CHAPTER 36: Complicated

43 3 1
                                    


Chapter 36: Complicated

Kyle's POV

Hindi ko maintindihan ang mga reaksyong pinapakita ni Red. Akala ko matutuwa syang makita ang pamilya ko pero bakit ganun?

"May problema ba Red?" hindi nya ako sinagot. Nakatingin lang sya kay Tito habang nanlilisik ang mga mata.

Bakit?

Tiningnan ko si Tito. Nakatingin lang din sya kay Red at yung mga mata nya... parang nangungulila?

"Maria..." sambit ni Tito sa first name ni Red.

Don't tell me...

*PAAAAK*

Gulat akong napatingin kay Tito Mario nang bigla syang sampalin ni Red. Agad namang tumayo si mommy at tinabihan si Tito.

"Ikaw ang anak ni Remedee?!" gulat na gulat na tanong ni mommy.

Ang mommy ko ang kabit ng daddy ni Red?!

Pinanlisikan ng mata ni Red si mommy.

"Ang kapal ng mga mukha nyo! Kayo! Bakit di pa kayo pumunta ng ibang bansa? Bakit di pa kayo nagpakalayo-layo?! Bakit kailangan pa nating magkita? Kinamumuhian ko kayo! Kasuklam-suklam yang mga pagmumukha nyo!" nagpapanic na sigaw ni Red habang unti-unting pumapatak ang mga luha nya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano na? Pano na to?

"*sniff* sniff*" napatingin kami kay Lein na paiyak na.

Nanlaki ang mga mata ni Red habang nakatingin kay Lein.

"Sya ba?" mahinang sabi nya. Tumingin sya muli kanila mommy. "Siya ba yung anak nyo? Sya ba yung dahilan kung bakit mo kami iniwan ni mommy? SYA BA?!" bigla na lang syang humagulgol.

Lumapit na ako sa kanya at niyakap ko sya.

Nararamdaman ko yung sakit na dinaranas ngayon ni Red. Sobrang sama siguro ng loob nya.

"Maria... anak... mag-usap tayo." nagmamakaawang sabi ni Tito Mario.

Umiling-iling lang si Red habang yakap ko sya.

"Wala tayong dapat pag-usapan." humihikbing sabi nya.

"Anak naman... nakikiusap ako sayo. Miss ka na ng daddy." - Tito Mario

Bigla namang natigilan si Red. Tumigil sya sa pag-iyak at lumuluwag ang pagkakayakap nya sakin pero agad nya ulit akong niyakap nang mahigpit at ibinaon nya ang mukha nya sa dibdib ko. Naririnig ko na naman ang paghikbi nya.

"Ilayo mo na ako dito..." narinig kong bulong nya.

Hinalikan ko ang ulo nya at tumango.

Tumingin ako kay mommy at tito Mario.

"Mukhang hindi pa sya handang kausapin kayo. Aalis na muna kami." sabi ko. Lumingon ako kay Lein at hinalikan sya sa noo. "Mamaya na lang ulit baby."

At umalis na kami.

"Oh. Pampakalma." inabot ko sa kanya ang hawak kong paper cup na may lamang coffee. Binili ko iyon sa vendo machine.

Andito kami ngayon sa rooftop ng school namin.

"Ang kumplikado talaga ng buhay." panimula ko.

Tumingin sakin si Red at mapait na ngumiti.

"Napakaliit ng mundo." sabi nya at saka sya humiga sa sahig at tumingin sa mga bituin sa kalangitan. Ginaya ko sya.

"Oo nga. Sa sobrang liit, hindi naiiwasan ang pagkikita ng mga taong di inaasahan." malungkot kong sabi.

"Gusto ko maging bituin sa langit." napatingin ako kay Red nang sabihin nya yun.

"Bakit?" takang tanong ko.

"4th year high school pa lang tayo Kyle pero bakit nakakaexperience na tayo ng ganitong klaseng problema? Gusto ko maging bituin. Gusto kong maging malaya na kapag nawalan na ako ng liwanag, bigla na lang akong mawawala at wala nang iintindihin pa." malungkot nyang sabi.

"Gusto mong tumakas sa realidad? Gusto mong maging malaya? Red... andito ako. Haharapin natin itong problemang ito nang magkasama." determinado na ako. Malalagpasan din namin to.

"Si Lein..." mababakas sa boses nya na malapit na syang umiyak. "Kapatid natin sya Kyle... step brother kita..." at dun na sya humagulgol.

Natulala na lamang ako nang marealize ko ang sinabi nya.

Step brother?

Napangiti ako nang mapait.

Life is really complicated :/


---

Sorry ngayon lang tapos lame pa :3 Nawala kasi phone ko e andun drafts ko T.T Kaya sorryyyyyy. - Shizy


Don't You Dare Call Me On My First Name!! (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang