BULLY 3:

15.4K 463 23
                                    

"IKAW?!!!" sigaw nya ng mag sink-in na siguro sa utak nya ang nangyare. Pero para sakin hindi mag sink-in eh. Panong....?

DISASTER TO!

"Teka Rogue, magkakilala kayo ng Anak ko?" Takang tanong ni Mama aba'y kilala nya si Rogue?

"Opo Auntie! May malaki pa syang kasalanan!" At tinignan nya ako ng masama yun bang nanlikisik na mga mata.

Ako naman napa titig sa katawan nya. Ba...ba....bat ang sharap kagaten ng Eybs nya.

Napalunok ako habang tinitignan ito. Pero ng maalala ko na sa halimaw pala iyang masharap na Eybs nayan eh iwinaksi ko nalang sa utak ko.

Tinignan ko sya ng matalim din. Pero hindi na ganun ang titig nya sakin naka ngisi na sya sakin at para bang nang-aakit ang bawat titig nya.

"Uy, mare nandyan kana pala!" Isang magandang babae ang sumalubong at niyakap si Mama.

"Naku mare nakakahiya naman sainyo!" nahihiyang sabi ni Mama nakita kong sumimangot yung magandang babae na sa tingin ko ay ka edad ni mama

"Ang O.A mare ha! Di mo bagay!" At tumawa ito na pagka lakas lakas. Ng mapatingin ito sakin ay tumigil ito sa pagtawa at tinignan ako.

"OH MY GOSH!" Ang parang tumama sya sa lotto sa reaction nya. "Ang ganda ng Anak mo Mare!" Ang bulalas nya

"Naku Ma'am maliit na bagay!" Ang sabat ko naman. Nakita ko aa gilid ng mata ko na parang nasusuka ang itsura ni Rogue.

"Naku, mare lalaki lalo ang ulo nyang bakla kong anak wag mong bulahin uto-uto yan!" Nice ang galing nyang Nanay! Palakpakan *clap* *clap* *clap*

"Nakaka suka!" Parang nasusukang tono ni Rogue. Binatukan sya ng Magandang Babae ng pagkalakas lakas.

"Aray naman Mommy!" Ang irita nyang sabi sa magandang Babae ..Wait? Tinawag nyang Mommy itong magandang babae na ito.

"Wait anak nyo po yang sanggalo nayan?" Ang nagtataka kong tanong.

"Oo, anak ko yang impakto nayan!" Ang parang nahihiya nyang sabi. Yung hiyang parang kinakahiya nya nakita ko naman na nagsalubong ang kilay ni Rogue

"Naku Ma'am parang hindi nyo anak! Para kang Walang anak!" Ang mangha kong sabi haha iinisin natin si Rogue.

"Talaga? Pero wait Call me Tita Angie nalang! Talaga para akong walang anak? Naku naman napagkamalan nanaman ang ganda ko!" At sinuwey nya ang kanyang buhok pakanan.

"Tsss. Para kang temang Mommy!" Naka busangot na sinabi ni Rogue. Binatukan nanaman sya ng Mama nya. "Aray! Strike two kana ah! Tatadyakan kita dyan! Sige!" Parang bata nyang sabi sa mama nya. Is this real? Yung pinaka gag* sa school eh parang bata lang ngayon sa harap ko.

"Halika na Mare at ikaw din Kim halika na kakain na tayo!" Hinila kami ng Mama ni Rogue at dumeretso na kami sa loob ng ka ilang bahay.

Grabe ang laki! At ang gaganda ng mga nuwebles nila! Pati yung hagdanan naku mag-aala Rose ako nito sa Titanic.

Sino naman si Jack? Hmmmm nakaka yamot wala pala akong lovelife. Nakarating kami sa hapag kainan at natulala ako sa nakita kong mga inihandang pagkain.

May kare-kare inihaw na bangus, Chiken, may baka din! Hanep puro karne. Pero hindi dapat ako kumaen ng marame. Anu ako hilo? Gosh ang hirap mag papayat! Kaya nga nag Sexy Chicks nalang ako nung naramdaman kong tumataba ako. Pero isang beses ko lang yun ginawa. Wala kasing perang pambili.

Habang kumakain ay napa tingin ako kay Rogue na naka tingin sa akin ng matalim. Tinignan ko din sya at talagang hindi nagpatinag ang impakto. Tinaasan nya ako ng kilay habang ako naman ay pinandilatan sya.

"May away ba kayo mga Anak?" Takang tanong ni Tita Angie. Napa tingin ako sakanya at marahang umiling.

"Ahh.. pag pasensyahan mo na yang anak ko ha! Naka topless kapag kumakaen nakakahiya sainyo!" Parang nahihiyang pagka sabi ni Tita habang tinitignan si Rogue na kung kumain ay kala mo nasa Fiesta ng barangay.

"Naku, Mare ayos lang ang cute nya ngang tignan bagay sila nitong anak ko!" Nabilaukan ako ng sabihin iyon ni Mama, nangapa ako sa lamesahan naghahanap ako ng tubig.

Nakita ko si Rogue na naka taas ang kilay na naka tingin sa akin.

"Naku anak. Anung nangyare't nabilaukan ka dyan?" Nag-aalalang tanong ni Tita. Tinaas ko ang isa kong kamay na nagsasabing okay lang ako. Nakita ko namang huminahon si Tita. Dahil naka inom na ako ng tubig at naka hinga ng maluwag ulit.

"I'm here!" Boses ng isang Lalake at naka rinig kami ng mga yabag pa tungo sa amin. At nakita ko ang may ari ng eskwelahan.

Napa tingin ito samin at ngumiti ito.

"Oh, kumare nandito na pala kayo ng anak mo!" Nginitian ako nito at ngumiti din ako dito.

"Tssss" narinig kong kumento ni Rogue

----

Paakyat na ako ng second floor ng bunguin ako ni Rogue na pagayak nadin papuntang taas.

Sinabi ni Tita Angie na nasa Kanang bahagi ang aking magiging kwarto. Hindi kami tinuring na katulong infact bisita daw kami at feel at home lang daw.

Ng nandito na ako sa loob ng magiging kwarto ko ay nagandahan ako sa itsura nito. Napaka ganda kulay sky blue ang theme ng kwarto.

Yung kama ang lambot sobra. Pati yung unan ang lambot pero nahihilo ako kapag sobrang lambot ng unan kaya ang ginawa ko kinuha ko sa kwarto ni Mama yung unan namin sa bahay nun.

Matigas kaunte ito pinasadya ko talaga dahil magsusuka lang ako kapag sobrang lambot ng unan na hihigaan ko. At ito pa hindi ako kumportable ng isa lang ang unan ko dapat dalawa itong inuunan ko. Mahihilo kasi ako kapag isa ganun din ang pakiramdam ko kapag malambot ang unan ko ng sobra. Dahilan para mag suka ako.

May sarili din akong Cr dito sa loob ng kwarto.

Matapos kong magpunas ng katawan at makapalit na ng damit ay nahiga na ako sa kama para matulog.

******

Habang ako'y natutulog ay nakaramdam ako ng parang may kung anu na gumagalaw sa hita ko. Pinagpag ko ito dahil sa tingin ko ay langaw lang ito.

Pero makulit ang langaw dahil bumalik nanaman ito. Papagpagin ko na sana habang ako'y naka pikit ng biglang hinawakan ang pares ng kamay ko ay ipinulupot ito sa neck tie.

Napadilat ako dahil sa gulat. Pero mas nagulat ako kung sino ang gumawa nito.

"Ro...Rogue ba...Bakit?" Nag-aalanganin kong tanong. Nakita ko syang naka ngisi at dahan dahan syang lumalapit sa akin.

Balak nya akong halikan kaya nagpumiglas ako.

Hanggang sa....

*KAPLAK*

"Araaaaay koooo!" Matamlay kong sabi. Takte akala ko kung totoo na

PANAGINIP LANG PALA....

------

So sa late update!

-comments?

BULLY! (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon