CHAPTER 37: The Reason Why

47 2 0
                                    

Chapter 37: The Reason Why

Red's POV

"Oh baby! Bakit basang-basa ka? Anong nangyari sa date nyo ni Kyle? Nasan pala sya?" dire-diretsong tanong ni mommy pagkapasok ko sa bahay.

Tumakbo ako palapit kay mommy at niyakap siya nang mahigpit. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

*FLASHBACK*

"...step brother kita..." napahagulgol na ako nang bitawan ko ang mga salitang iyon.

Napakasakit sabihin iyon. Sobrang sakit. Sobra-sobra. Yung boyfriend ko... yung lalaking minamahal ko... step brother ko sya </3 Fuck! Ang sakit!

"A-ah..." napatingin ako kay Kyle nang bigla syang umungol.

Sinasabunutan nya ang sarili nya at mukha talaga syang frustated.

"Bakit ba tayo umabot sa ganito? Bakit may ganito pang problema sa mundo? Nakakainis!" frustated nyang sabi.

Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak.

Oo nga. Bakit kailangan pa naming maranasan to? Masaya na naman na yung relasyon namin e. Bakit kailangang mangyari pa to? Bakit? :/

Napaangat ako ng ulo nang may tumulo sa braso ko. Nakita ko si Kyle na nasa harap ko at tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha nya. Naglean sya sakin at niyakap ako nang mahigpit. Napapikit na lang ako at niyakap sya pabalik.

"Mahal kita Red. Mahal na mahal kita..." bulong nya sa tenga ko habang humihikbi.

Kasabay ng paghikbi naming dalawa ang pagbagsak ng malakas na ulan.

Panahon nga naman. Ang galing makisama.

"Red... mahal na mahal kita..." pag-uulit nya.

Hinihintay nya ba ang sagot ko?

Mahal din naman kita Kyle e. Mahal na mahal kita pero...

"Hindi tayo pwede." humiwalay ako sa yakap nya at tumakbo palayo.

*END OF FLASHBACK*

Tumulo na naman ang luha ko nang bigla kong maalala yung pag-uusap namin.

"Uminom ka muna anak para mahimasmasan ka." binigyan ako ni mommy ng isang basong tubig. Ininom ko agad yun. "Magshower ka na muna. Pagkatapos, mag-uusap na tayo." tumango ako kay mommy.

Remedee's POV

Nag-aalala ako kay Red. Namumugto yung mga mata nya at sobrang tamlay nya pa. Ano bang nangyari sa kanila ni Kyle?

Tama! Si Kyle!

Calling Kyle...

"The number you have dialed is either unattended or out of coveraged area. Please try your call later." sabi ng operator.

Nakaoff ang phone nya. Baka naman nag-away silang dalawa?

Umakyat na ako sa kwarto ni Red para kausapin sya.

*knock knock*

Walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob para malamang bukas naman pala ang pinto.

Nakita ko si Red na nakaupo at nakatulala sa harap ng salamin. Biglang kumirot ang puso ko.

Masakit sa pakiramdam na makita ng ina ang kanyang anak na wala sa sarili.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos haplos ang buhok nya.

"Red... anak... kaya mo bang ikwento sakin ang nangyari sayo?" umikot sya paharap sakin at niyakap ako sa beywang.

Narinig ko ang paghikbi nya. Umiiyak na naman ang anak ko :(

"Mommy... step brother ko sya..." sabi nya habang umiiyak.

Nagulat ako sa sinabi nya. Napayuko ako. Dapat ba sinabi ko sa kanya nang mas maaga?

Dati habang nagpapakabusy ako sa kumpanya namin, nagpapaimbestiga ako tungkol sa babaeng kasama ni Mario bago sya umalis sa bahay.

At natuklasan kong sya si Katheryne Lein Shin, asawa ng yumaong businessman na si Keisler Shin. May anak silang lalaki.

"May anak na pala sya bakit pa sumama sa kanya ang asawa ko? Napakalandi ng babaeng yun." naalala kong sinabi ko sa private investigator ko.

"Nabuntis po kasi ng asawa nyo si Mrs. Shin, Madam." ang sagot ng private investigator.

Parang gumuho ang mundo ko nun. Ibig sabihin, nakabuntis ang asawa ko. Nagshare sila sa iisang kama at... fck.

Kaya nung nalaman kong Shin ang apelyido ni Kyle, kinutuban na ako na baka sya ang lalaking anak ni Katheryne.

Hindi na ako nakapag-isip nun at naiyak na lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Kyle. Inaasahan ko na rin na darating itong pagkakataon na to. Na malalaman nila ang katotohanan.

I'm really really sorry anak. Dapat pala sinabi ko sayo yung totoo noon pa lang. Para hindi ka nasasaktan ng ganito :(

----

Ang lame na talaga ng mga updates ko. Haaaay :/ Sorry~ - Shizy


Don't You Dare Call Me On My First Name!! (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora