BULLY 5:

15.2K 411 19
                                    

Napa kagat ako sa labi ko sa moment namin ni Rogue kanina. Grabe mga Dre ang Awkward.

"Okay kalang Kim?" Ang nag aalalang tanong ni Joery.

"Ayos lang ako..." nauutal kung sagot sakanya. Tinignan ko si Rogue at sakto naman tinignan nya din ako.

"Naku ang dumi muna..." dahil sa sinabi ni Joery nabalik sakanya yung atensyon ko "Tara sa kotse may extra akong damit dun..." naglakad kami papuntang Parking lot at naiwan na namin si Rogue sa Cafeteria.

Napansin ko din na hindi na masyadong naka tingin yung mga ibang lalake samin. Na kanina ay halos saamin ang buo nilang atensyon.

Ng makarating kami sa parking lot ay nagtungo naman kami kung saan naka parada yung kotse ni Joery.

Tumigil sya sa harap ng Montero sports na ikinabigla ko naman. So ito pala yung sasakyan nya.

Isang Grey Montero Sports, sya na ang mayaman. Binuksan nya yung pinaka likod ng kotse nya at kinuha duon ang isang maliit na paper bag.

"Here..." Abot nya sakin. Kinuha ko naman ito isang Bum na t-shirt lang naman yung pinahiram nya.

"Naku ang mahal nito ah..." ang sabi ko habang tinitignan ko ito sa loob ng paper bag.

"It's okay madame pa namang ganyan sa bahay eh!" Sya na ang mayaman sabi ko sa isip isip ko.

"Magpalit kana sa loob..." hindi na ako nagsalita at pumasok nalang ako sa loob ng kotse nya.

Habang may isang taong nakatitig sakanilang dalawa at bakas dito ang selos.

"Salamat Joery ah!" Pagpapasalamat ko sakanya ng maka labas na ako sa kotse nya.

"Nah! It's okay tara na..." inakbayan nya ako at inaya nang pumunta ulit sa cafeteria para ipagpatuloy ang naudlot naming pagkain.

----

ROGUE P.O.V

Nandito ako ngayon sa rooftop at nagmumokmok nanaman! Bwesit nayan epal talaga yang Joery nayan sarap nyang saksakin ng pang kuha ng dumi ng nail cutter eh.

Flashback

"Rogue tara laro tayo duon oh..." pag-anyaya ni Priston sa akin pumayag naman ako dahil gusto ko din syang maka laro.

"Priston ingat ka dyan ha!" Pag papaalala ko sakanya masaya kaming naglalaro ng biglang dumating si Joery.

"Priston tara sa bahay playstation tayo..." sabi ni Joery agad namang sumunod si Priston at naiwan akong mag isa sa playground.

---

"Priston dito ka oh!" Pag anyaya ko sakanya ng biglang.

"Priston dito ka oh, may electric fan ako mas malamig tumambay!" Lahat nalang ng meron saakin ay inaagaw nya

Kaya mula nuon nagtanim na ako ng galit sakanya at hindi padin sya nagbabago inaagaw padin nya kung anu ang mahalaga sa akin.

End of flashback!

Tumingin ako sa kalangitan at nakita ko ang mga ibong nagliliparan. Parang napaka saya nila sana lahat nalang masaya...

Kailan ba ako huling sumaya? Tanong ko sa aking isipan.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at humiga nasa lilim naman ako kung kaya hindi ako naiinitan samahan pa ng malakas na bugso ng hangin ay nakatulog ako.

----

Kim P.O.V

Nandito na ako ngayon sa room namin hindi padin dumadating si Rogue kaya nag-aalala na ako kung san pumunta yung impakto nayun.

Dumaan ang mga minuto at start na ng klase namin pero wala padin talaga si Rogue. Sa buong oras ng aming klase ay si Rogue lang ang inaalala ko ewan ko ba dapat nga dun pinapabayaan ko na dahil bully yun. Pero hindi eh hindi ko magawa nasasayangan ako sa mga lesson na na missed nya.

Kaya pagkatapos ng klase agad akong naghanap sakanya. Nagpunta ako sa mga posibleng pupuntahan nya subalit walang bakas ng halimaw nayun.

Nandito ako ngayon sa NB Building nagbabakasakaling nandidito sya habang papunta na ako sa rooftop ay napatigil ako sa hagdan dahil nasa harapan ko na ang taong kanina ko pa hinahanap. Ang seryoso ng mukha nito na naka tingin sakin kaya napa lunok ako dahil sa takot.

"Bakit?!" Ang naiinis na tanong nito.

"Ka...kanina pa kita hinahanap..." ang nauutal kong sabi sakanya.

SILENCE....

walang gustong magsalita saamin naramdaman ko nalang na lumapit ito at nagsalita ng marahan at pabulong...

"Talaga?" Parang naninigurado nitong tanong habang naka ngisi. Napatango naman ako at mas lalo itong ngumiti nagulat nalang ako ng akbayan ako nito at naglakad na kami pababa.

Awkward na nga kanina pati ba naman ngayon?! Pero... pero parang may iba eh? Anu itong nararamdaman ko? Ang... ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nandito na kami sa loob ng sasakyan at sobrang tahimik namin kaya pinakielamanan ko na yung radio nito at in-on ko nalang ito.

Ayan nagkaruon din ng ingay! Nakatungo akong ganyan ng biglang ibahan ni Rogue ang ruta pauwe sakanila.

Kaya nagtaka ako at tinanong ko sya.

"Uyy... san tayo pupunta?!" Takang tanong ko dito.

"Ipupunta kita sa tambayan ko kapag gusto kong mapag-isa..." mahina nitong sabi saakin. Nag kibit balikat nalang ako at hinayaan nalang sya sa kung anung gusto nya.

Makalipas ang ilang minuto ay naka rating nga kami sa paruruonan nya.

"Nandito na tayo..." ang sabi nalang nito at bumaba na ng sasakyan.

Napa dungaw ako sa labas at nakita ko ang isang maliit lang na park. Bumaba ako sa sasakyan at nakita kong naka ngiti sya sakin habang hinihintay ako sa bukana ng park.

Pumasok kami at pinapanuod ang mga batang naglalaro. Masasaya silang naglalaro parang walang inaalintana na problema na dadating sa kanilang mga buhay.

"Ang sasaya nila no?!" Pagbabasag ni Rogue sa namuuong katahimikan sa pagitan namin. Napatango naman ako sa tanong nya.

"Alam mo yung bata ako nung iniwan ako ng tinuring kong bestfriend, dito lang ako sa pwestong ito naka upo lang maghapon!" Paglalahad nya sakin ng kanyang nakaraan.

"bakit ka naman nun iniwan?!" Takang tanong ko.

"Inagaw sya ng isang tao eh!" Parang lumungkot naman ang boses nito ng sabihin nya iyon.

Tinapik tapik ko ang likuran nya, waring ipinaparating kong okay lang ang lahat.

Nakita ko syang tumingin saakin at nag bitaw ng isang pilit na ngiti. Nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at sinabing

"Huwag mo akong iiwan ha, kundi bubully-hin kita palagi..." napa ngiti nalang ako sa sinabi nito. Kahit naman maypagka bully itong isang ito mabait padin naman pala.

Ngayon naniniwala na ako sa sinabi ni Nathaniel na lahat ng tao ay may itinatagong kabutihan sa kanilang mga puso.

Nginitian ko din ito at marahang tumango.

===============

BULLY! (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon