"Anak nandyan sa lamesa baon mo!" Ang narinig kong sabi ni Mama. Kaya agad ko din itong sinagot!"Opo ma!" At binilisan kong mag ayos ng sarili at ng makapasok na ako ito ang unang araw ko sa unibersidad nayun! Kaya medyo kinakabahan ako na masaya kasi finally College na ako!
"Dalian mo! Pupunta lang ako kila Mareng Soseng at madame pa akong lalabahan duon. At narinig ko nalang ang pag bukas at pag sara ng pinto.
Ng matapos akong mag ayos ay kinuha ko na ang baon kong 15 pesos at agad na din akong umalis sa bahay!
Ako nga pala si Kim Estonillo, isa akong First year College sa paaralang Junnon University dito din lang iyon sa lugar namin isa iyong all boys school at isa ding napaka gandang paaralan dito sa lugar namin! Nakapasok ako dun kasi nakakuha ako ng 100% Scholarship
Nandito na ako sa labas ng aming compound at nag aabang nalang ng masasakyang Jeep ng makasakay na ako sinabi ko kay manong na sa Junnon ang tungo ko.
Halos lahat ng mata ng mga pasahero nakatingin sa akin. Waring sinasabi nilang Talaga lang ha? Pero binalewala ko nalang sila.
Ng marating ko na ang paaralan na papasukan ko ay agad nadin akong pumasok! At pag pasok ko namangha ako sa aking nakita! Parang isang paraiso!
Ngayon lang ako nakapasok sa University na to kaya nai-ignorante pa ako napaka sosyal ng mga nag aaral dito! Puro naka Kotse.
Habang naglalakad ako narating ko ang Field nila at lalo nanaman akong namangha sa nakita ko! Biruin nyo ang lawak ng Field parang buong Compound lang namin ito sa sobrang laki!
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ng marinig ko ang bell hudyat na pasukan na. Salamat naman at nandito na ako sa hallway nun kaya kinuha ko nalang sa bag yung papel na naglalaman ng Sched. Ko habang dinudukot ko yung papel ay di ko inaasahang may makakabangga ako!
At dahil na out balance ako pati sya nadamag ko. Pareho kaming bumagsak sa sahig naka dapa ako sa dibdib nya ng mga oras na ito! Agad ko syang tiningala at nakita kong nanglilisik nyang mga mata.
Bigla nya akong hinawi at ngayon ay nasa sahig na ako naka upo at sya tuluyan na syang nakatayo!
"Young master, ayoa lang po ba kayo?" Tanong ng lalakeng naka formal attire. Pero sa halip na sagutin nya yung Lalake ako kinausap nya ng pabalang.
"Tanga kaba?! Oh sadyang wala kang utak at di mo tinitignan dinadaanan mo?" Ang. Pasigaw nyang sabi sa akin. Napantig ang tenga ko dun kung kaya sinagot ko din sya.
"Hoy mister! Ikaw ang Tanga! Nakita mo na kasing may kinukuha ako sa Bag ko eh di ka tumabi! Alangan namang may tinitignan ka din nung mga oras nayun kung kaya di mo din ako nakita at nabangga natin ang isa't-isa?" At tinignan ko sya ng matalim, nakita ko yung lalakeng nag tanong sakanya kanina na. Napa Face palm parang nakakita ng dilubyo!
"Aba sumasagot kapang kutong lupa ka!" At nag squat yung lalake n naupo para mapantayan nya yung taas ko na naka upo! "Hindi mo ba kilala kinakausap mo?" At ngumisi sya ng nakakaloko
"Sino kaba para kilalanin ko aber?" Ang mataray kong tugon sakanya nakita kong nagbago ekapresyon nya at napalitan ito ng galit.
"Matapang kadin ah! Tignan natin!" At bigla nya akong kwinelyuhan. Susuntukin na sana nya ako ng pigilan sya ng isa nanamang lalake.
"Rogue stop!" At napahinto itong lalakeng ito na Rogue pala ang pangalan tinignan nya yung lalake at ibinaling ulit ang tingin sa akin.
"Pasalamat ka naabutan ka ng pakielamerong yan!" At binitawan na nya ako.
Umalis na sya sa harapan ko kasama yung lalakeng naka formal attire na body guard nya ata! Ng maka alis na sila ng tuluyan tyaka naman ako nilapitan ng lalakeng pumigil sa Rogue nayun.
"Ayos ka lang?" Ang takang tanong nya kasabay nun ang pag alalay nya sakin para makatayo!
"Maayos naman ako! Salamat ulit sa pagtulong mo!" At nag bow ako sakanya katulad ng mga koreano.
"Ayos lang! Pagpasensyahan muna yung si Rogue nayun ah! May pagka Bastos kasi!" At ngumisi sya na nakadagdag sakanyang kagwapuhan.
Bigla kong naalala na late na pala ako! "Ah! Kuya salamat ah! Pero late na ako eh!" At nag bow ulit ako sakanya at tuluyan ng umalis.
Ng marating ko ang unang subject ko. Bigla akong bumuntong hininga this is it. Hinawi ko ang pintuan at tumambad sa akin ang mga classmate kong kung anu anu ang ginagawa. Mayroong nagbabatuhan ng papel nagtatawanan ng malakas at nag Wre'Wrestling sa may bandang likuran. Napag isip-isip ko College naba talaga sila? Pero isinawalang bahala ko nalang at tuluyan ng pumasok. Agad akong pumunta sa harapan kasi all this time wala padin ang Professor namin. Nag pakilala ako sa harapan nila.
"Magandang umaga ako nga pala si Kim Estonillo!" Nag bow ako at ng inangat ko na ang ulo ko sakto naman ang pagdapo ng basang papel sa mukha ko.
Agad silang nagtawanan at isa nadun si Rogue. Nagulat ako dahil magkaklase pala kami so I.T Student din sya.
Ng maka alis na ako sa harapan para maghanap sana ng mauupuan ay may nag aya sakin ng upuan malapit kay Rogue. Tinanggap ko naman iyon dahil wala ng ibang bakanteng upuan.
Nagpasalamat ako sa nagbigay ng upuan na ito at ng uupo na sana ako ay sya namang paghila nila sa dapat ay uupuan ko. Kaya ang labas napa-upo ako sa sahig.
Hindi ko magawang mag taray dahil alam kong kapag ginawa ko yun sakit sa katawan lang ang matatamo ko.
Nagtawanan nanaman silang lahat umayos na ako ng upo ng batukan ako ng isang lalake.
"Hoy bakla dyan ako!" At bigla nya akong hinigit patayo at sya ang umupo duon.
Inilibot ko nalang ang aking paningin at sa awa ng maykapal naka hanap ako ng mauupuan dalawang bakante pa ito.
Banda sa bintana yung isa at yung isa katabi lang din neto! Kaya ang pinili ko ay sa bandang bintana. Ng maupo na ako ay syang pag upo din ni Rogue sa Desk ko!
"Hoy! Akin na baon mo?" At ngumisi sya ng nakakaloko. Nawala ako sa aking sarili at walang anu anu'y binigay sakanya ang otso pesos kong baon.
Ng maibigay ko na sakanya ay sya namang bato nya nito sa akin. Nalaglag ang tig lilima at tig pipiso sa sahig. Kung kaya pinulot ko ito yumuko ako para kunin ito. Pero may humila ng buhok ko paangat kaya napaangat ako ng tingin.
"Otso pesos? Anu namang mapapala ko dyan?" Ang naiinis nyang sabi sa akin. Hawak hawak padin nya buhok ko.
"Yan lang tala----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may humawak sa kamay nyang naka hawak sa buhok ko. Ng tignan ko yung taong yun. Ay sya yung taong nagligtas din sakin kanina.
"Bitawan mo sya!" At nakita ko syang tumingin ng masama kay Rogue.
Bigla akong binitiwan ni Rogue kaya agad akong umayos na upo at hinawakan ang parteng sinabunutan nya. Inayos ko nadin ang buhok ko. Biglang may pumasok at sa pagkaka alam ko ito na yung Professor namin dahil nakita ko ang mga classmate kong nag si ayos na ng mga upo!
Pero di ko magawang silipin dahil nasa harapan ko si Rogue at yung lalakeng nag ligtas sa akin.
"Okay Class go back to your Armchair na!"
-----
*Hello guys, New Story pala sana suportahan nyo ito!
Vote ⇨ Comment ⇨ Share!
BINABASA MO ANG
BULLY! (BoyxBoy)
Teen FictionIsang batang nangangarap magtagumpay sa buhay, subalit sa pag-hangad niya nun iba ang ibinigay sakanya ng May Kapal. isang bagay na gugulo ng kanyang tahimik na pamumuhay kasama ng kanyang nanay. Ito ba ang nakatadhana sakanya? o isa lamang itong pa...