BULLY: 8

14K 352 20
                                    

Bully 8: Sorry?!

Kim P.O.V

Nandito na kami sa school ngayon at kasama ko si Rogue, ewan ko ba at parating naka buntot saakin to.

Sa klase naman kanina attentive ang lolo nyo, biruin mo halos lahat sya ang sumasagot. Smells fishy huh. Naputol nalang ako sa pagmumuni ko ng sigawan ako ni Rogue.

"Anu ba Rogue..." inis kong sabi sakanya, nakita ko namang nagsalubong nanaman yung kilay nyang ang kapal kapal.

"Kanina pa ako salita ng salita hindi kapala nakikinig damuho kang bakla ka talaga..." inis na sambit nito saakin. Aba'y pake nya ba kung hindi ako nakikinig sakanya?!

"Anu ba kasing sinasabi mo...?!" Tanong ko dito.

"Wala..." may pagtampo sa boses nya. Hanep tong lalakeng to ah, sarap kurutin ng nail cutter! Pabebe putek na.

"Alam mo wag kang Pabebe!" Sabi ko sakanya. Nakita ko namang napataas ang kanyang kanang kilay at tinignan ako.

"Excuse me? Ako Pabebe?! Manigas kang Bakla ka!" Pang-aasar nito saakin. Namumuro na itong lalakeng ito ah. Kahit Bakla ako hindi ako halata bastat wag lang magsasalita. Sa inis ko sakanya at bigla ko syang binigwasan.

"Puny*m@s kang Bakla ka! Alam mo bang problema mo? ikaw lang nakaka gawa saakin ng ganito?!" Pasigaw na sabi nya saakin.

"Eh anu ngayon?!" Sarkastiko kong sabi sakanya. Bigla nyang kinuha yung ulo ko at inipit ito gamit ang buo nyang braso.

"Hoy, damuho kang lalake ka yung ulo..." sinubukan kong magpumiglas pero masyado syang malakas.

Medyo nasasaktan na ako sa ginagawa nya kaya sinubukan ko talagang magpumiglas. Pilit padin nya akong iniipit at hinahagod ang aking ulo nagbibigay ito kanina ng kiliti ngunit napalitan naman ito ng sakit kalaunan.

"Ro....Rogue ma...masakit!" Sabi ko sakanya, at naramdaman ko nalang ang mga luha kong unti unti ng lumalabas sa aking mga mata.

Bigla naman syang tumigil at binangon ako sa pagkakatagilid ko dahil sa ginawa nya sakin.

"Ahh...Kim sorry, Sh*t!" Bulalas nito at hinawakan ako sa dalawang balikat ko.

"Kim sorry..." sabi naman nito ramdam kong sincere sya pero pakshet lang masakit eh.

"Kim so----" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya ng bigla ko syang sigawan.

"TAMA NA!!!!" Ewan ko ba bakit kailangan ko pang sumigaw eh nasa harapan ko lang naman sya. Wala eh kusang lumabas putik nyan.

Nakita ko syang napatulala nalang. Tumalikod ako sakanya para maramdaman nyang nagtatampo ako sakanya dahil sa birong pisikal nya.

Maya maya ay naramdaman ko nalang na may yumakap saakin mula sa likodan.

"Kim, patawarin mo ako..." sabi nito. Nagulat naman ako sa ginawa nya totoo ba ito?! Itong lalakeng ito humihingi ng sorry?

Hinarap ko sya at nakita kong malapit na syang umiyak. Natawa naman ako sa itsura nya siguro kapag makikita nyo lang sya ngayon matatawa kayo kasi sa gwapo nyang yan sa maliit lang na bagay iiyakan na nya?!

"Tsk! Ang O.A, nasaktan lang naman ako sa ginawa mo eh..." sabi ko nakita kong pinunasan nya yung mata nya at nag puppy eyes saakin at nag pout.

"Sorry na talaga Kim promise I'll be a good boy na..." at nag promise sign sya. Halla sigurado sya?! Napa smirk naman ako hmmmmm....

"Sure kang magiging good boy kana?!" Tanong ko. Tumango naman sya at nginitian ako.

"Okay ganito, kapag tinawag mo naaman akong bakla may parusa ka sakin..." napakunot naman sya sa sinabi ko.

"Andaya may parusa..." parang bata nyang sabi. Tssssh hindi nya bagay To be honest guys.

"Ah basta deal na yun, at ang parusa ay magiging slave sya for 1 month!" Pagsasabi ko dito. Napakunot naman lalo yung gwapo nyang mukha.

"Eeeeh?!" Sabi nito.

"Hep hep hep..." pagpigil ko dito"It's a deal..." pag peperiod ko sa sinabi ko.

Tumunog na ang bell hudyat na time na kaya bumaba na kami galing rooftop at pumasok na sa classroom.

-----

Third Person P.O.V

"Boss, may lakad mamaya ang grupo ng mga taga junon.." sabi ng isa kong tauhan.

"Saan sila pupunta?!" Tanong ko dito.

"Magkakaruon ng bakasyon ang mga tonta!" Napangisi naman ako at sinabing...

"Sa araw na aalis sila, susundan natin sila!" Utos ko napatango naman ito at umalis na sa harap ko.

Napangisi naman ako, umaayon sa plano ko ang nangyayare napa hagikgik ako ng mahina...

"Manda ka saakin Rogue..."

------------

Kim P.O.V

Nandito na nga kami sa classroom at itong katabi ko naman ay napaka tahimik at talagang nakikinig kay Ma'am ibang-iba sa nadatnan ko nuon na napaka tamad at maingay at walang paki sa lahat.

Nung nagtanong si Ma'am ay syang pagtaas nya ng kamay at sya lang talaga ang nag-taas ng mga oras nayun. Nagulat naman si Ma'am dahil unang beses daw nyang ginawa yun sa klase nakita ko namang napakamot sya sa batok nya at ngumisi. Takte dre ang kyot nya!

Pinatayo sya ni Ma'am at tinanong ng mga bagay bagay na napag aralan namin ngayon. Sinagot naman nya ito ng walang pagalinlangan. Matapos syang sumagot at sumulyap ito saakin at nagpakawala ng matamis na ngiti.

Shems, ang Gwapo nya dun ah?! Finocus ko naman ang aking atensyon sa harapan ng sa ganun ay mabaleng ko ang ginawa nyang pag ngiti saakin.

----

Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan at pauwe na kami pero napag-isipan pa naming dumaan saglit sa 7/11. Pagka baba namin sa loob ng sasakyan at papasok na kami sa loob ng naturang store ng biglang umakbay saakin si Rogue tinignan ko naman ito at nakita kong nagtaas baba ang dalawang kilay nito habang naka ngisi.

Tatanggalin ko sana pero naunahan nya ako ng salita nya.

"Sige subukan mong tanggalin, Hindi na kita bati!" Ang parang bata nyang sabi. Wala naman na akong nagawa no? Kung sinabi nya sinabi nya baka awayin lang ako nito kapag nagpumilit pa ako.

Habang tumitingin ako ng pwedeng mangata ay sya namang itong tumitingin ng maiinom namin. Nakakita ako ng V-cut witch is my favorite kaya agad akong kumuha ng apat nito. Alam nyo guys sa totoo lang ayoko ng Piattos mas masarap yung V-cut to be honest!

Ng pumunta ako kung nasan si Rogue ay tinignan lang ako nito ng waring nagtaka.

"Hindi mo naman gusto ang V-Cut no?!!" Sabi nito saakin. Nginitian ko lang ito at nakita kong kumuha ito ng isang big size ng Chuckie. Nagtungo kami sa Cashier para bayaran na ni Rogue itong binili namin...

Ng biglang may tumawag ng pangalan ko. Pag lingon ko it was Joery at naka ngiti itong lumapit sa pwesto namin...

At narinig ko nalang ang mahinang sinabi ni Rogue na "Tssss....."

"Mang-aagaw ng moment..."

BULLY! (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon