Naglalakad ako papasok sa classroom ng harangin ako ni Rogue."Ano ba wag ka ngang paharang harang dyan" akmang maglalakad na ako ng bigla ulit niya ulit ako harangan tinignan ko ito ng walang emosyon.
"Are you not going to say anything?" iniling ko ulo bilang sagot.
"Can you please listen to me first Kim?" nakita kong nalungkot ito dahil sa nangyari kamakailan pero come to think of it eh bolero to eh malamang chinacharot niya lang ako alam niyo naman ngayon mga mare hirap maging marupok.
"Listen listen kapa diyan tumabi ka nga" Tinulak ko siya ngunit nagulat ako ng bigla din syang natumba sa pagtulak ko sakanya.
Ang O.A masyado para matumba siya sa tulak ko nayun "Ay tumba" komento ko napatingala naman saakin si Rogue naging blanko ang kanyang ekspresyon echos masyado.
"Charot charot ka umagang umaga tara na sa klase" Iniwan ko ito at dahil anung oras na at wala ako sa mood makipag drama sakanya.
Habang nasa klase ay pansin kong pagiging tahimik ni Rogue usually kahit may klase maririnig mo siyang nakikisabay sa mga teachera dahil isa siya sa mga maiingay.
Pero ngayon ay iba halos hindi niya pansinin mga barkada niya at halos naka yuko lang siya buong durasyon ng mga klase namin. Even mga teachers namin nagtataka dahil sa pagiging tahimik niya.
Alam ni Rogue na bully siya at basagulero hindi niya maitatago yun ngunit yung mga ginagawa niyang effort para maipakita kay Kim yung nararamdaman niya ay una niyang ma e-experience dahil never siyang nag effort ng katulad ng pag amin niya kay Kim sa buong tana ng buhay niya.
"Pre napaka tahimik mo ata ngayon" hindi na mapigilan ng mga barkada niya ang kyuryusidad na bumabalot sakanila habang tinitignan nila ang walang ka buhay buhay nilang kaibigan.
"Wala" ang tanging nasabi ni Rogue.
Uwian at naglalakad si Rogue kasama ang kanyang barkada ng makita niyang naglalakad si Kim kasama ang isa mga kaklase nilang lalake. Halos uminit ang ulo ni Rogue ng makita niya kung paano tumawa si Kim habang kausap ang lalake.
Mabilis na naglakad si Rogue patungo sa dereksyon nila at hinila ang nagulat na si Kim tinignan ni Rogue si Kim ng ubod ng talim. Akto namang magsasalita si Kim ng bigla niyang nakita ang itsura ni Rogue.
"Anong ginagawa mo at kasama mo itong lalakeng ito?" Hindi mapigilan ni Rogue ang selos na nadarama niya sapagkat gusto niya na sakanya lang pinapakita ni Kim ang ganong mga ngiti.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili sa emosyong nararamdaman niya ngayon.
"Teka nga bitawan mo nga ak--"
"HINDI!" Sigaw ni Rogue dahilan para mapatahimik si Kim, dahil sa pag sigaw ni Rogue ay nakuha nito ang lahat ng atensyon ng mga estudyanteng papalabas narin ng kanilang eskwelahan.
"Rogue bi--bitawan mo ak--ako" nauutal na sabi ni Kim habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sakanya ni Rogue.
"Pre hindi mo kailangang sumigaw walang ginagawa si Kim na masama" aktong lalapit ang lalake ng biglang kinaladkad ni Rogue si Kim halos magkumpulan ang mga estudyante dahil sa nangyare.
Nakayuko lang si Kim habang papunta sila sa parking lot, hindi niya maatim ang mga ibinabatong tingin sakanya ng mga tao nahihiya siya sa nangyare, ng makarating sila sa parking lot ay agad na binuksan ni Rogue ang kotse at wala sa sariling pumasok si Kim.
Kita naman ni Rogue ang pagbabago ng ekspresyon ni Kim ngunit isinawalang bahala nalang niya ito at nagpatuloy na sa driver sit. agad niya pinaandar ang sasakyan at tuluyan na silang umalis.
BINABASA MO ANG
BULLY! (BoyxBoy)
Teen FictionIsang batang nangangarap magtagumpay sa buhay, subalit sa pag-hangad niya nun iba ang ibinigay sakanya ng May Kapal. isang bagay na gugulo ng kanyang tahimik na pamumuhay kasama ng kanyang nanay. Ito ba ang nakatadhana sakanya? o isa lamang itong pa...