Chapter 19: Feeling Guilty
Shirley's POV
Pagkaalis ko sa rooftop, dumeretso ako sa bahay nila Red.
Kailangan ko ng kausap.
Kailangan ko ang bestfriend ko.
Pagkarating ko sa bahay nila, agad akong pumasok.
Welcome naman ako rito e.
Nakasalubong ko si Tita Remedee.
"Oh Shirley, ba----" pinutol ko na sa pagsasalita si Tita.
"I'm sorry Tita. Andyan po ba si Red?" tanong ko.
"Oo. Nasa kwarto niya." sagot naman ni Tita Rem.
"Sige po. Aakyat na po ako." hindi ko na inantay ang sagot ni Tita Rem.
Umakyat na agad ako papunta sa kwarto ni Red.
Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siya sa harap ng computer niya at nakaupo.
Agad akong tumakbo palapit at niyakap siya.
"My L-Loves..." napahagulgol na ako.
She hugged me back.
"Sshh. What happened?" tanong niya habang hinahagod ang likod ko.
"L-Lj...." sabi ko habang umiiyak.
"What about him?" nagtatakang tanong niya.
"He confessed to me a while ago, b-but...." sabi ko habang nakatingin sa mata ni Red.
"But?"
"but I rejected him..." nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"But I thought you like him---" pinutol ko na ang sasabihin ni Red.
"Oo. Pero dati 'yun. I loved him before but now, I think I'm falling to Ivan." sabi ko habang nakayuko.
Inangat ni Red ang mukha ko. Nakangiti siya.
"You're falling to that new kiddo? That's great! But the question is, why are you crying?"
"I----"
"Feeling guilty?" tumango ako. "But why?"
"Nakita ko kanina Red. Sa mga mata niya. Nasaktan ko siya Red. Ang sama kong tao. MyLoves, ang sama ko." napahagulgol na naman ako.
Niyakap ulit ako ni Red.
"Ano ka ba naman. Wala kang kasalanan. Hindi ka masamang tao. Bakit nung ikaw ang sinaktan niya, inisip mo ba na masama siyang tao? Hindi naman, diba? Kaya wag mong isipin na masama ka."
"MyLoves. Salamat. Palagi kang nandiyan para sa akin."
"Syempre naman. MyLoves kita e." sabi niya habang nakangiti.
Niyakap ko ulit siya nang mahigpit.
Ang swerte ko.
May isang Redenlyn Alvarez ang nandiyan para sa akin.
*KINABUKASAN*
"Hoy! Kayong magbestfriend! Absent kayo kahapon ah! Ikaw naman Red. Di ko malaman kung bakit ka nagiging Top 1 e napakaabsenera mo naman." sermon samin ni Helen.
Nandito kami ngayon sa room. Di pa nagsisimula ang first class.
"Pakelam mo?" masungit na sagot ni MyLoves.
"Napaka mo talaga! Tss. Sungit!" nakapout na sabi ni Helen.
Tumawa ng mapang-asar si Red.
"Ang panget mo magpout." pang-aasar ni Red sa kaniya.
"Ang sama mo talaga!" tumawa lang si Red sa sinabi ni Helen.
"Uy cous! Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa bagong dating na si Rebecca.
"May ginawa pa kasi ako sa Faculty room." sabi niya habang inaayos ang bag niya sa upuan.
Pagkaupo niya, tumingin siya sa aming tatlo.
"Bakit?" tanong ko. Kung makatingin kasi e.
"Si Lj..." panimula niya.
"Oh? Anong meron kay Fafa Lanz?" -Helen
"Nagdrop na siya. Lilipat na siya ng school or baka babalik na siya sa States..." sabi niya habang nakatingin sakin.
Naguilty ako.
Dahil ba sakin kaya siya lumipat?
Nasasaktan ba siya pag nakikita ako?
Malamang Shirley. Sinaktan mo e.
*sigh*
Napatingin ako kay Red. Nakatingin din siya sakin. Nag-aalala ang ekspresyon niya.
Nginitian ko siya as a sign na okay lang ako. Ngumiti naman siya pabalik.
Okay nga lang ba talaga ako?
ESTÁS LEYENDO
Don't You Dare Call Me On My First Name!! (EDITING)
Novela Juvenil"A cassanova will be a cassanova and a man hater will be a man hater". Naniniwala ba kayo diyan? Hindi ba't may kasabihang, "Walang permanente sa mundo maliban sa PAGBABAGO". Tunghayan natin ang magaganap na pagbabago sa isang cassanova at isang man...