CHAPTER 27: A Day To Remember

114 5 1
                                    

Chapter 27: A Day To Remember

Red's POV

Last day na ng Intrams ngayon. Dapat masaya ako pero heto ako ngayon at naiirita.

Kanina pa nakangiti ang mga kabarkada ko na parang mga tanga.

Wala dito si Kyle at hindi ko alam kung bakit.

"Red huy. Ano na?" - Shirley

Kinukulit kasi nila ako na magdress daw ako. NO WAY lang. Okay na ako sa suot ko.

Loose Shirt + Jeans = Red

"NO Shirley. Wag makulit." - Ako

Nagpout naman siya at kinalabit si Rebecca.

"Red sige na. May dala kami kaya di mo na kelangang umuwi." nakangiti niyang sabi.

"Wow. Prepared kayo ha." inirapan ko sila.

"Sige na kasi Reeed. Ngayon lang naman e." pagpipilit ni Helen.

"A-YO-KO." tumayo  na ako at lumabas ng cafeteria.

Nakakainis yung mga yun. Masyadong mapilit. Hindi nila ako mapapagsuot ng dress. Tsk.

"Kyle naman! Akala ko ba..." napatigil ako sa paglalakad at tiningnan kung san nanggagaling ang boses.

Galing sa  isang bakanteng room. Andun si Chloe at Kyle. Tumayo lang ako dun at pinakinggan sila.

"Akala mo lang yun Chloe. Hindi na ngayon. May mahal na akong iba. Pagkatapos mo akong lokohin saka mo ko hahabulin?" - Kyle

"Kyle... Please naman. Wag mo kong iiwan." - Chloe

"CHLOE PWEDE BA?! RINDING-RINDI NA AKO SAYO! KELAN KA BA TITIGIL? NUNG NAGSABI AKO SAYONG WAG MO KONG IIWAN,  SINUNOD MO BA?! HINDI DIBA? KAYA WAG MO KONG SABIHAN NG GANYAN! Dahil  katulad mo, hindii rin kita susundin." sumigaw siya pero sa huling sinabi niya,  bigla na lang humina ang boses niya.

Nakarinig ako ng umiiyak. Siguro si  Chloe.

"Hindi kita niloko Kyle... Oo iniwan kita pero  yung panlolokong sinabi mo? THE HELL KYLE. SIMULA PAGKABATA NATIN IKAW LANG MINAHAL KO KAYA PANO KITA LOLOKOHIN?!!! Nakakainis ka. Nakakainis ka..." sumilip ako sa bintana.

Nakaluhod si Chloe tapos nakatakip yung mukha nya ng dalawa nyang kamay tapos  humihikbi sya.

Ano bang ginagawa nila? Nagrereminisce?

Ay tanga mo Red. Nag-aaway sila -_____-

"Hindi mo ko niloko? Eh sino yung boyfriend mo na nasa ibang bansa nung tayo pa?" tanong ni Kyle habang tinitingnan lang si Chloe na sobra kung umiyak.

"H-ha?" nag-angat ng mukha si Chloe.

Napangiwi ako.

Ang pangit niya. Yung make up nya kumalat na sa buong mukha nya. Make up make up pa kasi -_____-

"MAY BOYFRIEND KA SA IBANG BANSA NUNG TAYO PA!" naubusan na ng pasensya si Kyle.

"P-pero... N-nagsasabi ako ng t-totoo K-kyle. Hindi kita niloko... W-wala akong b-boyfriend nun maliban s-sayo."  humihikbing sabi ni Chloe.

"Tama na. Wala nang patutunguhan tong usapan na to. Tumigil ka na. Mahal na mahal ko si Red. Hindi ko siya iiwan katulad ng pag-iwan mo saken." napangiti ako sa sinabi ni Kyle.

Inabot ni Kyle yung panyo nya kay Chloe.

Aba. Gentleman din pala :)))

Agad akong umalis sa kinatatayuan ko nang makita kong palabas na ng room si Kyle.

Don't You Dare Call Me On My First Name!! (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang