Isang linggo ang lumipas ay ganun padin ang nangyayari sa akin binubully padin ako ni Rogue. Walang pinagbago madalas nya akong konyatan o mas malala bigla bigla nalang nya akong tatadyakan kahit sang parte ng school basta makita nya akong nag iisa malamang sa malamang sisipain ako nun.
Nandito ako ngayon sa rooftop! Wala lang parang mas maganda ang ambiance dito keysa sa ibang parte ng school! Nag-iisa lang ako dito nagbabasa ng Lesson para sa English namin mamaya! Long quiz kasi namin so i better to review.
Habang nag rereview ako may umupo sa tabi ko! Sino pa nga ba yung basta basta nalang uupo sa tabi ko kundi si Joery lang!
"Hey! You look busy!" Slang nyang sabi sa akin. Ito nanaman sya alam namang magtagalog pinapahirapan pa akong mag English.
"Yeah! We have a long quiz in English later, so i better review our lesson!" (A/N: pagpasensyahan niyo na wrong grammar eh!) Ang sabi ko na hindi padin naalis ang mata sa nirereview ko.
"Yeah! Naka review na ako yesterday eh!" At bigla nya akong inakbayan.
"Hey put your hands off me!" At pilit kong tinatanggal ang kamay nya na nka dantay sa akin.
"What if i don't?" Ang tanong nya ng nakangisi.
"Erer mo!" At natawa nalang sya sa sinabi ko.
"We should be a beatfriend! If you want?" Ang nakangiti nyang sabi sa akin na ikinangiti ko din.
"Sure! Gusto ko din ng kaibigan!" At nag apir kami. Sinabayan nya akong nag review. At nagtatanungan kami ng mga possible na itatanong mamaya sa Long quiz.
Ng matapos kaming mag review ay bumaba na kami, ng nasa hallway na kami ay nakita namin si Rogue. Mukhang mainit ang ulo kaya ang ginawa ko umiba kami ng ruta ni Joery but suddenly Rogue mention my Name with his serious voice.
Lumingon ako sakanya at nakita kong inanyayahan nya akong pumunta sa kanya! Ng papunta na ako sakanya ay pinigilan ako ni Joery! Alam kong sa mga oras na to nanggagalaiti na si Rogue sa galit na di ko sinunod utos nya. Si Joery kasi alam naman nyang napaka sadista ni Rogue.
Nakita kong lumalapit na si Rogue sa pwesto namin kasama mga alipores nya! Ng nasa harapan na namin sila bigla akong hinigit ni Rogue. At nagsalita sya.
"Inaagaw mo nanaman ang laruan ko!" At tinignan nya ng matalim si Joery. Agad ding nagsalita si Joery.
"Lahat naman laruan mo!" Ang naka ngising tugon ni Joery kay Rogue.
"Mangaagaw ka kasi Joery! Nakikita mo ba itong si Kim?" At tinuro nya ako "isa lang syang laruan sakin, kaya kung sinabi kong laruan ko wag ka nang makilaru pa dahil pagmamay-ari ko na sya" at tumawa sya ng mahina. At tinignan nya si Joery ng nakakaloko.
"Wala akong inaagaw sayo! At tyaka kaibigan ko si Kim kaya akin na sya!" At kinuha ako ni Joery pero agad din namang nahawakan ako ni Rogue sa ngayon hawak nilang pareho ang kamay ko.
"Pagmamay-ari ko sya!" Matigas na sabi ni Rogue kasabay nun ang pag higit nya sakin pero hindi padin ako binibitawan ni Joery.
"Kaibigan ko sya!" At hinila ako ni Joery kaya nasa tabi din ako ngayon ni Joery, katulad ng kanina hindi din ako Binitawan ni Rogue.
"Eh gago ka pala eh!" At sinapak ni Rogue si Joery natumba si Joery kaya sa gulat ko nahigit ko ang kamay ko na hawak ni Rogue at agad na pumunta sa naka higang si Joery na duguan ang kaliwang parte ng kanyang bibig.
"Ayos ka lang?" Ang tanong ko sakanya
"Satingin mo ayos lang ba ako?" At ngumisi sya sa akin pahiya ako dun ah -_-
Bumangon si Joery at agad binigyan si Rogue ng isang side kick nasapol naman si Rogue agad syang napa higa. Tatayo na sana si Rogue para maka bawe ng biglang may umawat sa amin.
"Young master tama napo!" At inawat sya ng kanyang body guard.
At may pumagit sa amin. Ng tignan ko kung sino ito napalunok ako ng laway.
-----
Nandito kami sa Principals Office ngayon. Dahil sa gulong ginawa ni Rogue. Nandito ako para tumistigo hindi naman kami ang nag simula eh! Itong impako ang nag simula.
Tinignan ko ito at pinanlisikan ng mata. 'Makuha ka sa tingin' ganyan ang pagkaka tingin ko sakanya pero matigas ang impakto at tinaasan lang nya ako ng kilay.
"Now, explaine to me what is going on here?" Mataray na tanong ng Principal.
"Tita wa----" hindi na sya pinatapos mag salita ng Principal dahil nagsalita din ito.
"Don't call me tita! Kapag nandito tayo sa school!" Mataray na sabi nito. So tita pala nya ang principal? Kaya pala ang tigas ng impakto dito sa school eh konektado pala sya sa mga matataas na namamahal dito.
"Sorry ma'am!" At yumuko ito. Malamang napahiya sa amin.
"Will you explaine Joery kung bakit nag away nanaman kayo ni Rogue!" Nanaman? So matagal na silang may War?
"Kasi po Ma'am binubully nya si Kim! At sinabi nyang pag mamay-ari nya at laruan nya daw!" Ang sabi ni Joery.
"Ma'am hindi po yun to---" hindi ko na pinatapos si Rogue mag salita ng mag salita nadin ako.
"Totoo po yun Ma'am He was so bully, lagi nya akong sinisipa ng wala naman akong alam na dahilan! Lagi nya akong pinagtritripan!" Ang buong lakas kong pag-amin, nakita ko si Rogue na naging demonyo ang pag mumuka.
-----
Uwian na at umuwi na ako sa bahay. Naabutan ko dun si Nanay. Na naka upo aa labas ng bahay.
Binati ko ito at nag beso sakanya. Mukhang malalim ang iniisip ng aking nanay ah!
"Mama bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko rito. Tinignan nya ako at marahang ngumiti.
"Pinapalayas na tayo dito anak!" Dahil aa sinabi ni Mama ay bigla akong nanlumo kami pinapalayas na dito? Saan kami titira?
"Mama hindi to maaari!" Usal ko habang naka tingin sakanya.
"Wala na tayong magagawa! Naimpake ko na ang mga damit natin. Napag desisyonan ko at ng matalik kong kaibigan na sakanila tayo maninirahan pansamantala!" Dun sa may ari ng School na pinapasukan ko, kami titira?
Wala na kaming nagawa ni Mama! Lilisanin na namin itong bahay na ito. Matagal din kaming namalagi dito pero ganun ang buhay eh. Hindi fair binili na itong lupang kinatatayuan ng maliit naming bahay.
Nalungkot ako sa paglisan namin. Wala halos kaming dalang gamit dahil wala naman ma ipundar si Mama dahil lahat ng kinikita nya sa pagkain nya ginugugol. Mas maganda nayun keysa naman mamatay kami sa gutom. Mas maganda ng busog keysa madaming Luho. Hindi mo naman makakain yun eh.
Dahil sa hirap ng buhay ay natuto akong magpahalaga kahit piso lang sakin ay mahalaga na. Dahil sabi ni Mama hindi mabubuo ang isang libo kung walang Piso at hindi mabubuo ang sampu kung walang piso.
Sa panahon kasi ngayon ay pera nalang ang umiikot sa mundo pansin nyo? Kung hindi nyo napapansin pwes Pansinin nyo. Mamamatay ka kapag wala kang pera. Aapihin, kukutyaing dukha, at madami pang iba.
Sa aking pagsasalaysay sa Pera ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay ng kaibigan daw ni Mama. Malaki ito at talagang pang mayaman.
Nag door bell si Mama at may naaninag akong lumabas na lalakeng naka boxer short lang.
Binuksan nya ang pintuan at napa dilat akp ng mata sa nakita ko. Maging sya ay napa dilat din halatang nagulat.
"IKAW?!!!" sigaw nya ng mag sink-in na siguro sa utak nya ang nangyare. Pero para sakin hindi mag sink-in eh. Panong....?
DISASTER TO!
------
Ayan for how many days na U.D din! Sorry for keep you waiting guys! Hoho
Hey guys I'll give you some cookie (^.^)>(:.) Haha pampa bwenas lang hahahah! XD
BINABASA MO ANG
BULLY! (BoyxBoy)
Teen FictionIsang batang nangangarap magtagumpay sa buhay, subalit sa pag-hangad niya nun iba ang ibinigay sakanya ng May Kapal. isang bagay na gugulo ng kanyang tahimik na pamumuhay kasama ng kanyang nanay. Ito ba ang nakatadhana sakanya? o isa lamang itong pa...