikita namin." kinakabahang sabi nya.

Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito.

"Don't worry. Everything will be alright. Tara na?" ngumiti sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

ALVAREZ' RESIDENCE

"Hi mom. This is Kyle, my boyfriend." pambungad ko kay mommy.

"Good evening po Madam." nakabow na sabi ni Kyle.

Kinurot ko sya sa tagiliran. Madam? Pinagsasabi niya? Ngumiti si mommy at hinawakan ang balikat ni Kyle.

"Just call me tita, hijo. Tara sa sala. Dun tayo mag-usap." lumakad na kami papunta sa sala.

"Magpeprepare lang ako ng makakain. Ma, wag mong gisahin yan a?" sabi ko at umalis na.

Remedee's POV

Natawa ako kay Red. Baliw talaga yung batang yun.

"Uhmm tita..." narinig kong sabi ni Kyle.

"Ay pasensya na hijo. Kelan pa naging kayo ng anak ko?" tanong ko.

"Last month lang po." nakangiting sabi nya. "Hindi ko po alam kung paano nangyari. Nagising na lang po ako isang umaga na hinahanap ko sya. Alam nyo po kasi napakasama ng ugali nyang anak nyo. Hahahaha." natawa rin ako sa sinabi nya.

"Alam na alam ko yan. Madami ng napaalis yan sa school nyo e." natatawang sabi ko.

"Opo. Basta ayaw na ayaw ko po sa kanya noon kasi pinapahiya nya ako pero akalain nyo nga naman pong umabot kami sa ganto." - Kyle

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" - Ako

"Sobra po. Mahal na mahal ko po sya." - Kyle

"Mabuti naman. Ano nga buo mong pangalan hijo?" - Ako

"Kyle Gabriel Panganiban Shin po." namutla ako nang marinig ko ang pangalan nya.

"S-shin?" mautal-utal kong sabi

"Opo. Bakit po tita?" - Kyle

"W-wala." ngumiti ako ng pilit.

"Tita, bakit ka po umiiyak? May nasabi po ba akong hindi maganda?" umiling-iling ako. Inabot ko ang kamay nya at pinisil ito.

"Alagaan mo ang anak ko Kyle. Nagtitiwala ako sayo. Mahalin mo sya at alagaan pa. Kahit... kahit anong mangyari, wag mo syang iiwan." humagulgol na ako.

"Don't worry tita. Mahal na mahal ko po si Red. Hinding-hindi ko po sya sasaktan. Aalagaan ko po sya at sobrang mamahalin. Pangako ko po yan tita." lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Sana nga Kyle... Wag na wag mo syang iiwan." yumakap din ako sa kanya.

"Hoy ano yan? Mommy inaagawan mo ba ko?" bumitaw na kami sa yakap at hinarap ang nakangiting anak ko. "Eew mommy. Para kang zombie."

Tumawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Red.

Kyle, tuparin mo sana ang pangako mo.

Don't You Dare Call Me On My First Name!! (EDITING)Where stories live. Discover now