CHAPTER 39: Chance

45 2 4
                                    


Chapter 39: Chance

Red's POV

"Uy ngingiti na yan. Ayan na ngingiti na~~" - Shirley

Kanina pa sila nakatambay dito sa kwarto ko. Sila Shirley, Rebecca at Helen. Pagkagaling sa school, dumiretso sila dito. Mga pasaway -_-

"Sorry talaga Red. Di naman namin alam e." - Rebecca

"Oo na. Oo na. Nakakairita kayo." I rolled my eyes out of irritation.

"Yeeeeey!" tapos tumalon-talon na si Shirley sa kama ko.

"SHI!" sigaw ko. Napatigil naman sya at nagpeace sign sakin. Hay pasaway -_-

"Pero Red... kung magstep brother and sister lang naman kayo, may chance pa!" agad akong napatingin kay Helen nang sabihin nya yun.

Napaupo naman si Shirley at napatigil sa pagbabasa si Rebecca.

"What do you mean?" I asked.

"Wait." kinuha nya ang cellphone nya at kinalikot yun. "Ito na! Kasi nabasa ko lang to sa wattpad."

"Uy! Anong story yan?" excited na tanong ni Shirley.

"Manahimik ka muna Gonzales. Tatapalan ko yang bibig mo." at saka ko sya tiningnan ng masama.

"Oo na." at nanahimik na nga sya.

"Ganito kasi yun. Yung nanay ni Ericka at yung tatay ni Zico ay magfiance. It means, ikakasal sila. So magiging magstep siblings yung dalawa pero mahal nila ang isa't-isa kaya pinaglaban nila yun. And tanaaaan! Nagkatuluyan sila." masayang sabi ni Helen.

I DON'T GET IT.

"Anong story yan Lhen?~" imik ni Shirley.

"The Break-Up Planner." - Helen.

"But... my case is different." I said out of the blue.

"What do you mean Red?" - Rebecca

"Lhen, kinasal ba yung mom and dad nung Ericka and Zico?" I asked.

"Uhh. Di ko matandaan e. Matagal ko na kasing nabasa yun. Bakit Red?" - Helen

"Sa case namin ni Kyle, sure na kaming magstep siblings kami." - Ako

"Okay lang yan! Kaya nyo pa ring ipaglaban yan!" - Helen

"Yuck. Incest kaya Lhen." - Rebecca

"How can you be so sure, Redenlyn?" napatingin kaming lahat kay Shirley na ngayon ay seryoso na.

"Huh?" - Ako

"Paano ka nakakasiguro na magstep siblings na nga kayo? Alam mo na ba ang lahat?" I was taken aback by her question.

Alam ko na nga ba... ang lahat?

"Huy Shirley! Anyare sayo insan?" -Rebecca

"Hihihihi. Nagjojoke lang ako! Napakaseryoso nyo kasi e :3 Alam mo Red wag mong intindihin yung sinabi ko sayo kanina. Baka mastress ka lang MyLoves!" - Shirley

Agad naman syang binatukan ni Helen at Rebecca. Loka-loka kasi!

"Back to reality tayo. Di naman magkadugo si Kyle saka si Red kaya di matatawag na incest yun diba?" - Helen

"Ano ka ba Lhen! Syempre para sating mga taong alam yung katotohanan, hindi natin iisiping incest yun pero pano yung mga tao sa labas?" - Rebecca

"Kailangan bang intindihin ang mga ibang tao kapag nagmamahal ka? Di mo sila kailangan. Wala naman silang mapapala sa panghuhusga nila e." - Shirley

"Infairness Shi! Ang tino ng sinabi mo ah!" - Helen

"Naman! Ako pa ba?" - Shirley

"Red... Red..." napatingin ako kay Rebecca na kinakalabit ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Nagtataka lang din kasi ako. Kagaya nga nung sinabi ni insan kanina, alam mo na ba ang lahat? Yung buong katotohanan?" - Rebecca

Napaisip ako.

SHET. BAKIT BA NILA AKO PALAGING PINAPAISIP? -_-

"You should ask Tito Mario and Tita Katheryne first. Malay mo may chance pa yung relationship nyo ni Kyle." - Rebecca

Me? As in AKO? Tatanungin yung dalawang yun? LIKE NO WAY!

"Alam ko nasa isip mo Red Sunget! Pride. Ayan. Hindi mo kakausapin si Tito Mario at Tita Kath kasi may pinangangalagaan kang pride." - Helen

"Alam mo MyLoves. When it comes to love, you don't need that pride. Kung kailangan mong babaan yang pride mo para maging masaya ka, ibaba mo! Hindi yung nagmamatigas ka. Mahal mo yung tao pero hindi ka gumagawa ng paraan para mapatibay yung relationship nyo." - Shirley

Napangiti ako.

Kung makaasta tong mga to, akala mo expert. Hay nako.

Chance?

How I wish.

Don't You Dare Call Me On My First Name!! (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن